PART 44

45 3 1
                                    

NILAPITAN ni John si Travis sa upuan nito nang mapansin ang malalim na iniisip nito, nakatulala ito habang nakatingin sa cellphone na nakapatong sa lamesa. Umupo si John sa upuan na nasa unahan nito.

“Sino inaantay mo?”

Napaangat ng ulo si Travis at tumingin sa kanya “Nag aalala kasi ako kay Sam”

Hindi inasahan ni John na may alam ito sa nangyari kay Sam.

“Bakit ka naman nag aalala sa kanya”

“Diba roommate kayo, kumusta siya? Iyak siya ng iyak kasi kahapon” puno ng pag aalala ang muka nito na bago kay John

“Nagkita kayo kahapon?”

“Sinama ko siya bahay namin”

Naningkit ang mata ni John sa inis “Anong ginawa niyo doon?”

“Sinamahan ko lang siya, sabi niya broken siya pero di niya idinetalye ang buong kwento”

“Wala rin siyang sinasabi sakin, wala akong alam na may pinagdaaranan siya”

“Kumusta siya kagabi”

Umiling si John “Hindi siya umuwi kagabi”

“Sana okay lang siya. May cellphone number ka ba niya?”

“Wala”

“Pwede mo bang silipin kung pumasok siya sa klase niya ngayon, babayarin kahit magkano.” Kitang kita sa muka nito ang lubos na pag alala na hindi gusto ni John

“Ayoko” mabilis na sagot niya, nangako na siya sa sarili niyang kakalimutan na niya si Sam. Kung lalapit na naman siya aasa naman siya sa imposibleng pag ibig na hindi niya makukuha

“Bakit naman?” taka nito

Hindi sumagot si John, tumingin siya sa labas ng bintana

“Napakaduwag ko, bilang nobyo niya dapat ako ang humanap sa kanya”

Napalingon si John muli kay Travis na namimilog ang mga mata dahil sa salitang nobyo.


Napansin ni Travis ang pagkagulat nito sa sinabi niya “Nobyo ko na siya”

Ganun kabilis, paano nangyari iyon “Imposible” nasambit ni John

‘’Inamin niya sakin kahapon na mahal niya ako”

“Okay sisilipin ko siya sa klase niya” tumayo na si John na sobrang sama ng loob na pilit ikinukubli. Nais niyang marinig mismo kay Sam ang kung totoo ang sinasabi ng kaharap

“Akala ko ba ayaw mo?”

“Babayaran mo ako kahit magkano hindi ba”

“Oo”

“Kaya gagawin ko”

“Salamat. Kung wala siya tanungin mo si Danny kasi sabi ni Sam pupunta siya doon kahapon”

Tumango lang siya at umalis para pumunta sa katabing classroom. Sumilip siya sa klase nito ngunit wala ito sa upuan niya. Walang katabi si Justin. Pumasok siya loob at lumapit dito.

“Nasaan si Sam?” tanong niya

“Hindi pa siya dumarating hindi naman nalalate iyon”

Napansin niyang mukang walang ideya si Justin sa nangyari kahapon.

“Okay salamat” lumabas na siya ng klase

Dumiretso siya sa building nila Danny, wala pa namang bell kaya tiyak na makakausap pa niya ito. Dire-diretso lang siyang pumasok sa klase nito at lumapit sa upuan nito kungsaan kasalukuyang kausap nito si Jaden.

“Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Jaden

“Pwede ba tayong mag usap sa labas” sabi ni John kay Danny

“Okay” sagot nito


Nang nasa labas na silang tatlo ng silid aralan.

“May problema ba?” umpisa ni Danny

Nagkatinginan muna sina John at Jaden bago nagsalita si John “Sa inyo ba natulog si Sam kagabi?”

“John” pigil ni Jaden dahil na rin di niya pa nabanggit ang tungkol sa nangyari kahapon kay Danny

Lumingon si Danny sa kaibigan na naguguluhan sa nangyayari “May nangyari ba kay Sam ng di ko alam”

“Wala naman, niloko lang naman siya ni Kyle”

“Niloko ni Kyle?” taka ni Danny

Halata sa muka ni Jaden ang kaba, di niya alam paano ipapaliwanag ang sarili niya sa kaibigan.

“Hindi sinabi ni Kyle na may nobyo siya kaya umasa ang kapatid mo, nalaman niya iyon kahapon sa usapan nila”

Napakunot ng noo si Danny na tila iniintindi pa ang sinasabi ni John

“Si Jaden ang nobyo ni Kyle”

“Danny wala akong intensyon na saktan ang kapatid mo. Hindi ko alam na may ugnayan sila. Kasi nililihim namin ni Kyle ang relasyon namin kaya hindi nagduda di Sam at hindi rin ako nagduda noon sa closeness nila” tuloy tuloy ni paliwanag ni Jaden

Naalala ni Danny na pumunta sa bahay niya kahapon ang kapatid, wala siyang ginawa para damayan ito. Mas inuna niya ang sarili.

“Hindi siya umuwi sa dorm kaya nagbabakasali akong pumunta siya sa inyo”

“John nasa bahay siya nila David”

Napalingon si Danny kay Jaden “Anong sabi mo?”

“Nag usap kagabi sina Kyle at Sam, iniwan ni Kyle si David doon kaya tingin namin doon siya umuwi kagabi”

Sumimangot ang muka ni Danny, nagkatinginan sina John at Jaden sa naging reaksyon nito.

“Pinagkatiwala ko ang kapatid ko sa inyo hindi ko akalaing gagaguhin niyo siya, para mo na akong ginagago niyan Jaden. Tropa tayo hindi pa” pagtataas ng boses ni Danny

“Wala siyang kasalanan biktima din siya. Si Kyle ang may kasalanan ng lahat” pagtatanggol ni John kay Jaden

“Kailangan kong makausap si David”

“Danny anong gagawin mo?”

