PART 33

53 4 3
                                    

Inalagaan ni John si Jaden gaya ng pangako niya dito kanina, maganda rin iyon upang makaiwas siya kay Sam. Hindi madali para sa kanya na kalimutan kung ano man ang nangyari kanina, lalo pa at aminado siyang may gusto siya kay Sam.

Paulit ulit niyang binabanlawan ang nilalagay niyang towel sa noo nito, pinainom niya na rin ito ng gamot. Kahit pa pinagpapahinga na siya nito sa silid ay hindi siya sumunod dito, walang ibang magbabantay kay Jaden maliban sa kanya, at saka hindi naman abala ito sa kanya, sinusuklian niya lang ang kabaitan nito sa kanya.

Maya maya pa dumating na sila Shone at Kyle. Agad na nilapitan ni Kyle si Jaden.

"Nakainom na ba siya ng gamot?" tanong ni Kyle na puno ng pag aalala

Tumango lang si John

"Magpahinga ka na, kami na bahala sa kanya" sabi ni Shone

"Ha? Pero okay lang na ako magbantay sa kanya"

"Please! Malaking bagay na ang nagawa mo para sa kanya. Thank you. Magpahinga ka na" sabi muli ni Shone

"Okay" pilit na pagsang ayon ni John "Tawagin mo lang ako kung kailangan niyo ng tulong"

"Oo sige" sagot ni Shone


Tulog na si Sam nang pumasok siya sa silid, humiga na rin siya sa kama, nagtaka siya na nakaharap ito ngayon sa side niya na hindi tulad ng mga nakaraang araw na parating nakatalikod sa kanya. Humiga siyang nakatagilid na nakaharap dito. Hindi man ganun kaliwanag ay malinaw na malinaw sa kanya ang kabuuan ng makinis na muka nito. Nakangiti siya habang nakatitig dito. Natuon ang tingin niya sa labi ni Sam. Sinulit niya ang oras na tulog na tulog ito at malaya niyang tinatitigan ito. Unti unti nang natutupad ang pangarap niyang mapalapit dito, di na lang isang panaginip na napakalapit ng muka nito sa kanya. Di naman niya inasahan na mahahalikan niya pa ang labi nito.

<120403>

Nagising si Jaden nang madaling araw at nakahiga sa tabi niya si Kyle, hinaplos niya ang buhok nito, hindi man niya intensyon pero nagising ito dahil doon.

"May masakit ba sayo?"

Nakangiting umiling si Jaden.

Hinawakan ni Kyle ang noo ni Jaden, hindi na ito mainit di tulad kagabi. Lumingon si Jaden sa kabilang kama na tinutulugan ni Shone, tulog na tulog ito.

Tumagilid siya upang makaharap kay Kyle at niyakap ito.

"Baka mag init ka na naman" sabi ni Kyle na nakakulong sa mga bisig ni Jaden

"Gusto ko nga eh para alagaan mo ako muli" biro pa ni Jaden

"Baliw ka" natatawang sabi ni Kyle, niluwagan ni Jaden ang pagkakayayakap at tinitigan si Kyle

Nagtaka si Kyle sa matagal na pagtitig na iyon sa kanyang muka "Bakit?"

"Namiss lang kita"

"Namiss? parati naman tayong magkasama"

"Pero hindi ganito kalapit"

"Dapat magpahinga ka na muli para may lakas ka bukas ng umaga. At baka makatulugan natin na magkayakap baka magulat si Shone na makita tayong ganito"

"Maiintindihan niya yan"

Isinubsob ni Kyle ang muka niya sa dibdib ni Jaden


Tatlong taon na ang relasyon nila Kyle, mahabang panahon nilang itinago iyon dahil na rin sa reputasyon nila sa school, pareho silang nangunguna sa klase at iginagalang sila ng kapwa estudyante nila. Ngunit sa tagal ng pagtatago nila, ngayon lang nakaramdam ng pagdududa si Jaden.

Hindi niya sinisisi si Sam, ngunit simula nang dumating ito sa school ay nagbago si Kyle, hindi na ito nagtetext sa kanya tuwing breaktime or free time sa klase, magkasama man sila sa iisang kwarto ay sadyang nasanay lang siya na parati itong excited na makita at makasama siya.


Nasasaktan siya sa tuwing nagbibigay ito ng atensyon sa iba, katulad nalang tuwing umaga parati nitong sinasandukan ng pagkain si Sam at sinasamahan na maghugas ng plato kumpara noon na hindi ito naghuhugas ng plato dahil inaako na niya iyon kasi ayaw niyang mahirapan ito.

Di niya alam kung kakayanin niyang mawala ito sa buhay niya, pero mas importante na masaya ito. Kung hindi na niya kayang pasayahin ito kailangan na niyang sumuko.

Ayaw niyang ikwento kahit kanino kung anong nararamdaman niya kasi ayaw niyang kaawaan ng sino man. Nakakaya pa naman niyang magpanggap na okay siya kaya tingin niya kakayanin din niyang itago kay Kyle na nasasaktan siya kung sakaling magkahiwalay sila.

Maaga siyang nagising, pakiramdam niya magaling na siya, hindi na mainit ang kanyang katawan. Nais niya sanang magluto ng agahan habang tulog pa ang lahat na napuyat sa pagbabantay sa kanya. Pero nagulat siya nang makita si Sam na nag ayos na nang lamesa. Nakatapos na itong magluto ng sinangag, pritong itlog at longganisa.

"Magaling ka na po ba?"

"Oo, ang gagaling kasi ng nurse ko" nakangiting sabi ni Jaden

"Pinagluto kita ng soup maupo ka na para mahigop mo na habang mainit"

"Salamat. Hindi ka na dapat nag abala pa"

"Kaibigan ka ni Kuya Danny kaya dapat alagaan din kita"

Nakatitig lang siya kay Sam habang nagsasandok ito ng chicken soup, inilapag nito ang mangkok sa harap niya "Salamat"

"Ubusin mo yan"

"Napakabait mo, hindi na ako magtataka kung bakit mahal na mahal ka ni Danny"

Ngiti lang ang isinagot ni Sam.

Maaaring di na rin dapat siya magtaka kung ipagpalit siya ni Kyle kay Sam. Bukod sa mabait ito ay napacharming pa nito.

"Papasok ka na ba agad?"

"Oo kailangan eh. Atsaka ayokong umabsent"

"Kapag kailangan mo ng tulong tawagin mo lang ako"

Natawa si Jaden "Hindi na, nandoon naman ang kuya mo kung sakaling sumama uli ang pakiramdam ko"

"Oo nga pala si Kuya kasama mo parati. Gigising ko lang po si John para sa agahan"

"Mukang okay na kayo ni John. Anong masasabi mo sa kanya"

"Masarap" nasambit niya


"Ha?"


"Masa..rap kausap. Tama ka ma..bait nga siya" nauutal na sabi ni Sam

"Mabuti naman kung ganun"

"Sige puntahan ko lang siya"


Nakurot ni Sam ang sarili nang makatalikod siya kay Jaden, hindi niya nakontrol ang mga salita niya, hanggang ngayon kasi nasa isip niya pa din ang nangyari kagabi, kung ano ano nalang ang nasasabi niya.

Hindi na niya kailangan gisingin pa si John dahil muli nadatnan na niya itong gising.

Tahimik ang lahat na nag almusal, nanibago si Shone sa katahimikan, ngunit hindi na lang siya nagsalita hinayaan niya ang mga ito.


I LOVE YOU BRO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon