PART 48

53 5 4
                                    

TUMAYO si Sam, pinagkasya niya lahat ng gamit niya sa dalawang bag niya, hindi maayos na nakatupi ang mga ito dahil sa pagmamadali na makaalis na sa harap ng dating roommate. Pinipigil na niya rin ang kanyang luha, ayaw na niyang umiyak sa harap nito lalo pa parang wala naman itong pakialam na sa kanya, mas lamang ang galit nito sa kanya. Pero alam niyang nakatingin ito sa kanya habang nag iimpake.

Nang matapos na niyang maisara ang mga bag. Tumindig siya at muling tumingin kay John. Nakatingin din ito sa kanya ngunit sadyang walang balak na itong pigilan siya, parang inip na inip pa ito na umalis siya.

Tinignan niya ito ng masama

“What” sabi ni John, nakatukod ang mga braso nito na nakaupo habang nakatingin kay Sam

“Kapag lumabas ako sa pintuan, kakalimutan ko lahat nang pinagsamahan natin”

Ngumisi si John “Wala akong maalalang may pinagsamahan tayong maganda”

“Kakalimutan natin lahat pati ito”

Naging seryoso si John sa huling salita ni Sam at napatitig dito. Hindi inasahan ni John ang pagsunggab ng halik sa kanya ni Sam. Umupo ito sa mga hita niya, hinawakan nito ang magkabilang pisngi niya.

Hindi tumutol si John sa sabik na sabik na halik na iyon ni Sam sa mga labi niya. Iniyakap niya ang mga braso niya sa baywang ni Sam at inihiga niya ang likod niya. Naibabaw si Sam sa kanya, gumulong siya at siya na ang nasa ibabaw. Niyapos ni Sam ang kanyang mga braso sa leeg ni John. Pareho silang nakapikit.

Bumitiw si John, pareho silang hinihingal na nakatingin sa isa’t isa. Hindi pinatagal ni Sam ang paghihiwalay nila, hinigpitan niya ang pagkakayakap sa leeg nito upang mailapit muli ng labi ni John sa kanya. Hinagkan niya ang malambot na labi nitong hindi mawala sa isip niya.

Bumitiw muli si John, ayaw matapos ni Sam ang ginagawa nila kaya muli niyang hinaltak ito pabalik sa labi niya, ngunit inilihis nito ang labi, napahalik sa pisngi niya ang basang labi nito.
Tinanggal ni John ang mga kamay niya na nakapulupot sa leeg nito, pinapanood niya lang ginagawa nito na nakapatong pa rin sa kanya. Hinaplos nito ang muka niya, hinalikan nito ang noo niya, kasunod ang paghalik nito sa leeg niya, hanggang sa huminto ito sa tainga niya.

“Bye” bulong nito, pagkatapos ay bumangon na ito, tumayo ito at tinunton na ang pintuan. Binuksan nito ang silid, nakatayo lang ito sa pinto na tila inaantay ang paglabas niya. Nakatungo lang ito.

Tumayo na siya at dinampot ang mga bag. Huminto siya sa harap nito.

“Labhan mo na ang PE uniform”

Napatunghay si John, gulat na gulat ito sa sinabi niya.

“Goodbye John” lumabas na siya

Narinig nalang niya sa likod niya ang pagsara ng pinto, naiiyak siya pero pinipigil niya. Dapat niya bang iyakan ito, wala naman silang relasyon, bakit di niya kayang tanggapin na ayaw na nitong makasama pa siya. Handa naman siyang mahalin ito kung gusto nito pero bakit pinagtutulukan pa siya lalo palayo.

Nagising siya sa pag iisip nang may tumawag sa kanya.

“Sam”

Nakita niya si Kyle na kakalabas lang ng silid

“Balisa ka, may problema ba. Galit ka pa rin ba sakin?”

Pinunasan niya ang labi niya, nararamdaman niyang sariwa pa ang laway ni John sa pisngi at labi niya.

“Okay na tayo maniwala ka” pilit siyang ngumiti

Ngumiti si Kyle “Gusto mo bang ihatid kita sa inyo” nakatingin ito sa dalawang malaking bag na dala niya

“Si Kuya Danny susunduin niya ako sa sakayan” palusot niya

“Iniiwasan mo ba ako”

“Hindi” mabilis niyang sagot

“Wag ka sanang magalit kay John”

“Okay na kami ni John”

“Mabuti kung ganun”

“Mauna na ako baka nandun na si Kuya”

“Mag ingat ka” tapik pa ni Kyle sa balikat niya

Pagkarating na pagkarating niya sa bahay ni Danny sinalubong niya ito ng mahigpit na yakap at napaiyak, sinabi niya lang na namiss niya ang kapatid, kahit ang totoo ay nasaktan siya sa nangyari sa kanila ni John. Hindi niya talaga kayang intindihin kung bakit sinukuan siya nito.

Hindi siya umuwi kina David kahit pa may pasok siya bukas, nanatili siya sa tabi ni Danny na lubos nitong ikinasasaya. Tahimik lang siyang nakahiga sa tabi nito.

Niyakap siya ni Danny.

“I miss you baby” nakangiting sabi pa nito

Ngumiti lang siya.

“Alam ko may problema ka. Nararamdaman ko” sabi nito habang hinahaplos ang buhok ng kapatid na nakahiga sa dibdib niya.

Hindi sumagot si Sam.

“Nahihirapan ka bang hatiin ang oras mo samin ni David”

Hindi pa din sumagot ito

“Sam!” tawag ni Danny

“Gusto ko nang matulog” sagot ni Sam

“Okay gets ko na, tungkol sa puso pa lang yang problema mo” natatawang sabi nito “Si Kyle pa rin ba yan?”

Hindi sumagot si Sam, at sa pagkakataong iyon tiyak na ni Danny na tulog na ito.

MAGA na ang mga mata ni John dahil sa kakaiyak kanina, nang mahimasmasan siya, iniisip niya kung posible bang may gusto na din si Sam sa kanya, hindi niya inasahan na hahalikan siya nito kanina. Kung sinabi lang sana ni Sam na gusto na siya nito edi sana di na siya nag inarte pa kanina. Natatakot lang naman kasi siyang tanggihan nito kungsakaling umamin siya. Ayaw na niyang muling iwanan ng taong mahal, kaya hangga’t maaga pa dapat lumayo na siya kay Sam kahit masakit para sa kanya. Masasanay din naman siya kapag nagtagal.

I LOVE YOU BRO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon