PART 31

49 5 1
                                    

Maagang naghanda ng almusal si Kevin, nang gigisingin na niya ang kapatid na si Jun, di pa man niya nabubuksan ang pinto ng silid nito ay lumabas na ito. Nakauniporme na ito, pagkatapos ng isang linggong pagliban sa klase ay papasok na muli si Jun, ang dahilan nito sa eskweahan ay nagkaroon ng sakit kaya di na naungkat ang nagawa kay Danny.

"Hindi ka ba muna kakain?"

Umiling ito "Kailangan ko pang dumaan sa teacher's office para ipasa ang fake medical certificate ko"

"O sige pero promise mo sakin magsosorry at magthathank you ka kay Danny"

"Sige na mauuna na ko"

"Mangako ka"

Hinawi ni Jun si Kevin "Aalis na ako"

"Kuya naman eh" tawag pa ni Kevin "Konting hiya kahit minsan oh" iritang sabi ni Kevin dahil tiyak hindi hihinging pasensiya ang kapatid sa kabila nang nagawa nito

Sunod niyang pinuntahan ang silid ng nakababatang kapatid. Niyugyog niya ang balikat nito upang magising.

"Gising na!"

"Ayokong pumasok" nagtakip ito ng kumot

Hinampas ni Kevin ang hita nito na dahilan kaya naibaba nito ang kumot na nakatalukbong dito.

"Kuya naman ang sakit"

"Bumangon ka na dyan. Kagabi ka pa hindi nakain"

"Wala akong gana"

"Halika ka na" hila pa ni Kevin sa braso nito

"Masama ang pakiramdam ko"

"Kaibigan lang ang nawala sayo hindi dyowa, kaya huwag kang magmukmok na nabroken ka"

Natahimik si Justin, nabroken naman kasi talaga siya, bukod sa pagkamiss niya sa kaibigan ay sinaktan pa siya ni Travis. Kaya wala nang dahilan para pumasok pa. Alam niyang masasaktan lang siya.

"Aantayin kita sa labas, kapag di ka lumabas diyan kakaladkarin kita" banta ni Kevin, iniwan na niya si Justin.

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Kevin sa pagod sa pag iintindi sa mga kapatid. Umupo siya sa hapag kainan, habang inaantay niya si Justin ay binusog niya muna ang mga mata sa mga larawan nila ni Arthur sa cellphone niya. Matipid man ang mga ngiti nito sa mga larawan ay napapangiti siya sa mga alaala nila. Nawala ang ngiti niya nang maisip na baka nga hindi na siya mahal nito kaya nakipaghiwalay ito. Ni hindi man lang siya kinausap nito noong hinatid nila ni Justin si Travis sa bahay ng mga ito. Mas malalim na buntong hininga pa ang kanyang pinakawalan. Kasunod ang malakas na pagtawag muli kay Justin upang lumabas na ito ng silid.

<120403>

Hindi sinasadya na magkasalubong sina Jun at David na parehong paakyat ng hagdan, napahinto sila sa paglalakad at nagkatinginan.

"Mag usap tayo" sabi ni David

Hindi sumagot si Jun, sumunod lang siya kay David sa nais nitong lugar kungsaan sila mag uusap. Dinala siya nito sa likod ng building kungsaan walang makakakita sa kanila.

Nakatingin lang siya sa hindi mapalagay na si David na tila di alam paano sisimulan ang usapan, iwas din ito na magtama ang kanilang mga mata.

"Ah..." simula ni David

"Dav_"

"Okay tayo na" walang kagatol gatol na sabi ni David habang nakatitig sa muka ni Jun
"Napatunayan mo na ang dapat mong patunayan"

"Hindi mo kailangang pilitin ang sarili mong magustuhan ako David"

"Di ko pinipilit ang sarili ko. Wala nang taong natitira sakin, kung handa kang magstay sa tabi ko, kahit pa sobrang boring ko, kahit pa sobrang sama ko"

"Gusto ko lahat nang tungkol sayo. Gusto kong makita muli ang mga ngiti mo"

Napangiti si David sa sinabi nito.

Lumapit si Jun kay David, hinawakan niya ang dalawang kamay nito. Sa sobrang lapit noon ay naglapit na ang dulo ng kanilang mga ilong.

"Hindi ako makapaniwala na nahahawakan na kita" mahinang sabi ni Jun

Walang reklamo si David kahit naaamoy na niya ang hininga nito, gusto niya iyon, at nakapagbigay ng kasabikan iyon sa kanya.

Hinagkan ni Jun ang labi ng minamahal, pareho silang napapikit. Inilagay ni Jun ang mga kamay ni David sa dibdib niya samantalang ang mga kamay niya ay niyapos ang baywang nito.

<120403>

Hindi na nawala ang ngiti ni Danny sa araw araw dahil sa kaligayahan sa piling ni Shone, parati itong nasa apartment niya, minsan nga pinipilit na niya itong lumipat doon, ngunit ayaw nitong iwan ang dorm. Kung anong saya niya ay kabaligtaran naman ng kaibigang si Jaden, ilang araw na itong balisa.

"Bakit ba ganyan parati muka mo" tanong ni Danny noong breaktime, nakita na naman niya itong malayo ang tingin sa bintana

Ngumiti ito "Anong mali sa muka ko" kinapa pa nito ang muka kung may dumi

"Ang lungkot mo, parati ka nalang nakatingin dyan sa cellphone mo. May inaantay ka bang message?"

Napatingin si Jaden sa hawak niyang cellphone "Parents ko lang, message lang nila inaantay ko"

"Sus baka lovelife iyan"

Pilit na ngumiti si Jaden "Hindi ah"

"Pwede ka namang magshare sakin, nagtiwala ako sayo nang sinabi ko sayo ang tungkol samin ni Shone"

Naging seryoso ang muka ni Jaden

"May napupusan ka ba?"

"Yata" natatawang sabi nito

"Sino?" excited na tanong ni Danny

"Kaso kami na"

"Ha?"

"Basta long story"

"Ang daya mo, edi paikliin mo"

"Maghihiwalay na din kami"

"Pero bakit?"

"Kasi alam kong hindi na ako" napayuko si Jaden

Nakita nalang ni Danny na may tumulong luha sa screen ng cellphone nito na nakapatong sa lamesa. Lumapit siya dito at hinaplos ang likod nito.

"Kapag handa ka nang magkwento nandito lang ako para sayo" bulong pa ni Danny sa patuloy na humihikbing kaibigan.

I LOVE YOU BRO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon