Labing-Lima

923 28 0
                                    

Kabanata 15

Siya ba

Winter's POV

"Winter, don't mind those bitches okay?" Sabi ni Jenny sa akin habang inaayos ang buhok ko.

Nanatili lamang akong walang imik. Pagkatapos kong marinig yung usapan ng dalawang babae kanina hindi na mapalagay ang loob ko. May gusto akong gawin, pero hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa, kung sino ang paniniwalaan at pagkakatiwalaan ko.

"Hindi ko na alam kung saan at kanino ako dapat maniwala at magtiwala Jenny." Wala sa sarili kong turan kay Jenny

"Winter, sa mga ganitong panahon sarili mo lang dapat ang pagkatiwalaan at paniwalaan mo. Wala kang dapat ibang pagkatiwalaan, kung hindi ang sarili mo."

"Kahit ikaw?" Tanong ko

Tumango si Jenny. "Oo, maski ako. Just trust and believe yourself. Naniniwala akong wala kang kinalaman sa mga nangyari sa kaibigan mo at kay Kim. Hindi ba Winter" seryosong tugon ni Jenny habang nakatitig sa mga mata ko.

"Ang hirap magtiwala sa sarili, kung ang lahat ng tao sa paligid ko walang tiwala sa akin." Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. "Wala akong kinalaman sa kanila"

"Alam ko," Tugon niyang muli. "Pero bago 'yun, may gusto lang akong itanong. Sana sagutin mo ako ng totoo"

Napalunok ako. Ano kaya ang itatanong niya.

"A-anong meron sa inyo ni Eros? Bakit pinagtanggol ka niya kay Kim nung muntik ka na niyang sampalin?" Tuloy tuloy na tanong niya.

Naramdaman kong unti-unting namumuo ang pawis sa noo. Tumukhim muna ako bago sumagot

"Sorry... hindi ko agad nasabi sa'yo." panimula ko. Nakatitig lang si Jenny sa akin kaya nagpatuloy ako "N-nanliligaw sa akin si Eros, isang buwan na. Hindi ko nasabi agad sa inyo, kasi hindi ba binalaan niyo akong lumayo sa kaniya." Napayuko ako

Inangat ni Jenny ang baba ko upang magtama ang aming mga mata.

"I understand, but may I know are you planning to say yes to that man?"

"H-hindi ko alam. Hindi ako sigurado"
Sagot ko

"Winter, kilala mo na ba ng lubusan si Eros? At kung hindi ka pa nakakapagdesisyon, may nararamdaman ka ba sa kaniya?" Tanong niyang muli.

Kahit naguguluhan na ako ay sinagot ko pa rin ang tanong niya.

"Actually, hindi ko pa masyadong kilala si Eros, hindi naman kasi siya makwento tungkol sa buhay niya. Kung may nararamdaman ako sa kaniya?" Napahinto ako. May nararamdaman ba ako para kay Eros? Sa totoo lang naguguluhan ako, hindi ko makumpirma kung eto bang nararamdaman ko sa kaniya ay pagmamahal.

"Hindi ko sigurado kung anong feelings ko sa kaniya, b-basta ang alam ko, masaya ako kapag kasama ko siya. Napapatawa niya ako. At... at napapakilig" bahagyang nag-init ang pisngi ko kaya nag-iwas ako ng tingin kay Jenny.

"Siguro nagtataka ka kung bakit ko ito itinatanong." Sabi ni Jenny "Winter, magpapakatotoo na ako at hindi na ako magpapaligoy-ligoy. Napansin ko kasi na hindi naman talaga ikaw ang dahilan sa pagkamatay ni Jayson, at Jobert. Pati na rin ang pagka-wala ni Kim. T-tingin ko kasi, there is someone who is obsessed with you. Just take a look, nung umamin sa'yo si Jobert na gusto ka niya, he died for no reason. Nung biniro ka ni Jayson na ikaw ang gusto niya, he died. Nung muntik ka ng saktan at binalaan ka ni Kim, she's now lost. Can't you see Winter, I know there is someone"

Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Jenny. There is someone? Then who the hell is he? Obsessed sa akin? Fvck! Ano namang ginawa ko at maging ganoon siya sa akin.

Possessive ObsessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon