PART 13

64 3 0
                                    

Tinext si Arthur ni Kevin upang magkita sila, maraming beses na sinagot iyon ni Arthur ng pagtanggi ngunit hindi niya rin ito natiis, lalo na ng sinabi nitong hindi ito aalis sa park na kinaroroonan hangga’t hindi dumarating si Arthur.

Hindi naman talaga sa ayaw ni Arthur na pumunta doon, sa totoo niyan nais niyang makita ito upang kausapin at itanong kung nag away ba sila ni Jun. Alam niyang malaki ang respeto ni Kevin sa nakakatandang kapatid, kaya ikinabigla niya rin ang pagtataas ng boses nito para lang maproteksyunan lang siya. Napakaswerte niya sa nobyo sa kabila ng malamig na pakikitungo niya ay hindi ito nagsasawa sa kanya, napakalambing pa rin nito.

Si Kevin lang ang kauna unahang taong nakipag usap sa kanya at itinuring siyang kaibigan, tahimik lang siyang klase ng tao, kaya walang gustong makipag usap sa kanya. Ngunit huwag naman sanang siya ang maging dahilan ng pagkasira ng pamilya nito.


Agad ngumiti si Kevin ng makita siya na papalapit sa kinauupuan nito, bakas sa gilid ng labi nito ang pasa na dahilan upang patakbo na siyang lumapit dito, bago pa man siya makahinto sa harap nito ay sinalubong na siya ng mga bisig nito na yumakap sa kanya ng mahigpit.

“Buti dumating ka” sambit ni Kevin

Marahan niyang itinulak ito upang magkahiwalay sila.

“Hindi mo ba ako namiss” nanatili pa rin ang ngiti sa mga labi nito

“Magkasama lang tayo kanina hindi ba. Anong ginawa sayo ni Jun”

Humawak si Kevin sa pasa niya “Wala naman, huwag kang mag alala”

“Sinabi mo ba sa kanya ang tungkol sa atin?”

Umiling si Kevin, hinawakan nito  ang kaliwang kamay niya ngunit hindi nagbago ang expression ng muka ni Arthur.

“Nagsasawa ka na ba sakin” seryosong tanong ni Kevin, malungkot ang mga mata nito “Pinahihirapan na ba kita?” naging mamasa masa ang mga mata nito

Kitang kita ni Arthur ang lungkot sa mga mata ni Kevin ngunit hindi iyon naging sapat upang magbago ang nasa isip niya.

Dahan dahan niyang hinablot ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak nito “Nahihirapan na ako sa pagtatago natin” mahinahon niyang sagot

Namilog ang mga mata ni Kevin. “Gusto mo na bang ipaalam sa lahat?”

Umiling si Arthur at yumuko

“Anong ibig mong sabihin?”


Tumunghay siya mula sa pagkakayuko “Ayoko ng maglihim kay Travis, ayoko nang maglihim ka pa sa mga kapatid mo”

Tumulo ang mga luha ni Kevin kahit pa wala pang paglilinaw si Arthur.

“Nakikipaghiwalay ka ba sakin?” paglilinaw ni Kevin

Hindi sumagot si Arthur bagkus napayuko nalang siya.

Humakbang palapit si Kevin at hinablot ang ulo ni Arthur at isinubsob ito sa balikat niya at mahigpit na niyakap. Hindi na napigil ang paghagulgol

“Ayoko, hindi ko kaya” nanginginig ang boses sa pag iyak, nakatapat sa tainga ng nobyo ang labi

Walang paghikbi si Arthur ngunit, hindi niya rin napigilan ang kanyang mga braso at iniyapos ito sa malapad na likuran ng nobyo.

“I love you so much Kevin, pero hindi na ako masaya na hindi ko nagagantihan ang love mo sakin sa tamang paraan. Ang swerte ko na naging part ka ng buhay ko, gusto ko maging masaya ka parati”

Hinigpitan pa lalo ni Kevin ang yakap at lalong lumakas ang hagulgol niya sa pamamaalam ng nobyo. “Please don’t leave me”

Basang basa na ang damit ni Athur sa kakasalo sa mga luha ni Kevin.

“Babawasan ko na ang tawag at text ko sayo, hindi na kita hahalikan o yayakapin” kasunod ang pag iyak “ Huwag mo lang akong iwan”

Kumalas si Arthur sa pagkakayakap nito. Hinarap niya ang malungkot na muka ng nobyo na basang basa ng luha. “If you love me, please be happy without me. Ayokong mawala ka, ayokong mag isa, pero ang unfair para sakin na hindi ko nasusuklian ang pinararamdam mo sakin. Lagi kong iniisip bakit ako ganito, bakit hindi ko maibigay ang dapat reaksyon na dapat makita mo”

“Arthur, hindi mo kailangang baguhin ang sarili mo, manatili ka lang sakin. Masaya ako makasama lang kita. Paano ako kung iiwan mo ako”

“Napapagod na akong isipin lahat iyan. I want space. Lets be friends again” abot niya pa sa kamay niya upang makipagkamay

“Okay. I let you go, pero hindi ko kayang maging kaibigan ka. Alam mo ba kung gaano kasakit sa akin ito. Mahal na mahal kita, hindi ko matatanggap na ganito nalang tayo. Dapat kitang intindihin sa pinagdaraanan mo” pinunasan ni Kevin ang basa niyang muka ng kanyang palad “Pwede mo naman akong kausapin kung nahihirapan ka, hindi natin kailangan maghiwalay”
kita sa muka ang galit “Tinanggap kita, lahat ng tungkol sayo. Okay sorry kung minsan pinagdududahan kita. Binibiro lang naman kita noon”

Nakatitig lang si Arthur sa galit na nobyo.

“Patawarin mo ako, ngunit hindi ko kayang makipagkaibigan sayo muli. Kung gusto mo ito ibibigay ko sayo” pagkatapos ng mga salitang iyon ay naglakad na si Kevin palayo sa nobyo

Nilingon ni Arthur si Kevin na naglalakad palayo. Walang luhang lumabas sa mga mata ni Arthur, pero ang puso niya ay durog na durog. Hindi niya alam paano ilalabas ang sakit na iyon. Napredict na niya kanina na hindi maiintindihan ni Kevin ang pinagdaraanan niya. Walang sino man tanging sarili niya lang ang makakaintindi ng lahat ng tungkol sa kanya.

<120403>

Kumakain ng gabihan sina Sam, Justin at Jun ng tahimik, nang dumating si Kevin. Niyaya nila itong kumain ngunit lumagpas lang ito sa kanila at hindi sila pinansin. Nakaramdam ng inis si Jun sa sarili niya, pansin niya ang malungkot na muka ng kapatid, tiyak dahil iyon sa nagawa niya kanina. Aminado siyang mali ang ginawa niya kaya sisiguraduhin niyang hindi siya matutulog ngayong gabi ng hindi sila nag uusap ni Kevin.

Tahimik lang na nakahiga si Arthur sa kama, nakatulala siya sa kisame. Bukas paggising niya ay wala nang tawag o text siyang marereceive, ginusto naman niya iyon ngunit hindi niya alam kung kailan siya masasanay na walang magpapangiti sa kanya pagkamulat palang ng kanyang mga mata. Naging mabilis ba ang desisyon niya? Naging makasarili ba siya?

Kahit gaano kabigat ang pinagdaraanan niya ngayon, hindi niya maishashare kay Travis ito. Kilala niya si Travis mababa ang tingin nito sa Park family, na lagi nilang pinagtatalunan.

<120403>

Nang binuksan ni Jun ang silid ni Kevin nadatnan niya itong nakaupo sa upuan nito kaharap ang patay na computer, iniikot nito ang upuan paharap sa kanya ng marinig nito ang pagsara ng pinto. Humakbang palapit si Jun sa kapatid at huminto sa harap nito.

“Maaari ba kitang makausap” mahinahong sabi ni Jun

“Huwag mo nang isipin ang nangyari kanina” blanko ang muka nito ng sinabi iyon

“Hindi ko sinasadyang saktan ka. Patawarin mo ako”

Tumayo si Kevin at walang ano anong bigla na lang yumakap sa nakatatandang kapatid. Hindi nito napigil ang pag iyak, na ipinagtaka ni Jun ngunit naisip niyang baka dahil sa nasaktan ito sa nagawa niya.

“Patawarin mo ako Kevin” hinagod niya ang likod ng kapatid, hindi na rin niya napigil ang pag iyak.

Walang ibang sinabi si Kevin kundi napatawad na niya ang kapatid ngunit ang paghagulgol nito ay hindi humihinto.

I LOVE YOU BRO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon