PART 56

49 4 4
                                    

ISINAMA ni Sam si Justin sa kanilang bahay pagkatapos ng klase, nagkataong may praktis si Travis sa club kaya naisip niya na ito na ang tamang pagkakataon para pag usapan nila ni Justin ang nasa isip niya. Walang ideya si Justin sa balak niya.

Dumeretso sila sa silid niya. Naupo sila sa kama

"Ang cute ng bahay niyo. Di ko akalaing nasa bahay ako ni David" manghang manghang sabi ni Justin

Seryoso lang si Sam na nakaupo na nakikinig lang sa sinasabi ng kaibigan.

"Dinala mo si Travis dito hindi ba. Anong ginawa niya?" walang pagdududang tanong

"Wala" agad na sagot ni Sam, pilit niyang binubura sa isip niya ang naganap sa kanila ni Travis

"Naku Sam" pagdududang tono ni Justin

"Kayo ba ni John may ginawa" tanong niya na hindi ipinahahalatang interesado siya

"Nagbike lang kami" natatawang sabi nito "Grabe ang saya halos naikot namin ang buong siyudad" masayang kwento nito

"Mabuti at nagkakasundo kayo. Samantalang kami noon ay di ganyan kaclose"

"Okay naman siyang kasama"

Humiga si Justin, humiga din si Sam sa tabi nito, iisang unan lang ang pinag uunanan nila

"Gusto ni Travis na magkiss kami" iba ni Sam sa usapan

Napabalikwas ng bangon si Justin at humarap sa kaibigan

"Pumayag ka naman ba? Di ba may usapan tayo! Sabi ko na nga ba dapat hindi ako nagtiwala sayo" dire-diretsong wika ni Justin

Bumangon din si Sam mula sa pagkakahiga. Pareho na silang nakaupo sa kama.

"Wala pa kaming kiss na ginagawa" tanging halik lang sa leeg sabi ng isip ni Sam "Wala akong balak sirain ang usapan natin. Kaya naisip ko dapat pagbigyan ko siya"

"Anong pagbigyan" angal ni Justin

"Halikan mo siya"

"Ha?"

Hinawakan niya ang balikat ng kaibigan "Gagamit tayo ng blindfold" nakangiting sabi ni Sam

Napahalakhak si Justin

"Anong nakakatawa doon. Seryoso ako"

Sumeryoso ang muka ni Justin "Di nga?"

"Pinapunta ko siya dito pero di ko sinabing nandito ka"

Hindi makapaniwala si Justin sa ideyang iyon na tila ba hindi niya kayang gawin

"Wala akong alam sa paghalik paano kung mahuli niya tayo"

"Mahuli man tayo ang importante nakahalik ka na"

"Hindi ko kaya, natatakot ako"

"Nandito lang ako sa likod mo. Akong bahala"

"Pero_"

Iniharang ni Sam ang index finger niya sa labi nito "Ito na ang huling chance natin bago ako mahuli"

Tumango lang si Justin bilang pagsang ayon.

100722

"Turuan mo akong humalik"

Natahimik siya

"Oo nga pala pareho tayong walang experience kaya paano ang gagawin ko"

"Sinabi ko sayong may experience ako"

Napatitig si Justin sa kanya "Anong Klaseng experience? Nagkiss kayo ni Kyle?"

Umiwas siya ng tingin dito, dinukot niya ang phone niya.

I LOVE YOU BRO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon