PART 30

51 4 3
                                    

Tulog pa si John nang magising si Sam, lumabas na siya ng silid at nadatnan niya si Shone na naghahanda na ng almusal. Sinamahan niya itong mag ayos ng lamesa.

“Nakatulog ka ba ng maayos” nakangiting tanong ni Shone, inilapag nito ang pinggan na may pritong mga sunny side up eggs

Tumango siya “Masarap naman tulog ko”

“Buti kung ganun. Gisingin mo na si John, ako na ang gigising kina Jaden”

“Ha?”

“Kahit ngayon lang. Tingin ko, di talaga maganda kung may negative vibes dito sa dorm”

Hindi na sumagot si Sam, sinunod nalang niya ito. Pero bago pa man niya magawa iyon ay nakita na niya itong nakaupo sa kama.

“Breakfast?” naiilang niyang sabi nang magtama ang kanilang mga mata

“Okay”

Muling isinara na ni Sam ang pinto ng makuha na ang sagot ni John. Napangiti si John dahil kinausap siya nito.

<120403>

Magkaharap si Sam at Kyle, magkaharap naman sina Jaden at John. Sa center naman nakaupo si Shone. Si Kyle ang naglagay ng sinangag at itlog sa plato ni Sam, ngumiti lang si Sam.
Masama ang tingin ni John kay Kyle dahil alam niyang ginagawa iyon ni Kyle dahil may gusto ito kay Sam.

Kumuha si John ng hotdog at inilagay sa plato ni Sam, nahihiya siya sa ginawa niya kaya hindi niya tinignan ang reaksyon nito sa ginawa niya. Napangiti naman sina Shone at Jaden sa ginawa niya, ngunit si Kyle tinaasan siya ng kilay.

Hindi nagsalita si Sam sa ginawang iyon ng katabing si John, alam ni John na imposible pero umasa siyang makakarinig ng thank you o ngiti gaya ng ginawa nito kay Kyle pero wala siyang natanggap.

Si Sam ang nagpresintang maghugas ng plato, nagpresinta din si Kyle na tutulong siya. Nauna nang umalis sina Jaden at Shone.

Nakaupo lang si John na kunwari busy sa paglalaro ng mobile games, ngunit ang atensyon ay nasa lababo kungsaan naghuhugas ang dalawa.

“Hindi mo naman ako kailangan tulungan” sabi ni Sam na abala sa pagbabanlaw ng mga nasabunan na ni Kyle

“Maaga pa naman”

“Sabay na tayong pumasok” sabi ni Sam

“Okay” nakangiting sabi ni Kyle

“Si, si Justin kilala mo ba siya?”

“Ah oo kilala ko siya, kaibigan mo siya hindi ba”

Hindi umimik si Sam, sa plato lang nakatuon ang kanyang paningin

“Dahil kay Jun kaya ba hindi na kayo parating magkasama”

Tumango si Sam

“Last week pa siya umalis ng vocal group”

Napalingon si Sam sa katabi na nagulat sa narinig “Pero bakit”

“Hindi ko alam, pero malungkot siya nang nagpaalam sakin. Tingin ko ayaw niyang umalis pero siguro nahirapan siyang pagsabayin ang studies at praktis”

Nalungkot si Sam sa sinabi nito, posible kayang dahil sa kanya. Naalala niya pa ang muka nito na sobrang saya dahil kay Travis, sana lang naging close na ang dalawa upang maging masaya na ang kaibigan niya.

Nang natapos na ni Kyle sabunan ang lahat ibinaba na niya ang sponge, puno pa ng bula ang kamay niya nang hinawakan niya ang isang kamay ni Sam. Napalingon si Sam sa  kanya na tila nagulat sa ginawa niya. Dalawang kamay niyang sinabunan ang isang kamay nito.

“Ang lambot ng kamay mo” bulong pa ni Kyle sa tainga ni Sam

Nagngitian sila. Isinali na rin ni Sam ang isa niya pang kamay at hinaplos na din ang kamay ni Kyle.

Nakita iyon ni John kaya nagsalita siya “Anong ginagawa niyo, bakit ang tagal niyo”

Mabilis na hinablot ni Sam ang mga kamay niya at binuksan ang gripo at naghugas.

Lumingon si Kyle kay John, binigyan niya ito ng pagkairitang tingin.

“Bakit” sagot niya kay Kyle “May pasok pa sa school diba” pang aasar ni John

“Maliligo na ako” paalam ni Sam kay Kyle

Nang makapasok na sa silid si Sam, lumapit si John kay Kyle na abala sa paghuhugas ng kamay.

“Lakas mo din talagang lumandi pre” matapang na sabi ni John

Nang matapos na si Kyle maghugas, hinarap na niya si John “Bakit ba hindi mo na lang pakialaman ang buhay mo”

“Matalino ka hindi ba, alam mo kung ano ang magiging consequences nang ginagawa mo”

Hindi umimik si Kyle ngunit nanatili ang masamang tingin niya kay John.

“Wag mong antayin na ako ang magsumbong sayo”

Sa inis ni Kyle itinulak ng dalawang kamay niya ang balikat nito, napaatras si John sa lakas ng tulak na iyon “Alam ko ginagawa ko gago. Huwag mo akong itulad sayong di nag iisip”

“O sige na ako na ang bobo, makipagrelasyon ka na sa kanya “ turo pa sa pintuan ng silid nila ni Sam “Mamili ka gago, kung gusto mo si Sam, iwan mo kung sino ang kasama mo ngayon”

Natahimik si Kyle, nagbago rin ang expression ng muka nito.

“Ganito lang ako pero hindi ako katulad mo” naglakad na si John papunta sa silid.

Hindi naging malakas ang pag aaway nila Kyle kaya hindi narinig iyon ni Sam na nasa loob ng CR.

Kakalabas lang ng CR ni Sam ng pumasok ng silid si John, nakatowel lang si Sam.

Matagal silang nagkatinginan dahil sa pagkagulat. Nang napansin ni Sam ang malikot na mata ni John na tumingin sa kanya mula muka niya, na bumaba sa katawan niya, nang pababa pa ang tingin nito ay agad siyang tumalikod.

“Bakit ba bigla bigla kang pumapasok” irita pang sabi ni Sam

Napangisi lang si John “Silid ko rin ito, bakit ganyan reaksyon mo parehas naman tayong lalaki”

“Basta dapat kumatok ka muna”

Natatawa nalang si John, lalo lang siyang nanggigil sa kakyutan ng room mate.

<120403>

Sabay na umalis ng bahay sina Kyle at Sam. Tahimik lang si Kyle habang naglalakad sila, napansin iyon ni Sam kaya hinawakan niya ang kamay ni Kyle. Hindi tumutol si Kyle, hinawakan niya din ng mahigpit ang kamay nito.

“Mukang malalim ang iniisip mo. Si Kuya David ba iyan?”

“Siguro” matipid na sabi ni Kyle na sa daan ang tingin

“Hindi ko maintindihan pero tingin ko talaga mahal na kita” masayang sabi pa nito

Napahinto si Kyle sa paglalakad, humarap siya kay Sam ngunit seryoso pa din ang muka

“Mahal mo ako?”

“Siguro, kasi masaya ako kapag kasama ka. Ganito siguro nararamdaman ni Kuya Danny kaya ganun na lang kabilis maghilom ang sugat niya” nakangiti pang sabi ni Sam

Bumitiw si Kyle sa pagkakahawak sa kamay ni Sam. Nawala ang ngiti ni Sam dahil doon.

“Gusto din kita,  pero hindi ko alam kung gusto nga ba talaga kita”

Nalungkot ang muka ni Sam sa narinig.

“Sinabi ko na sayo iyan diba na_”

“Na hindi tayo pwede? Bakit ba hindi pwede?”

“Mahirap iexplain kasi naguguluhan pa ako. Ayokong mawala ka sa tabi ko. Kung alam mo lang kung gaano ako kasaya nang malaman kong sa dorm ka na titira pero_”

Hindi na natapos ni Kyle ang sasabihin dahil sa biglang pagyakap ni Sam.

“Kung naguguluhan ka, edi kahit iparamdam mo na lang sakin muna, kung gaano ka kasaya sa piling ko”

Iniyapos ni Kyle ang dalawang braso niya ng mahigpit sa likod ni Sam at hinalikan niya ang noo nito.

I LOVE YOU BRO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon