PART 8

66 4 0
                                    

Nagamot na sina Jaden at Danny ng nurse ngunit hindi pa sila maaaring umalis, pinayuhan sila nito na magpahinga muna.

Magkatabi ang kamang pinaghihigaan nila.

Pareho silang gising.

“Pasensiya ka na Jaden at nadamay ka pa”

Umupo si Jaden sa kama.

“Ano ba ang pinag aawayan niyo ni David. Kilala ko siyang tahimik lang at malamig ang pakikitungo sa lahat, ngunit never ko siyang nakitang nanakit ng kahit sino”

Bumangon din si Danny at naupo sa kama.

“Dahil naagaw ko ang atensyon ng nakakabata niyang kapatid”

“May kapatid siya? Pero paanong inagaw?”

“Step brother nila ako, nagkahiwalay ang mga magulang nila kaya pinaghiwalay sila. Isinama ng kanilang ina si Sam at naiwan si David sa kanilang ama”

“Dito rin ba nag aaral ang kapatid niya?”

“Oo, siya ang dahilan kung bakit ako dito nag aaral ngayon. Gusto ni Sam na maging malapit muli sila ni David ngunit puno na nang galit si David. Dahil sa ginagawa niyang pag iwas kay Sam, nasasaktan ang kapatid ko. Mahal na mahal ko siya kaya hindi ko matiis na hayaan na saktan siya ni David emosyonal”

“Ang swerte niya kasi mahal na mahal mo siya kahit pa hindi naman kayo tunay na magkapatid”

“Mabuting bata rin kasi siya kaya hindi ako mapapagod na mahalin siya, Hindi ko hahayaang saktan siya nang sino man maging kadugo man niya”

“Kung mahal niya kayong dalawa ni David, sino sa tingin mo ang kakampihan niya sa nangyari sa inyo?”

“Kilala ko si Sam, alam kong maiintindihan niya na ginawa ko lang iyon para sa kanya”

“Gusto rin siyang makilala”

“Tiyak kong magkakasundo kayo”

“Talaga?”

“Parehas kasi kayong mabait” nakangiti pang sabi ni Danny

Ngumiti lang si Jaden.

Pareho silang may pasa ang muka, mas marami nga lang ang natamo ni Danny dahil pati katawan niya ay masakit.

<120403>

Hindi pa rin mawala sa isip ni Jun ang pag uusap nila Shone at David, nais niyang malaman kung gaano kaclose ang dalawa, ngunit paano niya gagawin iyon, samantalang hindi naman niya close sina David at Shone.

Nais niya ring makaganti sa ginawa ni Danny sa kanya. Napahiya siya sa mga kapwa niyang estudyante na natatakot sa kanya, kaya hindi siya pumasok sa klase niya ngayon, nang mapansin niya ang ilang bulungan ng estudyante na tila malaki ang naging epekto ang ginawa ni Danny. Mabuti at pamumula nang noo lang ang nakuha niya sa ginawa nito. Dahil kung mas matindi pa baka hindi na siya igalang ng mga estudyante.

Nasa rooftop siya ng building at nakasalampak sa semento.

“Kuya!” tawag ni Kevin sa kanya na palapit sa kinauupuan niya

“Anong ginagawa mo dito?” tanong niya

“Bakit nandito ka? May klase ka pa diba” umupo ito sa tabi niya

“Ikaw rin naman diba, bakit nandito ka?” si Jun

“Wala ang teacher namin kaya dumaan ako sa klase niyo kaso wala ka doon. Ay oo nga pala kanina may nangyari daw gulo sa senior building, ikaw na naman ba iyon?”

“Hindi ako iyon”

“E sino? Wala namang ibang bully dito kundi ikaw”

Binigyan niya ito nang masamang tingin.

“Joke lang kuya ano ka ba” natatawa pa nitong sabi

“Baka nakakalimutan mong nakakatanda mo akong kapatid”

“Biro nga lang” masahe pa nito sa braso niya

Muli siyang tumahimik.

“Kuya may problema ka ba?”

“Wala may iniisip lang ako”

“Ano yan, pwede mong sabihin sakin”

“Kaklase mo si Shone diba”

“Oo bakit?”

“Nakikita mo ba silang magkasama ni David?”

“Ha? Hindi. Bakit mo naitanong?”

“Si David at isang bago ang nag away kanina”

“Ha? Si David? Seryoso ka”

“Oo nga nakangiti ba ako” turo niya pa sa muka niya

“Kilala ko yan si David, suplado siya pero hindi niya kayang manakit nang iba. Anong kinalaman ni Shone?”

“Tinulungan ko si David kanina ngunit bago pa ako makaganti doon sa bago ay pinigilan niya ako tapos pagkatapos noon ay nag usap sila ni David nang seryoso”

“Anong pinag usapan nila?”

“Hindi ko narinig, umalis na ako noon”

“Baka dahil noong Grade 8 ay member si Shone nang vocal club kaya marahil naging close sila”

“Gusto kong malaman kung gaano sila kaclose”

“Bakit pa? hindi rin naman kayo close ni David. Ano bang mapapala mo dyan”

“Kaklase ko si David kaya gusto ko siyang maging kaibigan”

“Ha? Sigurado ka dyan sa sinasabi mo, lahat ng estudyante dito takot sayo kaya paano mo gagawin iyon”

“Hindi takot si David sakin. Alam kong magkakasundo kami”

“Alam mo ikaw kapatid kita pero hindi kita maintindihan minsan”

“Suportahan mo nalang ako, sino ba bestfriend mo?”