“Itatanong ang kapatid ko sa kanya”


Naglakad patungo si Danny sa klase ni David kasunod ang dalawa. Si Jaden ang tumawag kay David na lumabas ng klase. Nais sana sumama ni Jun ngunit tumutol si David upang hindi na magkagulo pa.

Nagkaharap harap sila sa labas ng classroom, hindi sila binigyan ng pansin ng mga kaklase ni David dahil na rin sa takot kay Jun na sumisita sa titingin sa labas.

“Anong kailangan mo?” iritang tanong ni David, nakasuksok sa magkabilang bulsa ang mga kamay.

“Nasa inyo ba si Sam?”

“Ikaw ang paborito niyang kapatid hindi ba. Bakit sakin mo siya hinahanap”

Lalong uminit ang ulo ni Danny sa bastos na sagot ng kausap

“David naman nagtatanong lang kami” singit ni Jaden

“Oo na samin siya, tinawagan kita para sana ikaw ang sumundo sa kanya kaso di ka naman sumasagot. Tapos ngayon susugod ka dito para sindakin ako”

Nagsalubong ang mga kilay ni Danny sa mapang asar na tono nito

“Kaibigan mo ang dahilan kung bakit siya nasaktan ng ganun”

“Tapos? Kaibigan ko lang siya wala akong kontrol sa mga ginagawa niya. Natatakot ka bang di na siya aalis samin”

Hindi sumagot si Danny

Tumunog ang bell, pumasok na si David sa room nito. Hindi lang si Danny ang nalungkot na baka hindi na bumalik si Sam sa dorm maging si John ay di maitago ang kalungkutan.


HINDI mapakali si Danny sa ideyang wala siyang nagawa para damayan si Sam sa pinagdaanan nito sa kabila nang siya ang una nitong pinuntahan kahapon. Masyado siyang nagfocus kay Shone. Maaaring nasaktan niya ito dahil sa di niya pagbibgay nang pansin.  Paulit ulit niyang tinawagan ang kapatid, nais niyang makausap ito kaya hindi nalang siya pumasok sa klase. Pero wala siyang natanggap na  sagot dito.

Nanggigil siya, naiinis siya, natatakot siyang tumira si Sam sa pamilya nito at iwanan na siya.
Hindi na siya nag antay nang reply dito, binitbit niya ang bag at umalis na. Pumunta siya sa bahay nila David kungsaan ito naroon ngayon. Paulit ulit niyang pinindot ang doorbell hanggang sa makita niyang bumukas ang pintuan, napangiti siya na natanaw na si Sam iyon. Nang binuksan nito ang gate ay sinalubong niya ito ng mahigpit na yakap.

“I’m sorry” mangiyak ngiyak na sabi niya

Nagulat si Sam sa ginawa ng kapatid, hindi siya nagsalita hinayaan niya lang si Danny.
Humiwalay si Danny at humarap sa kapatid. “Galit ka ba sakin” mamasa masa ang kanyang mga mata

Hindi sumagot si Sam nakatitig lang siya sa kapatid.

Tila alam na ni Danny ang sagot sa tanong niya. “Patawarin mo ako” tumulo ang luha niya na punong puno ng pagsisisi

Niyakap ni Sam ang kapatid “Kuya okay na ako wag ka nang mag aalala” habang hinahaplos ang likod nito

“Sorry dahil hindi kita nasamahan kahapon”

“Nagtatampo lang ako pero di ako galit. Ako pa rin naman ang paborito mo di ba”

Lalong lumakas ang iyak ni Danny “Mahal na mahal ka ni Kuya. Gusto kong bumawi” hinigpitan pa lalo ni Danny ang pagkakayapos sa kapatid “Umuwi ka na sakin”

Lumuwag ang pagkakayakap ni Sam at unti unting inilayo ang kapatid sa kanya.Tumitig siya sa basang muka ng kapatid, pinunasan niya ito gamit ang kanyang mga kamay

“Mabuti pa pumasok tayo sa loob”

Umiling si Danny “Ayaw mo bang sumama sakin”

“Kuya_”

“Iiwan mo na ako”

Huminga ng malalim si Sam, nais niyang maging matapang upang sabihin ang nais niyang sabihin, dahil kapag nagpatalo siya sa pagmamahal kay Danny tiyak na malalayo na naman siya kina David.

“Okay na kami ni kuya David” hinawakan niya ang dalawang kamay ng kaharap “Gusto kong mapunan ang maraming taon na magkalayo kami, pero hindi ibig sabihin niyon kakalimutan na kita. Para lang akong nakatira sa dorm tapos dadalawin kita” Hinablot ni Danny ang mga kamay niya.

Nag alala si Sam sa ginawa ng kapatid, masama pa rin ang loob nito.

“Kuya” tawag niya

“Okay na naiintindihan ko na” pinunasan ni Danny ang muka niya “Payag ako”

Ngumiti si Sam “Talaga?”

Tumango lang si Danny ngunit ang kanyang muka ay walang pagsang ayon.
Niyakap ni Sam ang kapatid, kahit alam niyang hindi bukal sa loob nito ang pagpayag, di nalang niya binigyan ng pansin dahil tiyak hindi naman ito magsasabi ng totoo. Sana maintindihan nito ang nais niya. Nawala na ang tampo niya dito dahil na rin siguro napalitan iyon nang pagiging panatag niyang nariyan si Shone kungsakaling wala siya sa tabi nito

I LOVE YOU BRO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon