Labing-Apat

942 20 0
                                    

Kabanata 14

Missing

Jenny's POV

"Anong nangyari kay Winter?" Tanong sa akin ni Mitch. Kakalabas lang kasi namin ng room at nakita namin si Winter na naglalakad sa hallway at mukhang malalim ang iniisip niya, dahil hindi man lang niya kami nilingon nung tinawag namin siya.

"Hindi ko alam ang buong detalye, pero ayon sa classmate niya sa previous class niya, namatay daw yung best friend niya kahapon." Sagot ko sa tanong ni Mitch

Kanina kasi nakasalubong ko si Adrian na classmate ni Winter kanina, at sinabi niya sa akin ang nangyari sa klase nila kanina.

Siguro nga ay nahihirapan si Winter ngayon, kaya kailangan niyang mapag-isa muna. Kapag medyo ayos na ang pakiramdam niya, tsaka ko siya dadaluhan.

"Pero Jenny, nasagap mo na ba ang balita?" Tanong ni Mitch sa akin habang binubuksan yung balat ng saging. Gandang babae nito pero ang lakas kumain.

Umiling ako "Hindi. Ano ba iyon?"

"Hina mo naman sa tsismis!" Natatawang sagot niya, kaya inirapan ko siya

"Just spill it, Mitch."

"Okay. Hindi ko alam kung baka matuwa ka pa sa balitang 'to pero araming nagsasabi that Kim is missing." Sabi ni Mitch in a serious way.

Kumunot ang noo ko. Huh? Nawawala, paano naman nila yun nasabi.
"At saan mo naman 'yan nasagap? Missing agad. Duh it's monday, baka may monday sickness lang siya kaya hindi pumasok"

"Kailan yung araw na nagkasagutan si Kim at Winter? Hindi ba't kasama ka doon?"

"H-hoy wala akong alam d'yan! Pero as far as I remember, noong Friday. Bakit?" Nauutal kong tanong. Why Am I nervous!

"Sabi kasi ng mga kaibigan ni Kim, friday in the evening daw dapat may overnight sila, pero hindi natuloy dahil hindi sumipot si Kim. Wala man lang daw pasabi na hindi siya makakapunta. And the thing that they're shocked is, Kim is not like that. Sabi nila si Kim daw yung tipo na laging present sa overnights nila, at kung hindi man siya makakapunta ay lagi siyang nag-inform sa kanila... Its kinda weird lang eh."

"B-baka naman busy siya that time, baka may family matter." Kinakabahan na talaga ako, bakit parang may mali sa nangyayari.

"Kim's parents also confirmed that she's missing. There's something weird Jenny, can you sense it?" Tanong ni Mitch sa akin

I gulped. "Yeah, weird. Saan naman pupunta si Kim?"

Hindi ba dapat ay matuwa pa ako? Dahil wala na yung disperadang ex ni Robert. Pero Mitch is right, there something wrong here. Hindi gano'n si Kim, na bigla-bigla na lang nawawala ng wala man lang pasabi.

"Jenny, I don't want to hurt your feelings ah!" Sabi ni Mitch na napataas ng kilay ko

"What! Aakusahan mo ako—"

"No! Of course not, patapusin mo muna kasi ako!" Sabat ni Mitch kaya napatango ako. "K-kanina kasi habang nasa library ako, hindi ko sinasadyang marinig ang usapan ng dalawang babaeng kalapit ng table ko... and yung topic nila is about one of our friend. Sinasabi nilang malas siya at may sumpa, dahil kung sino man daw ang mapalapit at makaaway niya, ay nawawala and worst is namamatay.... I don't want to hurt you Jenny. Pero sa tingin ko, si Winter ang tinutukoy nila."

Possessive ObsessedWhere stories live. Discover now