Lima

1.7K 53 2
                                    


Kabanata 5

Valentines

Winter's POV

Kanina pag mulat ko ng mga mata ko, yung mga salita ni Eros agad ang pumasok sa utak ko. Bakit niya sinabi ang mga bagay na iyon? May gusto ba siya sa akin?

'Di ba dapat kapag nagtatapat yung isang tao sa'yo dapat, sincere at yung diretsahan na agad. Pero hindi eh si bad boy Eros ang dami pang satsat. Nag english pa. Pero in fairness ah, mas nakakakilig kapag english.

Nung sinabi niyang I want you mine hindi na ako mapakali, bakit pakiramdam ko nung mga oras na sinabi niya iyon ay pag mamay-ari na niya ako. Plus yung gray eyes niya na nakakahilo, feel ko talaga na-hypnotize ako ng mata niya eh.

Sa sobrang preoccupied ng utak ko, hindi ko namalayan ang oras. Kaya nagmadali na akong maligo at mag-ayos. Mabuti na lang at pwedeng hindi kami mag uniform ngayon, dahil ang color ng damit na allowed suotin is black and red lang. Black if you're broken hearted and Red, if you're single or in a relationship. So no choice ako kundi mag red, kasi alangan namang mag black ako 'di ba?

Akala ko ay ihahatid ako ni kuya sa school, pero hindi, si panget tulog mantika. Bwiset talaga yun oh, bahala siya ilalabas ko ang kotse niya. No choice naman na siya eh.

Naging banayad lang ang byahe, dahil wala masyadong traffic Wednesday kasi. Every monday and friday lang naman mabigat ang traffic dito. Sana yung utak ko maging banayad na rin. Kainis si Eros, laging ginugulo utak ko this past few days. Alam niyo yun, para siyang traffic enforcer sa utak ko, pero dahil may sapak siya hindi niya nagawa ng maayos trabaho niya. Kaya ayon! Nagkanda buhol buhol na.

Pagkadating ko sa school, halos lahat ay naka-red at kaunti lang ang naka-black. Bakit kasi dalawang kulay lang ang naisipan ng president ng student council government. Siguro bitter yun at gusto niyang red para kunwari may jowabels siya. Pag nakita ko siya papatapon ko siya sa korea para makahanap siya ng maraming oppa. Gaya ni jeon jungkook. Ay akin pala yan! Walang aagaw a!

"Winter!" Sigaw ni Jenny ng makita niya ako. Naka red din silang tatlo, at parang ang saya saya nila dahil mukhang magiging masaya ang event.

"Happy Valentines! May date ka ba?" Tanong ni Mitch. Napatingin naman ako sa hawak niyang paper bag na puno ng chocolate tsaka flowers. Edi siya na maraming admirers! Isa siyang malaking SANA ALL!

"Hehe wala nga eh. Pero ayos lang yun wala naman case sakin yung date na yan!"

"Ang bitter mo ah! Pero may nagbigay ba?" Tanong muli ni Mitch

Inirapan ko siya. Tignan mo 'to parang may gustong iparating.

"Nang-aasar ka ba Mitch! Porket ang dami mong natanggap!"

Natawa naman siya, tapos kumuha siya ng isang red rose tsaka tobleron. Tsaka inabot sa akin.
"Wow! Bibigay mo yan sakin? Thank you" sabi ko sa kaniya. Kahit mukhang nang-aasar si gaga tinanggap ko na lang.

"Hay nako Winter. Baka mamaya ikaw pa ang may date sa ating apat ah!" Sabi ni kelly, habang nilalamon yung chocolate. Bwiset sana sumakit ipin niyo. At mabungal kayo! Charing lang

"Haha! Nagbibiro ka rin Kelly eh noh! Wala nga, at tsaka kay bago bago ko dito sa stanford. It's impossible that someone will ask me out!" Sabi ko sabay irap sa kawalan.

"Oh really? Then who is him?" Tanong ni kelly, sabay nguso sa likod ko. Napanganga na lang ako, ng pagharap ko sa likuran ko, tumambad yung epal na mukha ni jollibee. Tapos may bitbit siya three pieces ng white roses.

Hindi ako nagbibiro ah! As in si jollibee talaga! Yung bubuyog na mataba yung pisnge pati pwet! Sino tong naka-mascot ng jollibee. Mukhang sira bida bida

Inabot niya sa akin yung tatlong rosas, in fairness alam niya ang gusto ko. Pagkakuha ko ng roses ay hinubad niya yung ulo ni jollibee at tumambad sa akin ang pawisang si Jobert. Nakangisi siya sa akin

"Anong trip mo! May pagsuot ka pa ng mascot ni jollibee?" Tanong ko sa kaniya, sa 'di ko alam na dahilan ay hindi ko maalis ang ngiti sa labi ko.

"Wala lang, masaya ka kasi kapag inaasar mo akong jollibee, kaya para mas masiyahan ka. Eto tinotoo ko, ako na nga si jabe!" Natatawa niyang sabi

Natawa naman din ako, dahil alam kong hirap na hirap na siya sa loob niyan. Nagpaalam siya na magpapalit lang daw siya saglit. Sinamahan naman siya ng tatlo kong kaibagan, kaya naiwan ako mag-isa dito sa student suite. Halos lahat kasi ng students ay nasa field.

Napalinga-linga ako sa paligid ng maramdaman ko na parang may nakamasid sa akin. Bakit ganoon parang may nagbabantay sa mga kilos ko, nakaramdam ako na nagtayuan yung balahibo. Shete naman oh! ang creepy boy!

"Ay bakla ka!" Napatalon ako sa gulat ng biglang umupo sa gilid ko si Jobert, kumpara kanina ay fresh na siya ngayon. Pero teka bat parang lalo siyang gumagwapo...keleg

"Nagustuhan mo ba iyan?" Tanong niya sabay turo sa white roses na hawak ko.

Tumango ako "Oo, paano mo nalaman na mas prefer ko ang white roses kaysa sa red roses?"

"Wala lang hula ko lang. Pansin ko kasi na sa mga gamit mong walang kulay pula. Kaya ayan, naisip ko na baka, you hate red"

"Actually your right. I have hemophobia, that's why I hate anything in dark red"

Ngumiti siya sa akin. Yung ngiting punong puno ng saya, ngayon ko lang siya nakita ng malapitan. Kulay kayumanggi pala ang mga mata niya, at ang haba ng mga pilik mata niya. Mas gwapo siya sa malapitan. Pero mas maganda yung gray eyes and mas gwapo si Eros sabi ng utak ko. Wait! Hoy bakit napasok na naman yung anak ni aphrodite dito!

"I'm glad na alam ko yung ayaw mo... ahhm Winter, can I ask you something?" Kabadong tanong niya.

"Sure. What is it?"

"Ahm... You know that we didn't knew each other for a long time, but I want you to know that I am sincere, that I want to be friend with you... actually not just friends.... you....you know... I-I like you Winter" nahihiyang tugon niya sa akin

Napanganga nalang ako sa narinig ko, what? I just thought he just want me as a friend?

"You like me.... as a friend do you?" Tanong ko. Pero umiling siya.

"I know its funny. Ilang linggo pa lang tayo nagkakakilala pero nagtatapat na ako sa iyo. But you can't blame me Winter.... you can't blame love at first sight"

Hindi ko alam kung anong gagawin ko, nakatitig lang siya sa mga mata ko... bakit? Paano?

Kumabog ng bongga yung puso nung inipit niya sa likod ng tainga ko yung mga takas kong buhok. GULPED!!!!!

"You want to know how? Nung pagpasok ko pa lang sa classroom noon. Unang kita ko pa lang sa iyo, habang papalapit ako sa pwesto mo. Yung puso ko unti unting sumigla. Kaya lagi kitang inaasar, dahil doon nakakausap kita, nakikita kitang mainis, at ngumiti." Sabi niya "I won't force you to like me back, siguro ay nagulat ka"

Nagulat talaga ako! Sinong hinding magugulat ha? Yung lalaking akala mo kaibigan mo lang may gusto pala sa iyo! Kaya minsan ayokong magkaroon ng kaibigan na lalaki, dahil minsan yung iba sa kanila off limits na eh

Sa sobrang gulat ko ay hindi na ako nakapagsalita, at napatango na lang ako nung inaya niya akong lumabas mamaya.

Aalis na sana ako sa pwesto ko para sana bumili ng pagkain sa cafeteria, pero napahinto ako ng makita kong nakatitig sa akin ang isang pares ng matang kulay abo. His eyes is full of sadness, anger, and jealous

Bakit ganiyan ka makatingin sa akin Eros? Could you please stop, because I.....I think I'm falling...






3rd person's POV

He is so annoying! He's now into my nerves! I want to punch him, he's touching what's mine! What a pathetic guy!

Punong puno na ako sa kaniya.... lagi niya akong inuunahan. Hindi ba alam yung salitang pagmamay-ari?

Wala na akong ibang maramdaman kundi selos at galit, nakakailan na siya. Hindi mo ko masisisi!

What's mine is mine! And no one can touch her! Only me! She's mine

Now you bro! You fuck off!












Possessive ObsessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon