PART 60

50 4 1
                                    

NAUNANG nagising si David nang umaga, iniwan niya sa kama si Sam na tulog na tulog pa din.

Suot niya pa ang kanyang pajamas ay bumaba siya, naabutan niya ang kanilang ama na abala sa pagluluto.

“Good morning Kuya” bati ni Jinu, naglalagay ito ng mga plato sa lamesa

Naupo si David na tulala pa.

“Ang aga mo namang gumising”

“Nagugutom na po ako eh”

“Si Bunso tulog pa?”

Tumango si David.

“Kumukulo pa lang ulam na niluluto ko, tinapay muna ang kainin mo”

Kumuha si David ng tinapay na nakahanda sa lamesa. Iniwan siya ng ama upang balikan ang niluluto sa kusina.

Tumunog ang doorbell

“David tignan mo kungsino iyon” sigaw ng ama niya

“Kumakain po ako” reklamo niya

“David!”

“Eto na po lalabas na”

Inilapag niya sa plato niya ang tinapay na kinakain niya. Nakasimangot siyang lumabas upang harapin ang napakaaga nilang bisita kungsakali.

Hindi nagbago ang expression nang muka niya kahit kaharap na niya ang nagdoorbell. Nakangiti ang lalaki na bumungad sa kanya.

“Anong kailangan mo” malamig na pakikitungo niya

Hindi na umimik ito na napahiya sa inasal niya. Iniabot nito ang isang paper bag
“Para kay Sam. Ipinagluto ko siya ng paborito niyang chicken curry_”

Kinuha iyon ni David kasunod ang pagsara ng gate kaya hindi nagkaroon ng pagkakataon pang magsalita si Danny.

Masakit para kay Danny ganun ang pakikitungo ni David sa kanya. Hanggang ngayon may sama parin ito ng loob sa kabila ng doon na nakatira ang kapatid na si Sam.

Binitbit niya ang pagkaing ibinigay nito sa kusina.

“Sino iyon?” usisa ng kanyang ama

Binuksan niya ang basurahan at itinapon doon ang ibinigay ni Danny. Sinundan siya ng tingin ng ama.

Iniwan nang kanyang ama ang ginagawa upang tignan ang tinapon niya.

“Ano iyan?”

“Basura?”

Kinuha ni Jinu ang paperbag.

“Food? Bakit ka nagtatapon ng pagkain” inilabas nito ang tupperware. Tumingin siya ng masama kay David

“Dad kasi_”

“Kay Danny ba galing ito” inilapag niya ang tupperware sa lamesa sa kusina. Pinatay niya rin muna ang kalan “Pinalaki ba kita ng ganyan”

“Bakit ba kinakampihan niyo siya. Gusto niyang kunin ulit si Sam satin”

“Ikaw lang ang nag iisip niyan. Si Sam ang nagdesisyon na tumira dito. Bakit hindi ka nalang magpatawad” sumandal ito sa lababo

“Hinding hindi ko siya mapapatawad. Kasalanan niya, nang tatay niya kung bakit nasira ang pamilya natin. Kung madali sa inyo sakin hindi”

“David alam mong di matutuwa ang kapatid mo kapag nalaman niya iyan”

“Alam ko kasi mas mahal niya ang bastardong iyon”

Napabuntong hininga ang ama niya

“Hindi ba pwedeng lumipat nalang tayo ng bahay malayo sa kanya”

I LOVE YOU BRO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon