36

10.8K 268 126
                                    

I bit my lip and continue to walk back and forth. Napalingon ako ng makarinig ng ingay at doon ko nakita ang humahangos na pamiliya ni Lorcan.


Ate Franchesca immediately hug me. "He'll be okay hmm? Don't cry.." she said in soothing voice. I nodded and hug her back.


Nakita ko ang ama niya na halata ang pag-aalala, ganoon din si Francis na hindi na mapakali.


Humiwalay ako kay Ate. Inilibot ko pa ang tingin hanggang sa magtama ang aming mga mata.


"It's all your fault!" She glared at me. Mabilis itong nakarating sa harapan ko. Kita ko rin ang pag-aalala at pagpigil ng magkapatid sa kanilang ina.


I just looked at her with full of disgust. "Can you keep your hate for now? Hindi ito ang tamang oras para pagsalitaan mo nanaman ako." Mariing saad ko rito.


Mas nanlisik ang mata nito at hindi makapaniwalang tumingin sa'kin. "Bastos ka talaga 'no? Don't you have any manners huh?!"


"Mom!"

"Louisa," tawag ng kaniyang asawa.


Humarap ito sa kanila bago ako iduro. "Are you siding her? Am I wrong? Siya naman talaga ang may kasalanan ng lahat!"


Kita ko ang pagdilim ng mukha ni Tito. Hinawakan nito ang magkabilang balikat niya at iniharap. "No one is at fault! Let's just pray that our son will be okay than blaming someone!"


Napaigik ako ng sumigaw ito. Halos lahat kami nagulat, sila Francis din at ate ay napatigil lalong lalo na si Louisa. Bigla na lamang nito kami tinalikuran at naglakad palalayo.


Unang beses ko siyang makita magalit. Lalong lalo na sumigaw kaya talagang nagulat ako. Nakakatakot siya.


Saglit akong tinignan ng demonyo bago sumunod sa asawa. Nang makaalis sila ay sabay-sabay kaming napahinga ng malalim.


"I'm sorry," I murmured.


They shook their head. "Let them, sobra na rin kase.." saad ni Francis bago maupo.


Ate Cheska guided me to sit beside her. Tahimik lamang kaming naghihintay.


Nasa dalawang oras na yata sila sa loob. Dalawang oras na rin kaming hindi mapakali. Nandito na rin si Darsen sa tabi ko, kadadating lang nito kanina.


"You want to eat? Water? I'll bu--" napahinto si Darsen ng bumukas ang pinto.


Halos sabay sabay kaming tumayo at sinalubong ang doctor.


"Family?" He asked. We just nodded.


Napabuntong hininga ito kaya mas lalong kaba ang nararamdaman ko ngayon. "He's stable but we need to have a further test to check his condition. Medyo malakas ang impact na natamo ng right part ng brain ng pasyente. Nagkaroon din ng internal bleeding pero naagapan na 'yon.."


Napapikit ako at nakaramdam ng kaunting ginahawa sa loob. Kahit papaano, napanatag ako.


"So he will be okay?" Ate Cheska asked.


Nakita namin ang pag-aalinlangan niyang magsalita. Napakunot ang noo ko dahil doon.


"Physical? He will be okay on that part but.." he sighed.


"B-But what?" Hinarap ako nito at umiling.


"There's a high chance of having an amnesia. I'm sorry.."








Nailabas na si Lorcan at nadala sa isang private room. Hanggang ngayon ay tulala ako habang nakatingin sa kaniyang kamay na hawak hawak ko.

Chance lang right? Chance lang.. Hindi pa sure.

Nandito kanina ang mag-asawa at tinignan si Lorcan tsaka umalis rin. Hindi ko alam kung saan sila pupunta.

Si Francis at at Cheska ay nag-aayos dahil bibili daw sila ng prutas. Magdadala rin ng damit para kay Lorcan.

"We'll be back Coleen. Isasabay ko na rin ang pamalit mo. I know that you have clothes in Lorcan's condo, am I right?"

Tumango naman ako. "Ingat kayo.."

Ngumiti sila bago umalis. Tumingin muli ako kay Lorcan at malungkot na napangiti. "Wrong timing ah? May g-gift pa naman ako sa'yo. Next time ko nalang ibibigay hmm? Magpagaling ka muna.." Saad ko rito.

Pinagmasdan ko ang kaniyang mukha na may kaunting mga gasgas. Hinimas ko ang kamay nito at pinakiramdaman ang init ng kaniyang palad.


Bumukas ang pinto at iniluwa non si Darsen. He just smiled a little before he sit on the couch. "If you want to nap, just sit beside me.."

Tumango naman ako bago ibalik muli ang tingin sa kaniya. I continue to caress his hand while staring at him.

He have a problem, that's for sure. Alam kong may iniisip siya kanina kaya nangyari 'to. Ang gusto ko lang malaman ay kung ano 'yon.

Hindi siya magkakaganito kung simpleng bagay lang. I know him. He's the kind of man who can focus despite of having a little problem.

Naalala ko naman ang pagtatapat namin kanina. After three months when I learned that she's the reason why my father died, umiwas ako.

Alam kong hindi ko 'yon dapat ginagawa pero ayokong makita ang pagmumukha niya. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung anong gagawin ko.

Kailangan ko munang sabihin kay Lorcan ang tungkol doon sa tamang oras. Una sa lahat, alam kong masakit para sa kaniya na Ina niya talaga ang nagung dahilan ng lahat ng 'to. Isa rin 'yon sa pumipigil sa'kin, kasi alam kong kapag nalaman na ng lahat kung gaano siya kademonyo, may magbabago.

Ayoko mang isipin pero natatakot ako. Natatakot akong mas piliin niya ang Ina niya kaysa sa'kin. Natatakot akong may magbago sa'ming dalawa oras na malaman niya.

Kung pipiliin man niya ang babaeng 'yon, Natatakot akong maiwan..

Pero pinapanalangin ko na sana.. Sana isipin niya yung tama, sa mata ng batas.

Nakatulog ako sa tabi niya. Alas-otso na ng tapikin ako ni Darsen at pinapakain ako. Agad akong tumango at tumayo.

"There's a fast food outside the hospital. You can eat there. Kami na muna ni Francis dito.." saad ni ate Cheska.

Ngumiti naman ako at nagpasalamat. Nang makalabas kami ay sinabi kong doon na lamang kami kumain ni Darsen sa sinabi ni ate para mas malapit at makabalik kami agad. I need to be there when Lorcan wake up.

I just ordered a light meal and eat it as fast as I can. Kung pwede nga lang na doon na kumain ay ginawa ko na.

"Don't stress yourself hmm? Things will be alright.." he said and smiled. Tumango ako at ngumiti rin.

Speaking of stress, Hindi talaga ako dapat ma stress, buti sana kung mag-isa na lang ako at walang maaapektuhan pero hindi.



I need to take care of myself, not just for me but for my baby.

I Own ThemOnde as histórias ganham vida. Descobre agora