34

11K 269 66
                                    

"Ms. Engineer!"

Agad akong napalingon kay Luigi at tinawanan ito. I shook my head and chuckled. "Baliw ka talaga. I told you to call me Coleen!"


Tinawanan lamang ako nito bago iabot sakin ang mga papel na hawak niya. Tinignan ko ito at napatango ng makita ang laman. "Tatapusin ko bukas yung report.."


Iniisa-isa ko ang bawat papel ng magsalita siya. "Oh wait! May naiwan pala akong mail sa office ko, sa'yo yon." Saad nito at dali-daling umalis.


I sighed when he left. Inisa-isa ko muli ang papel at puro records yon sa trabaho.


Ibig sabihin ay 'yong papel na kukunin niya ay ang hinihintay ko. It will confirm all of my accusations. Papatunayan kong siya ang dahilan.


Pero hindi ko rin alam. Nangangamba ako kung anong gagawin ko kapag napatunayan ko ang bagay na 'yon. Ipapakulong ko ba? Pero dapat 'yon sa kaniya!


But Lorcan.. Lorcan might get mad and leave me..


Sa dalawang taong lumipas, pinagsikapan ko talaga kung nasaan ako ngayon bilang head engineer rito sa Cuanco Inc. Ang mga taon na talagang gumapang ako para lamang matustusan lahat. Hindi ko nga alam kung dahil ba sa pagkawala ni Papa kaya ako mas lalong nagpursige, to the point na hindi ko inaasahan na maging topnotcher ako sa board exam.


Dahil na rin doon kaya ako hindi tumigil sa pag-iimbistiga sa kaso ni Papa kahit pa  sinabi nilang tapos na ang kasong 'yon.


Noong nakaraan, galing ako sa condo ni Lorcan dahil doon ako nags-stay. Hindi ako pumasok dahil pumunta ako sa Police station kung nasaan si Chief Rodriguez. Ang pulis na humawak ng kaso ni Papa.






"Gusto mo ulit na buksan ang kasong 'yon?" Tanong nito habang nakatingin sa'kin ng diretso.


Tumango ako. "Yes, I want you to investigate again."

Tinitigan ako nito ng mas mariin bago umiling. "Hindi na pwede hija. Ang kasong 'yon ay sarado na at confirmed na rin ang dahilan. Nakakulong na ang dalawang 'yon, ano pa bang gusto mo?"


Bumilis ang paghinga ko at pumikit ng mariin. Ayokong magalit ngayon. Bakit? Bawal bang hindi ako naniniwala sa sinabi ng mga demonyong 'yon?


With my teary eyes, I stared directly at him. I need this, I need more justice for my Papa. "C-Chief, sige naman na.. I'm willing to p-pay, kahit gaano pa kalak---"


"Sinabing hindi 'yon pwede at hindi mag-iiba ang sagot ko. Umalis kana rito kung 'yan lang ang concern mo kaya ka pumunta." Pinal na saad nito bago ako talikuran.


Mariin kong sinarado ang kamay. Halos bumaon na ang mga kuko ko sa palad para pigilan lahat ng emosyong nararamdaman ko.


"Fine! Akala mo hindi ko napansin?" I sarcastically laughed at him. Nang marinig niya ang sinabi ko ay agad siyang napaharap kaya mas lalo akong napangisi.

"I heard what you said that day, Chief. And that's so unprofessional of yours.." puno ng pandidiring saad ko rito.

Kita ko ang paglikot ng mata nito kaya mas lalo kong napatunayan na kasabwat siya. Isa rin sa dahilan kung bakit hindi ko matanggap tanggap ang rason na sinabi niya.




Naalala kong may tinawagan siya. Lumabas ako noon sa kwarto para silipin si Papa at nagkataong nasa kusina siya at may kausap. "Cleared na. Tapos na ang trabaho ko rito, sigurado rin akong hindi sila nagduda. Pakipadala nalang ng pera sa akin.." that's what he said exactly.


Kaya ng malaman kong wala akong mahihita sa kaniya ay wala na 'kong ibang nagawa kundi kumuha ng iba, lalong lalo na ng abogado para pabuksan ang kaso. Naaalala ko pa ang tanong nito sa'kin, kung may pinaghihinalaan ako kaya sinabi ko.



I remembered how her tongue slipped that day..


"Hindi ka ba talaga lalayo sa anak ko?!" Malakas na sigaw nito sa'kin. Hindi ako nagpatinag at hinarap siya ng taas noo.


"Kung naalala niyo pa po ang napag-usapan natin sa restroom dati, 'yan din po ang sagot ko sa inyo." Mariin kong sambit rito.


Kasalukuyang wala si Lorcan at ang ibang tao rito sa garden kaya nasugod nanaman niya 'ko. Pero ayokong makita niyang takot ako sa kaniya, mas gusto kong makita niyang hindi niya ko masisindak.


Mas lalo siyang nagngit-ngit sa galit. Dinuro niya ko sa noo at tinulak ito. "Let me remind you that I have power! That I can kill you! I already did tha--" bigla siyang napatigil.


Bigla rin akong napaangat ng tingin ng marinig ang huli niyang sinabi. "You killed?" Nanginginig kong sambit.


Hindi niya ko sinagot. Ngunit mas kumabog ang dibdib ko ng ngumisi siya bago ako talikuran.






Ngayon ay hawak ko ang papel na pinadala sa'kin ni Atty. Heras. Tatlong-buwan ko 'tong hinintay kaya kating kati na 'kong makita ang laman nito. Pinalangin kong sana, san hindi tama yung naisip ko kasi parang hindi ko nanaman 'to kakayanin.


Unti-unti kong binuksan ang papel, kinuha ko ang nasa loob non. Pumikit at huminga muna 'ko ng malalim bago lakas loob na binuksan ito.


Nagsimulang mag-init ang mata ko dahil sa mga nabasa. May mga litrato pa kung saan kausap niya yung pulis na humawak ng investigation ni Papa. Inulit-ulit ko pa ang basa rito hanggang sa lamukusin ko na lamang at punit-punitin.


Hindi...


"B-bakit..." Nanginginig kong saad. "B-bakit kailangang h-humantong sa gano'n yung g-galit niya sa'kin.."


Hindi ko naman alam na ganito. Bakit parang pakiramdam ko, kasalanan ko kung bakit nawala si Papa?


Biglang lumitaw sa utak ko ang nakangiting mukha ni Lorcan. I can't risk that smile, I don't want to lose that smile..


"W-What should I do, Papa.." I whispered while silently crying. Praying that he will give me a sign. "P-Papa yung hustisya, a-ang hirap kunin.."


Kailangan kong mamili.. Kailangan kong pumiling mabuti.


Kung yung justice na nararapat para sa Papa ko or..


Yung taong naging sandalan ko noong sadsad ako sa lupa.


I love Lorcan so much. I love them, included him..


Napakagat ako ng labi para pigilan ang muling paghikbi. Hindi ko alam.. Gulong gulo na 'ko..


Louisa Francisco



She's the reason why I suffered too much. She's the reason of my downfall. Siya ang sumira ng buhay ko.

I Own ThemWhere stories live. Discover now