Pang- Huli

1.7K 31 3
                                    

Epilogue

Someday

What is love...

An intense feeling of deep affection. In other words, love is what one feels. Love should be seen not as a feeling but as an enacted emotion. To love is to feel and act lovingly.

Just to make it simple love can't be determine, you don't have to remind yourself, if you're in love. However when you love, all your emotions will bloom.

Mahirap magmahal, lalo na kung hindi ka sigurado kung masusuklian ito. Pero alam mo kung ano yung masayang parte sa pagmamahal? Iyon yung sayang dulot nito sa'yo. Kahit ilang beses ka pang magmukhang tanga, wala kang pakialam dahil nagmamahal ka.

And it is called sacrifice.

Love has different sacrifices, just like what I experience. I really didn't expect that will happen to me. But at least, it leaves me a memorable lesson.

"Sana ako na yung lalaking marunong magmahal at alam na ang tunay na ibig sabihin ng pagmamahal, at kapag nangyari yun. Ikaw at ikaw pa rin Winter ang mamahalin ko."

Sa tuwing naaalala ko ang mga sinabi ni Eros sa akin bago siya nawala, napapangiti ako. Dahil hindi lang ako ang may natutunan sa labang ito.

Destiny is really playful. Ni-wala kang idea na ikaw na pala ang susunod niyang paglalaruan. Pero isa lang naman ang gusto niya, ang may matutunan ka.

"Winter, ready ka na?" Tanong ni Robert sa akin

I smiled. After that incident, akala ko mawawala rin sa akin si Robert, pero hindi. Dahil lumaban din siya. At ngayon? Sila na ni Jenny.

"Oo..." pagkasabi ko noon ay biglang sumulpot sa likuran niya sina Jenny and Mitch.

"Girl! I'm so happy ga-graduate na tayo!" Masayang sabi ni Mitch

"Me too! Akalain mo yun, ang dami nating napagdaan. Pero ang ending sa PICC rin ang tuloy!" Sabi naman ni Jenny sabay sukbit ng kamay sa braso ni Robert.

"Oh nasaan si Kim?" Tanong ko

"Ayun, sabi niya sasabay daw siya sa parents niya papunta sa PICC"

I'm so happy now dahil nagkaayos na rin kami. At lalo na kay Kim, dahil finally naayos niya na ang problema nila ng parents niya. But I wish, sana nandito rin sila Jobert, Kelly and Eros.

"Oh! Wints, nakabusangot na naman mukha mo diyan?" Tanong ni Robert

"Naalala ko lang si Jobert, Kelly and Eros... sana nandito rin sila ano?"

Bigla silang napatahimik

"Yeah... sana nandito nga si Jobert and Eros. Pero si Kelly bagay siya sa mental dahil sa kagag—ARAY" Biglang binatukan ni Mitch si Jenny.

"Kahit na may nagawang mali sa atin si Kelly, naging kaibigan pa rin natin siya. Learn how to forgive girl!" Parangal sa kaniya ni Mitch.

Napangiti na lang si Jenny.

"Ma, Kuya. Aalis na po kami. Sumunod kayo sa PICC ah!" Pagpa-paalam ko kay Kuya and Mama

"Sure Winsy!" Sigaw ni Kuya

"Pfft... Winsy" sinamaan ko ng tingin ang tatlo kong kaibigan dahil tinawanan na naman nila ang palayaw ko.

Habang nasa byahe kami ay hindi mahinto ang pagtatawanan namin dahil sa mga kalokohan ni Jenny and Mitch. Habang si Robert naman ang nagda-drive.

Nang nasa may bandang Roxas Boulevard na kami ay naipit na kami sa traffic, kaya binuksan ni Robert ang stereo.

'Someday you're gonna realize
One day you'll see this through my eyes
By then I won't even be there
I'll be happy somewhere even if I cared'

"Robert! Ang senti naman niyan!" Reklamo ni Mitch pero binalaan siya ni Jenny na huwag ililipat dahil favorite song niya daw iyon. Napangiti ako

Someday....

Hanggang ngayon, nakaukit pa rin sa utak ko ang mga salitang huling sinabi ni Eros. Posible ba na sa susunod na buhay, ay magkita ulit kami?

Hindi ko alam kung totoo iyon, pero gusto kong umasa na muli kaming magkita at muling magmahalan. Dahil kahit hindi naman naging maganda ang pagmamahalan namin ngayon, I know someday, we can correct it.

And we'll be happy someday...

***

Pagkatapos ng graduation ceremony, ay hiniling ko kay Mama and Kuya kung  pwede akong sumaglit sa ospital kung nasaan si Kelly. At pumayag naman sila...

Habang naglalakad ako papalapit sa selda kung nasaan si Kelly, ay palakas ng palakas ang kabog ng puso ko. Makalipas kasi ang limang buwan, hindi ko pa siya muling nakita.

"Ito na ang plano! Kailangan ko itong gawin... haha oo tama. Hahahaha" Rinig kong sabi niya mula sa selda niya. Hanggang sa tuluyan kong nakita si Kelly. Nakasuot siya ng puting bestida, at ang buhok niya ay sabog sabog na.

"Winter... WINTER!! Kumusta ka na! HAHAHA" sabi ni Kelly ng makita niya ako. Nakahawak na siya sa rehas ngayon

"Winter! Buti dinalaw mo ako! Ilalabas mo na ba ako dito! Ayoko na dito! Maraming baliw dito!" Bumulong siya "Huwag kang maingay ah! Pumatay ako ng tao... si Jobert!" Naiyak siya "Napatay ko si Jobert! Hahaha ang tanga tanga ko!! Nakapatay ako Winter... anong... anong gagawin ko! ILABAS MO KO DITO!" Sigaw niya habang hinahampas ang sarili.

Napaiyak na lang ako dahil sa sitwasyon ngayon ni Kelly. Alam kong nahihirapan siya at hindi niya mapatawad ang sarili niya, kaya siya nagkaka-ganito

Hinawakan ko ang kamay niya "Kelly... hindi masamang hindi limutin ang nakaraan, pero ang masama ay yung magkulong ka sa nakaraan mo. Kelly... alam kong nahihirapan ka" Pinunasan ko ang luha niya "Pero tapos na yon... kung nasaan man si Jobert, for sure napatawad ka na niya. At ako, napatawad na rin kita... kaya sana ikaw rin Kelly. Patawarin mo na rin ang sarili mo at kumawala ka na sa nakaraan"

Sandaling napatitig sa mga mata ko si Kelly, at maya maya ay bigla siyang humagulgol at hinawakan niya ang kamay ko.

"Patawarin mo ako Winter.... I'm really really sorry" sabi niya.

Napangiti ako, at niyakap ko siya sa pagitan ng rehas.

Forgiveness is the way to cease the insane situation.

Ito ang natutunan ko, hindi lang pagmamahal ang importante sa buhay ng isang tao, kundi pati na rin ang pagpapatawad.






END

Featured song: Someday by nina

Possessive ObsessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon