PART 64

47 4 10
                                    

Napahinto siya sa paglalakad sa walang direksyon niyang paglalakad ng makita niya si John na nakatayo sa harapan niya na tila inaantay siyang makalapit. Hindi niya mabasa ang expression nito. Hindi magkasalubong ang mga kilay nito kaya tiyak di ito galit sa kanya. Napakagwapo nito sa uniform, sa malawak nitong balikat na nagpatikas sa katawan nito. Napahigpit ang hawak niya sa magkabilang strap ng bag niya ng maglakad ito papunta sa direksyon niya.

Naging malabo ang mga tao sa paligid nila, nakafocus lang siya sa muka nito na nakatingin din sa kanya. Malakas na hampas ng hangin ang naging palatandaan niya na hindi lang isang panaginip si John, sinuklay ng hangin ang buhok nito palikod at naexpose ang magandang noo nito.

Huminto ito sa harap niya.

“Sam” sabi nito

“Ha?”

Iniabot nito ang isang maliit na papel, umiwas ito ng tingin sa kanya.

“Para saan iyan?” tanong niya habang sinusuri ang kulay brown na maliit na papel na may nakasulat na hindi niya mabasa ng maigi kasi sa direksyon ni John ito nakatapat. Itinabingi niya ang ulo niya upang mabasa iyon ngunit muli iyong ibinalik ni John sa bulsa niya.

“Di ko pa nababasa”

“Wag mo nang basahin. Ang nakalagay lang doon ay pangalan nating dalawa” sabi nito habang nakatitig sa kanya

“Hindi si Travis ang kasama ko?”

Tumaas ang kilay nito “Siya ba ang gusto mong kasama edi puntahan mo siya” pagtataas nito ng boses

“Hindi ba pwedeng magulat ha”

“Bahala ka na kung ayaw mo akong makapartner” tampo nito “Basta ako masaya na ikaw ang kasama ko” seryosong sabi nito

Ngumisi si Sam

“Anong nakakatawa?” reklamo ni John, namula ang pisngi nito

“Di ka ba nanghihinayang na sana si Justin ang kasama mo”

Ngumiti si John “Ah nagseselos ka sa kanya”

“Bakit naman ako magseselos” depensa niya

“Sabagay dapat ka ngang magselos kasi masarap siyang kasama. Di magiging boring ang trip kung siya ang kasama ko”

“Boring ako?”

“Hindi iyan ang ibig kong sabihin” alarma ni John ng makitang galit na ang muka ni Sam

“Okay hanapin mo siya, hahanapin ko si Travis” tinulak niya si John na nakaharang sa daan niya

“Hoy nagbibiro lang ako” habol na sabi ni John

Tumakbo siya upang hindi siya maabutan nito. Pero sa huli magkatabi sila sa upuang nakaassign sa kanila. Si Sam ang nasa bintana, nasa kabilang side naman sina Travis at Justin. Nagkaroon tuloy ng dahilan sina Justin at John na magkausap dahil pareho silang nasa aisle nakaupo.

Kahit anong tawag ni Justin sa kanya ay hindi niya ito nilingon, siya ay nagkunwaring natutulog upang di makausap ito. Pero naririnig niya ang tawanan ng dalawa na ikinaiinis niya

Hindi sila nagimikan ni John kahit mag dalawang oras na silang magkatabi, sa labas lang siya ng bintana nakatingin.

Dahil maaga ang gising ng lahat ng estudyante kaya halos lahat ay tulog sa byahe. Sumilip siya sa upuan nila Justin, tulog ang mga ito.

Nagulat siya ng makitang nakatingin si John sa kanya. Muli siyang bumalik sa labas ng bintana tumingin. Tahimik sa bus. Ang awkward. Nakikita niya sa gilid ng mata niya na nakaharap pa rin si John sa kanya.

“Sam” tawag nito

Hinarap niya ito kahit naiinis pa rin siya, ngunit hindi muka nito ang bumungad sa kanya kundi ang nakaabang na labi nito na dumampi sa labi niya. Agad niyang inilayo ang muka niya. Nanatili ang gulat sa muka niya. Tumingin siya sa paligid kung may nakakita

“Bakit mo ginawa iyon” mahinang reklamo niya

“Gusto ko”

“Di ka nag iisip paano kung may makakita satin”

Nagkibit balikat ito “So?”

“So? Alam mo bang bawal iyan”

Inilapit muli ni John ang muka niya, umatras muli siya ngunit dumikit na sa salamin ng bus ang ulo niya.

“Itigil mo nga iyan” nanatiling parang bumubulong ang boses ni Sam

“Madali akong kausap. Sagutin mo lang ang tanong ko” mahina rin ang boses nito

“John_”

“Gusto mo ba ako o hindi?”

Ang iritableng muka ni Sam ay inunat ng katanungang iyon.

Hindi sumagot si Sam.

Sumeryoso ang muka ni John at inilayo ang muka kay Sam. Umayos na muli si Sam ng upo.
Napansin niya ang malungkot na muka ng katabi.

“John”

“Wala ka bang baon? Bakit wala kang dala? Kasya ba iyon sa bag mo?” biglang tanong nito. Kinandong nito ang isang plastic “May pagkain ako na binili ni Jaden kung gusto mo kumuha ka” alok nito

Tiyak niyang binago ni John ang usapan dahil sa di niya pagsagot sa biglaang tanong nito.

Nagbukas ito ng tinapay at kumain. Nanatiling nasa kandungan nito ang plastik. Kumuha siya ng tinapay din. Mabagal ang pag nguya nito na halatang dinamdam ang di niya pagsagot.

Inalok din siya nito ng tubig ngunit di nito inalok ang di pa nabuksan. Iniabot nito ang na inuman na.

“Ilang beses na tayong nagkiss aarte ka pa ba?” inis nito ng di niya kinukuha ang hawak nitong mineral water

Agad niyang kinuha iyon at uminom. Pinanood nito ang pag inom niya. Naubos niya iyon.

“Sorry” nasabi niya ng ibinalik niyang wala na itong laman

Nakatingin ito sa labi nito. Napalunok siya sa tingin nitong parang gusto siyang halikan na naman.

“Pwedeng bumaba ang gustong umihi” sigaw ng teacher na nasa harapan. Agad na tumayo si Sam upang maputol ang tingin nito sa kanya.

Nakipag unahan siya upang mauna siya sa pagbaba. Nanatili si John bus.

Naiinis si Sam sa sarili niya kung bakit mahirap para sa kanya na aminin na gusto niya rin ito, na gustong gusto niya ang paghalik nito sa kanya.

Nagkita sila ni Justin sa CR kaya ibinulong nito kung gaano ito kasaya na katabi niya si Travis. Nasabi din nitong ang bait daw ni Travis sa kanya. Sobrang saya niya para sa kaibigan na sa wakas di nalang ito nangangarap.

Nang makabalik siya sa bus ay nakapikit si John, di naman siya ganun katagal sa banyo paanong nakatulog ito kaagad. Narinig niya ang mahinang hilik nito. Natawa siya. Totoo ngang nakatulog ito. Nakasandal ang ulo nito sa sandalan ng upuan, nakaharap ang muka nito sa kanya. Isinandal niya din ang ulo niya at tumingin dito.

Pinagmasdan niya ang namumulang pisngi nito at namumulang mga labi. Nang umandar ang bus ay napaabante din ang ulo ni John kaya dali dali niyang sinapo ito at inilapag ito sa balikat niya.

Napako ang mata niya sa kamay nitong nakapatong sa hita nito. Gusto man niyang hawakan ang kamay nito kaso natatakot siyang baka magising niya ito.

I LOVE YOU BRO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon