Walo

1.3K 35 5
                                    


Kabanata 8

Baby

Winter's POV

Nang narinig ko yung tungkol sa past ni Eros, nakaramdam ako ng awa sa kaniya. Kasi iniwan at niloko siya ng babaeng mahal niya at ng kaibigan niya. Kung ano man yung ginawa nila kay Eros, for sure sobra sobra 'yun. Dahil hindi naman magkaka-ganito si Eros, kung hindi dahil sa kanila.

Si Eros, siya yung lalaki na sa unang tingin pa lang alam mo ng cold siya, at wala siyang interest makipag-usap. Pero bakit ako? Kinausap niya bigla? Ang nakakagulat pa niyan, may mga bagay siyang ginagawa sa akin na hindi ko maipaliwanag.

Habang nakatutok sa daanan si Eros, ay hindi ko maiwasang mapatitig sa kaniya. Gwapo naman ng lalaking ito. Kaya hindi ko rin masisisi yung mga girls sa stanford, na kahit bad boy itong si Eros ay baliw na baliw sila dito. Biglang napatingin sa gawi ko Eros kaya agad akong napatingin sa bintana.

"Bakit?" Natatawang tanong niya "Titig na titig ka ah? Easy baka matunaw ako d'yan sa puso mo"

Napairap ako sa kawalan. Yung totoo saan niya nahuhugot yung confidence niya
"Asa ka! Hindi kita tinititigan noh!"

"Talaga ba?" Humagikhik siya. "Pero kanina nahuli kitang nakatingin sa akin"

"Hindi ah! Sa kalsada ako nakatingin! Saan mo ba kasi ako dadalhin ah!" Sige pa Winter deny lang.

"Just wait and see. Wag kang masyadong atat baby" sabi niya sabay smirk.

Bigla akong nakaramdam ng kung ano sa tiyan ko nang tinawag niya akong baby. WHAT THE FUCK KA EROS!

"Baby mo mukha mo! Kupido" kumunot naman ang noo niya sa sinabi ko

"Kupido? Why the hell cupid entered here in our conversation?"

"Seriously! Cupid! Kupido! Eros! Iisa lang kayo noh!" Sabi ko sabay irap. Ewan ko ba bakit ko kinakausap ang isang 'to.

Tawa siya ng tawa at halos hindi na siya nakatingin sa kalsada kaya hinampas ko siya.

"Papatayin mo ba ko! Hindi mo inaayos yung pagmamaneho mo!"

"Easy. Easy baby. Andito na tayo" Malambing niyang turan sa akin sabay nguso sa labas. Nang tignan ko kung nasaan kami ay nagningning ang mata ko.

"Wow! Nasa perya tayo!" Sabi ko pagkalabas ko ng kotse. "Ang tagal ko ng hindi nakapunta dito! Siguro mga five years old pa lang ako nung huli kong punta dito. Sa korea kasi wala masayadong perya. Tapos-" hindi ko natapos yung sasabihin ko ng napansin ko na naka-ngiti sa akin ai Eros. Teka.... masyado ata akong makwento.

"Ang daldal mo babe! Tara na nga!" Sabi niya sabay hatak sa kamay ko.

Potek!

"Kanina baby! Ngayon babe! Aba nasasayahan ka na masyado ah at tsaka 'wag ka ngang hatak ng hatak-" hindi ko na naman natapos yung sinasabi ko ng takpan niya yung bibig ko gamit ang kamay niya.

"Sshh! I-save mo yung boses mo, para mamaya kahit sumigaw ka ng sumigaw 'di mauubos boses mo" nakangiting turan niya.

Napairap na lang ako. Pero sa totoo lang ang saya saya ko ngayon dahil nakapunta na ulit ako ng perya.

Lumipas ang dalawang oras, at napa-upo na lang kami Eros sa isang bench dahil sa pagod. Halos lahat ata ng rides dito sa perya ay nasakyan namin.

Bigla kong naalala kung paano sumigaw si Eros nung nasa roller coaster kami. Haha kung narinig niyo lang kung gaano katinis yung tili ng bwiset na toh!

Possessive ObsessedWhere stories live. Discover now