23

12.7K 282 95
                                    

Warning!
-Contains harassment

-

Naghugas ako ng kamay. Hindi ko pinansin ang pumasok dahil nakita ko sa salamin na si Kate 'yon.

Bukas sa site na kami pupunta. Sa ilang araw na lumipas ay ngayon lang ulit nagtagpo ang landas namin.

Pinunasan ko ang kamay at naglakad upang lumabas na. Hawak ko na ang doorknob ng magsalita siya.

"Say sorry." She said.

Bigla akong napatigil at nakakunot ang noo na hinarap siya. "What?"

"Say your sorry to me. Beg my forgiveness.." She said while smirking.

Napataas ang kilay dahil sa kaniyang sinabi. Sino siya para hingan ko ng tawad?

"Pwede ba tigilan mo 'ko? Wala akong time sa pagiging immature mo kaya please, hanggang sa huli nating araw rito, sana hindi kita makita."

Umangat naman ang kilay nito. "Humingi kana ng tawad, maybe I'll change my mind.."

Hindi ko siya maintindihan. Sa totoo lang ay sinasayang niya ang oras ko. Hindi ako sumagot at naglakad na patuloy.

"You'll regret, bitch.." huling rinig ko bago ako makalayo.

I shrugged my shoulders because i don't give a shit on what she's talking about.

Bumalik ako sa table ko at nagpatuloy. Hours passed and I finished all of my assigned works.

As usual, lumabas ako at para hintayin sila. Kaso dapat pala doon nalang muna ako dahil nakita ko nanaman siya.

Sorry pero peste sila ni Kate sa totoo lang.

"Ms. Paleo, Sir Cuanco told you to go to conference room sa third floor." He said.

Napakunot ang noo ko dahil tapos na ang trabaho ko. At ano namang gagawin ko do'n? Meeting place yon.

"Bakit daw po?" Halos masuka ako dahil sa 'po' na word.

"Pati po ba sila Lorcan? Hindi pa kasi sila tapo--" dagdag ko na pinutol niya agad.

His eyes are dark. "No, ikaw lang. Si Sir ang may sabi kaya sumunod ka dahil intern ka lang, kayo rito."


Hindi ko nagustuhan ang tono niya kaya sumama ang timpla ng mukha ko bago tumayo at walang paalam na umalis.

Ang daming rooms dito sa third floor, malay ko ba kung ano yung conference room rito?

Saktong may napadaan. Nakikita ko siya sa department nila Deon minsan.

"Excuse me.." nakangiting saad ko rito.

Ngumiti rin ang babae. "Hello, why?"

"Alin po rito yung conference room?" Magalang kong tanong.


Kumunot ang noo nito pero tinuro rin kung nasaan yon. Nasa dulo pa pala at nasa sentro.

"Why? Anong gagawin mo do'n?" Tanong nito ng may pagtataka.


"Pinapunta po ako ni Mr. Cuanco.. May iuutos po yata." Alanganing saad ko rito.

Bumuka ang bibig nito at parang may sasabihin ngunit hindi niya tinuloy. Kahit na kita ko ang pagtataka sa kaniya ay tumango ito. Kaya nagpasalamat na 'ko at umalis.

Dire-diretso ako at ng makarating sa harapan ng pinto ay huminga ako ng malalim bago kumatok. Wala namang umimik mula sa loob kaya dahan-dahan kong binuksan 'yon at pumasok.


I Own ThemWhere stories live. Discover now