“Ikaw”

“Sino ba ang pinaka the best kuya”

“Ikaw siyempre. Wala naman akong ibang kuya” tawa pa nito

Napangiti na rin siya.

“Ang pogi mo talaga ka kapag nakangiti ka” nakangiting sabi pa ni Kevin

“Puri ba yan o asar”

“Seryoso” natatawa pang sabi nito


Si Jun ay panganay sa tatlong magkakapatid, Si Kevin ay Grade 11, samantalang ang bunso na si Justin ay Grade 10. Nakapasok sila sa TREASURE HIGH SCHOOL dahil na rin magkaibigan ang ama nila at ama nina Travis at Arthur na may ari ng eskwelahan. Kaya Kalahati lang ang binabayaran nila sa tuition fee dahil doon.

<120403>

Dumeretso si David sa piano room kungsaan naroon si Kyle, abala ito sa pagbabasa ng libro nang pumasok siya.

Napatayo ito at agad lumapit sa kanya nang mapansin ang may pasa niyang muka. Isa sa gilid nang bibig at dalawa sa magkabilang pisngi.

“David”

“Ayos lang ako”

“Sino gumawa niyan sayo? Si Jun ba?”

Umiling siya “Si Jun ang tumulong sakin”

“Sino gumawa niyan sayo?”

“Si Danny”

“Sino si Danny?”

“Step Brother ko siya”

“Malamang si Sam  ang pinag awayan niyo”

Tumango siya.

“Tara dito maupo ka” hila pa ni Kyle sa braso niya

Naupo sila sa sofa doon.

“Ikukuha kita nang gamot”


“Huwag na ayos na ako, nalagyan ko na nang yelo yan kanina”

“Ikaw ba nagsimula?”

“Hindi. Siya ang galit na galit na sumugod sakin dahil nagsumbong daw si Sam sa kanya”

“Anong klaseng sumbong? Sinaktan mo ba si Sam?”

“Hindi, pinagsabihan ko lang siya na layuan na ako”

“Bakit mo naman ginawa iyon, hindi ba gusto mo siyang makasama”

“Hindi ko siya gustong makasama, maayos na ako, ginulo niya lang ang buhay ko ng bumalik siya”

“Matagal na tayong magkaibigan, alam kong sobrang miss mo na siya”

“Nakaraan na iyon. Hindi na lang sa kanya ngayon umiikot ang buhay ko”

“Dahil ba kay Shone”

“Wala na kami ni Shone”

“Ha? Kailan pa”

“Iniwan niya ako, nagsasawa na daw siya sakin. Hindi ko lang maintindihan kung bakit mas kinampihan niya pa si Danny kaysa sakin kanina”

“Paano sila nagkakilala?”

“Hindi ko alam pero nakakasama ng loob kasi para bang wala kaming pinagsamahan dahil sa ginawa niya”

“Nagseselos ka ba?”

“Ewan ko. Bahala na siya sa buhay niya”

“Dumating din ba si Sam kanina?”

“Hindi, pero malamang susugod din iyon sakin mamaya”

“Paano kung ganun nga, edi ibig sabihin lang noon mas mahal niya nga si Danny”

“Inaasahan ko nang pipiliin niya si Danny kumpara sakin na kadugo niya”

“Mabait si Sam  kaya alam kong sa tama siya papanig”

Napakunot siya nang noo “Nameet mo na ba siya?”

“Ah eh hindi pa, base sa mga kwento mo noon. Na mabait siyang bata, lahat nang gusto mo ay gusto niya kaya nga magkasundong magkasundo kayo noon diba”

“Ngunit hindi na ngayon, gusto ko ng apple noon kaya akala ko gusto niya rin iyon”

“Lahat nang tao love ang apple”

“Maliban sa kanya. Hindi ko man lang alam na allergic siya sa apple”

“Marami ka pang maaaring malaman sa kanya kung kakausapin mo siya”

“Ayoko nang masaktan, sapat na sakin na nariyan ka. Hindi mo naman ako iiwan diba”

“Promise” nakataas pa ang kanang kamay nito

“Ibaba mo na nga yan” tukoy sa kamay nito

“Bff forever tayo diba”

“Hindi ko nasabi sayo noon na kaya lang ako sumali sa vocal club noon ay dahil nais kong mapalapit sayo”

“Mapalapit sakin? Pero bakit” nakangiti pang sabi nito

“Dahil kay Sam, sobra ka niyang hinahangaan noon. Kaya nagpromise ako sa kanya na gagawa ako nang paraan para maging close kayo kaso hindi ko na nagawa iyon kasi hindi na siya bumalik”

“Gusto kong magthank you kay Sam  kasi dahil sa kanya naging close tayo. Naging kaibigan ko ang pinakahottest student dito sa TREASURE”

“Anong hottest ka dyan” natatawa pang sabi niya

“Masyado kang humble, alam kong alam mo kung gaano ka kasikat dito”

“Sikat ako kasi Friend kita”

“Sus…”

I LOVE YOU BRO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon