27

11.5K 255 108
                                    

"Tubig?" I asked.

He nodded with a wide smile. "Thank you baby.."

Ngumiti rin ako at kinuha ang bimpong hawak para punasan ang tumatagaktak niyang pawis sa mukha.

Nagpa-practice siya ngayon rito. Akala ko sobrang lawak na ng nakita ko kahapon pero hindi. May sarili pala silang race track!

I don't know where Gideon is. Hindi ko siya nakita mula kanina. Hindi ko rin alam kung anong sumapi sa'kin dahil hindi ko binalak na tanungin sa dalawa o kaya ay itext siya para alamin kung nasaan siya ngayon.

Si Darsen naman kanina ay nandito. Kasama ko manood ng practice ni Lorcan. Bigla lang siyang umalis dahil may tumawag sa kaniya at sa kumpanya daw 'yon kaya umalis muna siya para pumasok sa loob ng bahay. He said that he's temporary acting ceo so expect him to be busy these days.

Niyaya ko siyang umupo muna sa lilim. Nang makaupo kami ay sumandal ito sa upuan at tsaka ako inakbayan.

"Bagalan mo kaya ng kaunti? I mean, ang bilis mo sobra. Baka kung mapa'no ka.." saad ko rito ng may nag-aalalang boses.

I chuckled. "Baby, pagbinagalan ko, mamatalo ako."

Napanguso naman ako. Pinitik ko ang tainga niya. "It's okay to lose! Ang hindi okay ay yung mapahamak ka!" Bulyaw ko rito.

Aba! Inisip pa niyang matatalo siya! Imbis na isiping dapat maayos niyang matatapos yung laban ng walang galos o sugat.

Ginaya niya ang pagnguso ko at nagpapaawang tumingin ito sa'kin. Bigla tuloy akong napatigil sa pagbulyaw sa kaniya.

Ba't ang cute nito? Akala ko gwapo lang.. Ang sarap niya yatang pisilin dahil sa ginagawa niya.

"Don't be mad baby.. I don't want to lose this game because I know that you're there. Sa'yo ko iiaalay yung pagkapanalo ko.."


Napahinga ako ng malalim. "Hindi mo naman kailangang manalo para sa'kin. Basta ang gusto ko lang, mag-ingat ka okay?"


Masaya naman itong tumango bago ako yakapin ng mahigpit. Ramdam ko sa higpit ng yakap niya kung gaano niya 'ko kamahal.


Ang saya sa pakiramdam na sinasabi niya sa'kin ngayon na ako yung rason kung bakit gusto niyang manalo.


We're hugging each other while having a conversation about our lives when someone rushed to us. Isa siya sa mga tauhan nila sa mansion.


"Sir!" He shouted. Calling Lorcan beside me.


Agad kaming tumayo at sinalubong siya. Bigla yata akong kinabahan dahil halatang natataranta siya habang papunta rito. Mukha a siyang pagod dahil tumatakbo siya, napakalayo pa naman ng mansion at kailangan pang sumakay para makauwi.


"Why?"

Hinabol muna niya ang hininga bago tumingin sa'min. "Sila Madame po, parating na rito."


Bigla akong napatigil dahil sa narinig. Tumingin rin ako kay Lorcan at nahalata ko rin ang gulat rito.


"What? Paanong pupunta? They didn't say anything about coming here! " He exclaimed.


Napayuko ang lalaki dahil sa pagtaas ng boses ni Lorcan. I held his hand to calm him down.

Bigla itong natauhan at napasuklay sa buhok. "I'm sorry, nagulat lang ako. Hindi kasi nila sinabi sa'kin na darating sila."


Agad niya 'kong inaya sa motor niya at pinaandar na ito pabalik. Mabilis ang tibok ng puso ko habang papalapit sa mansion dahil sa kaba.

Magulang ni Lorcan ang paparating rito. Sobrang biglaan naman yata non!

Nang makarating kami ay hinawakan niya agad ang kamay ko. Naramdaman niya yata ang panlalamig ko kaya hinarap niya ko at mariing tinitigan.

"Don't be nervous. They're nice, maganda rin palang nandito sila dahil maipapakilala na kita.." he smiled.

Tumango na lamang ako dahil sa totoo lang ay wala akong masabi. Kinakabahan ako dahil pamilya niya 'yon eh!


Pagpasok namin ay halatang nagmamadali rin ang mga tao sa loob. Bigla kong nakita si Darsen na pababa ng hagdan habang may dalang bag. Saktong nagtama ang mata namin kaya mas binilisan niya ang pagbaba.

"I'm sorry, Kailangan kong umalis Col, Lorcan.." paalam niya sa'min at tinignan kami.

Aalis siya? It means kami lang ni Lorcan dito. Mas lalo tuloy nanlamig ang kamay ko sa kaba.

"Kailangan nila 'ko doon but I promise, after this I'll be back immediately hmm?" Saad niya sa'kin.

Tumango na lamang ako sa kaniya. He gave me a kiss in my lips before he tap Lorcan's shoulder.

Nang makalabas ito ay pareho kaming nagbihis ni Lorcan ng mas maayos na damit. Kabang kaba nga ako mamili dahil baka magmukhang basura 'to sa harapan nila.

Nauna akong makababa. Huminga ako ng malalim bago akmang didiretso sa living room pero napahinto ako ng biglang bumukas ang malaking front door bago pumasok ang mga taong inaasahan namin.

Napalunok ako at tumigil sa paglalakad. Unang pumasok ang isang babaeng hindi mo mapaghahalataang matanda na dahil sa kutis at itsura nito. Kasunod niya ang lalaking matipuno at seryoso ang mukha. Nasa likod naman nito ang babae't lalaking mukhang bored ang mukha pero halatang halata rito na anak sila ng naunang dalawa.

I gulp hard when the older woman glanced at my direction. Nagtama ang mga mata namin at mas bumilis ang tibok ng puso ko dahil hindi man lang nag-iba ang ekspresyon niya sa mukha.

Lumapit sila sa direksyon ko. Nakita na rin ako ng iba at wala naman silang nasabi.

Lorcan's mother look at me. "Where's my son? Lorcan?"

Napalunok ako. Hindi ko alam kung bakit ako nadismaya dahil hindi man lang niya tinanong kung sino ako at ano ako rito.

"S-si Lorcan pi nasa taas pa.." saad ko rito.


Tumaas ang kilay niya at akmang magsasalita muli ng marinig namin ang mga yapak na pababa rito.

"Mom!" He called her happily.

Nang makababa siya ay dumiretso siya sa mama niya at niyakap ito. Ngayon ko lang nakitang ngumiti ang ginang simula kanina.


"Lorcan! You should be the one who welcomed us!" She said.

Napatawa naman ang lalaki. Sinunod niyang batiin ang ama at kapatid niya.

Nagulat ako ng bumaling siya bigla sa'kin. Malawak ang ngiti niya at nagulat ako ng hilahin niya 'ko kapantay niya at inakbayan.

Nalipat ang mga mata nila sa braso ni Lorcan. Nakita ko kung paanong naglaho ang ngiti ng mama niya. Ang ama niya naman ay seryoso lang at ang mga kapatid niya ay may ngisi sa labi.

"Kilala niyo na siya?" Masayang tanong ni Lorcan. Walang nagsalita kaya hindi ko alam kung kakayanin ko pa ang nararamdaman ko.

Bakit parang napakahalatang ayaw nila sa'kin?

Hindi nawala ang ngiti ng lalaki sa gilid ko. "She's Coleen.." tumingin siya saglit sa'kin bago muling ibaling sa pamilya niya ang mata.

"My girlfriend.."

I nervously smiled at them. Nanlamig ang kamay ko ng dumilim ang mata ng babaeng nasa harap ko pati na rin ang ama ni Lorcan.

Umangat ang gilid ng labi nito. "She's your... Girlfriend.." saad niya habang pinasadahan ako ng tingin.

I don't know but when I heard what she said, I am sure that they don't like me.


"I thought she's a maid.."

I Own ThemWhere stories live. Discover now