PART 67

59 4 7
                                    

Nang bumalik si Sam sa tent, nakahiga si John ngunit gising ito. Sinabi nitong inaantay daw siya. Hindi nagkamali si Sam dahil sermon ang bumungad sa kanya ng makapasok siya sa loob. Sinara niya ang zipper ng tent bago niya sinagot ang sunod sunod na tanong nito.

“Hindi ba pwedeng kontrolin mo iyang temper mo” pakiusap ni Sam “Unang araw pa lang natin ganyan ka na sakin”

“Sorry” maikling sabi ni John

Gumapang palapit si Sam sa nobyo na nalungkot sa sinabi niya. Nakayuko lang ito habang naka indian seat.

Itinaas niya ng baba ni John upang magkita ang kanilang mga mata “Ang pogi pogi mo naman” biro ni Sam upang ngumiti ito, hindi siya nabigo dahil ngumiti ito.

“Magpapagood boy na ako promise” nakataas pa ang kaliwang kamay nito

“Okay” sumugod si Sam nang yakap dito hanggang sa mapahiga ito. Nakaibabaw siya na nakaunan sa dibdib. Iniyapos ni John ang braso niya sa katawan ni Sam. Rinig na rinig ni Sam ang mabilis na tibok ng puso ng nobyo.

Ibang iba ang init ng katawan nito kumpara sa mga kapatid niya. Marahil dahil ibang pag ibig ang namamagitan sa kanila. Iniangat niya ang ulo niya, umakyat pa siya ng kaunti upang magpantay ang kanilang mga muka. Humalik siya sa labi nito, humaplos taas baba ang kamay ni John sa likod niya, humigpit ang yakap nito sa kanya. Itinabingi niya ang ulo niya upang masiil pa ang labi nito.

Bumitiw si Sam at tinitigan ang muka nito “Sobra kitang namiss”

Ngumiti si John “Ako ba o ang kiss ko”

Muling dumampi ang labi ni Sam, humawak siya sa pisngi nito, upang alalayan ang malalim na halik na iyon. Pinagsalit salitan nilang siniil ang itaas at ibabang mga labi nila.

Medyo ikinagulat ni John ang pagiging agresibo ni Sam, hindi niya inasahan na ito ang unang gagawa ng move para maghalikan sila, kasi kanina abala siya kakaisip kung ano ang gagawin nila kapag magkasama na ulit bilang couple.

Hindi umalis si Sam sa ibabaw ni John, mahigpit niya lang niyakap si John.

Hinalikan ni John ang buhok ng nobyo “Sam pwedeng ipaliwanag mo sakin kung ano ang mayroon sa inyo ni Travis”

Bumangon si Sam, umupo siya sa gilid ni John. Bumangon din ito.

“May relasyon ba kayo talaga” tanong ni John

“Secret kasi iyon”

Tumaas ang kaliwang kilay ni John “Secret? Ang alin?”

“Secret namin ni Justin”

“Bawal sabihin sa boyfriend” iritang tono nito

“Okay ganito. Sasabihin ko sayo pero bawal mong ipagsabi kahit kanino lalong lalo na kay Travis. Huwag mo ding babanggitin kay Justin”

“Magaling akong magtago ng secret” paniguro pa  nito

Ikinuwento ni Sam ang lahat ng napag usapan nila Justin, tahimik lang na nakikinig si John ngunit di nito naikubli ang inis. Nang natapos niyang ikuwento iyon ay nag intay pa siya ng ilang minuto bago ito nagsalita.

“Hanggang kailan iyan?”

“Pagkatapos ng camp sasabihin na namin”

Tumango lang si John ngunit nanatili ang inis sa muka nito

“Wala ka namang dapat ipag alala ka_”

Ngumisi si John “Talaga ba” pang asar na tono nito “Kasama ba sa pagpapanggap mo ang makipaghalikan kay Travis. Ipaliwanag mo nga ang nakita ko sa CR” pagtataas nito ng boses

I LOVE YOU BRO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon