Possessive Obsessed Spin-off

546 22 4
                                    


A/N: Hello possessive obsessed readers! Kumusta kayo? I hope you're all doing great. Gusto ko lang magpasalamat sa suporta niyo sa story kong ito, and nakakataba ng puso na maraming ang nagandahan sa story na ito. As my gratitude of having a 20k reads and in celebrating for its 3 years in Wattpad, gagawa ako ng spin-off for this story.

Hope you like my thank you gift sa inyo! Happy reading <3

P.s. Na-miss ko sila Winter and Eros 😭

°°°


ENCHANTED (possessive obsessed spin-off)

"May isa lang akong hihilingin... na sana sa susunod na mabuhay ako, ako na yung lalaking marunong magmahal ng totoo, at alam na ang tunay na ibig sabihin ng pagmamahal. At kapag nangyari yon, ikaw at ikaw pa rin ang gugustuhin kong mahalin. I love you Winter—"

"Hoy! Itong bata na ito talaga ang kupad kumilos! Hoy gumising ka na!"

Bigla akong napatayo mula sa pagkakahiga nang marinig ko ang sigaw ni Mama sa tainga ko.

"Mama naman, ang aga aga ang ingay-ingay niyo" Reklamo ko kay Mama at naiinis kong ginulo ang aking buhok.

"Señorita, anong maaga?! Para sabihin ko sa'yo ala siete na! Hindi ba at may pasok ka mamayang 9?"

"Ma! Maaga pa—"

"Traffic sa kalentong aber! Kumilos ka na! Nako kahit kailan talaga"

Napairap na lang ako sa kawalan nang makalabas na si Mama sa kwarto ko. Ang aga-aga pa, mabilis lang naman ako maligo at mag-ayos. Kahit kailan talaga oh.

Muli akong humiga sa aking kama at tumitig ako sa kisame ng aking kwarto.

Yung panaginip ko kanina, hindi lang 'yon ang unang beses na napanaginipan ko iyon.

Isa? Dalawa? Hindi, pangatlo na ata ito. Pero hindi ako sigurado, dahil simula ng mag-umpisa akong mag-enroll sa Stanford University, may mga napapanaginipan akong pangyayari. Mga pangyayari sa loob ng unibersidad na iyon.

Alam kong panaginip lang ang mga iyon, pero minsan akala ko totoo lahat ng 'yon. Lalo na ang lalaking laging sentro ng panaginip ko.

Hindi ko makita ang kaniyang mukha, pero iisa lang ang lagi niyang sinasabi sa akin. At isa pa, tinatawag niya akong Winter. Sino ba si Winter?

Sino ba ang lalaking laging nasa panaginip ko—

"Punyeta sinabi nang bumaba ka na at kumain!"

Halos napatalon ako sa gulat ng bumukas ang pinto ng kwarto ko at iniluwa nito ang Mama ko.

"Ito na po!" Sigaw ko pabalik sa kaniya bago ako tumayo at nag-unat.



"Oh! Summer late ka na naman?" Bungad ni Alyssa sa akin nang makapasok ako sa classroom.

"Epal mo naman, halos tatlong minuto lang eh. Tsaka wala pa si ma'am oh" Sagot ko sa kaniya habang inaayos ng lapag ang aking bag.

"Whatever— ay vebs nga pala sabi ni pres kanina, ikaw na lang daw mag-organize ng booth natin para sa anniversary ng Stanford. Kasi may urgent daw siyang gagawin that day."

"Ano?! Bakit ako? Bakit hindi na lang si vice o kaya si secretary? Hindi naman ako member ng officers ba't ako naisipan niya?"

"Aba malay ko doon kay pres, pinasabi niya lang eh. Tsaka kaya mo naman yan Sam, ilang beses ka nang nag-organize ng ganiyan." Pag-aasure ni Alyssa sa akin at tinapik-tapik pa ang balikat ko.

Possessive ObsessedWhere stories live. Discover now