Apat

1.8K 52 0
                                    


Kabanata 4

I want you mine

Winter's POV

Pagpasok namin sa loob ng social hall, ay hindi maipinta ang mukha ni Jenny dahil kasama ko sila Jobert. Maski naman ako nagulantang kung bakit sila nandito ano! Pansin ko rin na panay ang sulyap niya kay Robert tapos namula pa yung pisngi niya. Nako! Huli ka balbon!

"Bakit andito sila Winter?" Takang tanong ni Jenny sa akin

Nagkibit-balikat ako "Aba! Dapat ako ang magtanong. Bakit nandito sila? Akala ko ba ako lang ang kailangan mo?"

"Hindi ko rin alam bhe!" Bulong ni Jenny sa akin. Tapos nagnakaw ulit siya ng tingin kay Robert

Pinanliitan ko siya ng mata "Jenny, kung gusto mo lang pala makita si Robert edi sana—" hindi ko natapos yung sinasabi ko kasi bigla niyang tinakpan yung bibig ko.

"Ano ba Winter! Huwag ka nga.... ang ingay mo! I-I mean, that's not true na crush ko si Robert!"

Inalis ko ang kamay niya sa bibig ko at ningisian ko lang siya "Oh? Hindi ko naman sinabing crush mo si Robert ah!"

Napahalakhak na lang ako dahil sa sobrang pula ng mukha ni Jenny, nagmukha na siyang kamatis.

"Andito na pala kayo! Great!" Masayang sabi ni Kelly. Lumapit siya sa amin habang may dala dalang martilyo. Kung pwede ko lang ipukpok iyan kay Jenny para malaman niyang pokpok siya! CHARAUGHT

Hinatak ako ni Jenny papunta kay Kelly, tapos sumulyap ulit siya kay Robert. Takteng yan. Imbis na asarin siya ay napatingin din ako sa gawi nila Jobert dahil pakiramdam ko ay nakatingin sila sa akin. At hindi naman ako nagkamali dahil nakita ko ang pair of grey eyes na nakatingin sa akin. Gulped

"Ikaw ba nagpapunta sa kanila?" Bulong ni Jenny kay Kelly

"Oo, bakit may problema ba?" Takang tanong ni Kelly

"Eh akala ko ba si Winter lang sapat na? Pero hindi pala" malungkot na sabi niya. Kinaltukan naman siya ni Kelly.

"Bakla ka! sa tono mo para kang nagdadrama diyan! Buti nga dinala ko dito yung crush mo!"

Umirap na lang si Jenny at tsaka nag walk out. Asus si gaga kinikilig siguro yung pwet niya.

"Jobert! Robert! Eros!, punta kayo dito!" Tawag sa kanila ni Kelly. Habang papalapit naman sila ay hindi ako mapakali, dahil ramdam ko pa rin yung titig niya sa akin. May mali ba sa akin? May dumi ba ko sa mukha? Na-conscious na tuloy ako sa itsura ko.

"Mag start na ba tayo?" Magiliw na tanong ni Robert. Aba nahawa na ata talaga siya sa virus ni jabe ah

"Yes! But first, i-assign ko muna kayo sa mga gagawin niyo. Para may kaniya-kaniya tayong matapos" tumango kaming lahat sa sinabi ni Kelly

"Nasaan ba yung presidente niyong bakla? Bakit wala dito?" Tanong ni jabe

"Wala eh. Bwiset na baklang yun kekerengkeng daw siya" singit naman ni Mitch. Hala andito pala siya kala ko wala eh, May bahid pa ng pintura yung noo niya

"Walang kwenta yung presidente niyo!" Sabi ni jabe

"Hoy grabe ka! akala mo naman ikaw may kwenta!" Sabat ko kay jabe

"Nye nye nye! Tiglamig ka na naman!" Pang-aasar niya sa akin.

"Lul! Jollibee!" Bigla naman ako napatawa ng malakas nung bigla siyang napatid sa kable ng kuryente, at nadapa. Buti nga

"Lampa ka!" Tawa pa rin ako ng tawa, pero napahinto ako ng makita kong nakangiti lang siya sa akin.

"Saya ka?" Tanong niya "but I'm glad that I make you laugh!" Seryosong tugon niya

Possessive ObsessedOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz