PART 71

45 4 5
                                    

NNAG EHERSISYO din sila pagkagising nila, kumpara kahapon mas may gana na ang mga estudyante. Naunawaan na ng lahat ang importansya ng pag eehersisyo sa kalusugan.

Pagkatapos noon ay hinati sila ng guro sa limang grupo para sa iba’t ibang task. Katulad ng; Pagluluto ng dalawang klase ng ulam, apat na grupo ang nakatoka doon at isang grupo para sa pagpapaapoy.

Sa iisang grupo napunta sina Sam, John at Justin, Travis. Sa paggawa ng apoy sila naassign. Naghanap sila ng mga tuyong sanga ng puno para maging panggatong sa gagawin nilang apoy. Hinila ni Travis si Sam upang sabay silang maghanap ng sanga. Nainis man si John sa nakita ay hindi siya tumutol hinayaan niyang maglakad ang mga ito malayo sa kanila.

“Travis saan tayo kukuha?” tanong ni Sam ng patuloy lang si Travis sa paglalakad hawak hawak ang kamay niya, kahit marami na silang nadadaanang mga nasa lupa nang mga sanga

“Doon tayo sa malayo maghanap” sabi ni Travis habang hawak ng mahigpit ang kamay ni Sam

“Baka mapagalitan tayo ni Sir kapag lumayo pa tayo”

Huminto na si Travis sa paglalakad, humarap siya kay Sam na hinihingal dahil sa ginawa niyang pagkaladkad dito. Pinunasan niya ang pawis sa noo nito ng kamay niya.

“Sorry”

Hinawakan ni Sam ang kamay ni Travis upang huminto na ito sa ginagawa “Okay na ako” pilit siyang ngumiti, agad siyang tumingin sa likod baka sakaling sumunod si John sa kanila tiyak na hindi ito matutuwa na makitang ginagawa iyon ni Travis.

“Sam” nakaw ni Travis ng atensyon ni Sam

“Ha?”

“Mahal mo pa din naman ako diba”

Nanatili ang mata ni Sam sa muka ni Travis. Nakaramdam siya ng awa dito, na tila ba nanghihingi ng kasagutan.

“Bakit pakiramdam ko wala na akong halaga sayo” humigpit ang kamao nito

Hindi pa ngayon ang tamang oras upang sabihin niya kay Travis ang totoo, may usapan sila ni Justin at kailangan niyang tuparin iyon kahit pa masakit sa kanya na pagmasdan si Travis.

Wala itong kasalanan, nagmahal lang ito na umasa na ibabalik ang pagmamahal na ibinigay.
Hinawakan ni Sam ang braso nito. “Hindi kailanman nagbago ang pagmamahal sayo ni Joker. Ikaw pa din hanggang ngayon”

Niyakap siya ni Travis ng mahigpit. “Please Sam, Sana ako pa din”

Hindi iniyapos ni Sam ang mga braso niya dito, nanatili lang siyang nakatayo habang yakap yakap nito.

Tahimik lang si John na nakaupo sa isang malaking bato habang nakatanaw sa dinaanan nina Travis, habang abala ang ibang kaklase nila sa pagdadampot ng sanga.

“Senyorito galaw galaw” sabi ni Justin, may hawak itong mga sanga na dadalhin na sa campsite.

“Hindi ka ba nag aalala kina Travis?”

“Bakit? Mas nag aalala akong wala kang ambag sa grupo” biro nito

“Mahal ko si Sam kaya nagseselos ako kay Travis”

Napanganga lang si Justin sa diretso nitong sabi

“Aka..la ko ba nagmomove on ka na?”

Ibinuka ni John ang bibig niya upang sana ay sabihing nobyo na niya si Sam ngunit hindi pa pala handa si Sam na sabihin iyon.

“Gusto mo si Travis hindi ba, paano kung may gawin sila doon ayaw mo bang silipin” sabi pa ni John upang mapilit niya itong sumunod sila sa kinaroroonan nina Travis

“Grabe kang mag isip. Sa kaaga agang ito may gagawin sila” natatawang sabi ni Justin

“Bahala ka” ikot pa niya ng mata

I LOVE YOU BRO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon