Labing-pito

949 26 1
                                    

Kabanata 17

Special POV

EROS POV

CW // Violence, Killing, Murder and Heavy cursings

"A-anak" tawag ni Papa na pumukaw sa atensyon ko

Agad akong lumapit sa kaniya, dahil awang-awa ako sa kaniyang kalagayan, at halos naghihingalo na siya. Ang sabi sa akin, nabundol daw ng ten wheeler truck si Papa. Mabuti nga raw at himalang buhay pa siya ngayon, pero kahit ganoon ay hindi ko maiwasang maiyak sa nakikita kong sitwasyon niya ngayon. Dahil punong-puno ng aparato ang kaniyang katawan.

"Papa, 'wag na po kayong magsalita magpahinga na lang po kayo"

Pero imbis na sundin ako ni Papa ay may iniabot siyang litrato sa akin. Litrato iyon ng dalawang babae, isang kasing edad lang ni Papa at isang ka-edaran ko. Parehas silang may magagandang mata, at ang kagandahan nila walang tutulad. Napatitig ako sa batang babae. Sa sandaling iyon ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Anak... g-gusto kong mahalin mo ang babaeng iyan" sabi ni papa

"Po? eh masyado na siyang matanda para sa akin. Hindi ba at siya ang ex-girlfriend niyo?" Takang tanong ko.

Ngumiti si papa "Hindi siya, kundi ang anak niya. Anak gusto kong mahalin mo siya gaya ng pagmamahal ko noon sa kaniyang Ina. Isa lang hiling ko sa'yo anak," Tumitig sa mga mata ko si Papa "Kapag minahal mo siya, dapat sobra sobra. At huwag na huwag mong hahayaan na may ibang lumapit sa kaniya at umagaw ng oras niya sa'yo, dahil iyon ang pagmamahal, para sa akin. Ayokong mangyari sa'yo ang nangyari sa akin, na tuluyan siyang nawala sa akin dahil naging kampante ako."

Labing-tatlong taong gulang ako ng mawala si Papa sa akin. Simula rin ng nawala si Papa, hindi ko nakalimutan ang pangakong binitawan ko sa kaniya. Iyon ay ang mamahalin ko si Winter Montenegro. Hindi naman na ako nahirapan dahil unang tingin ko pa lamang sa kaniya sa litrato, humanga na agad ako sa kagandahan niya.

Pero hindi ko naman alam na sobra ko siyang mamahalin, to the point na mababaliw ako kapag hindi ko siya nakikita at lalo na kapag may iba siyang kausap na lalaki. Kaya hindi ko mapigilan ang emosyon ko, kaya nakapatay ako.

Hindi ako mamatay tao, pero kapag sa oras na lumapit ka kay winter, alam mo na ang mangyayari sa'yo.

Case 1 - Jobert

Nang makita kong pumasok si Jobert sa CR ay idinukot ko na sa bulsa ko ang dagger ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko kanina ng marinig ko ang mga sinabi niya kay Winter. May lakas pa siya ng loob na umamin sa taong mahal ko? Sino ba siya! Akin lang si Winter!

Pagkabukas ko ng pinto ay naabutan kong nakahandusay ang walang buhay na katawan ni Jobert sa sahig, at si Kelly na nakatayo sa gilid ni Jobert at may hawak-hawak siya duguang dagger. Humarap siya sa akin at matamis na ngumiti.

"Mission accomplished babe, alam ko naman na gagawin mo ito, kaya ako na ang gumawa para sa'yo. Ayoko naman na maging mamatay tao ka" sabi niya sabay kapit sa braso ko.

Kinalas ko ang kamay niya sa braso ko "Bakit mo 'to ginagawa?" Tanong ko sa kaniya ng hindi siya nililingon

"Para mabalik ang pagmamahal mo sa akin." Desididong sagot niya sa akin.

"Pasensiya na, hindi na iyon mangyayari" sagot ko sa kaniya, sabay titig sa kaniyang mga mata.

Nakita kong nangilid ang mga luha niya "B-bakit? Dahil si Winter na ang mahal mo? Bakit siya? Eh ako ang mas nauna mong nakilala. D-diba sabi mo mahal mo ako? Na—"

"Hindi Kelly. Hindi kita mahal, ginamit lang kita dahil akala ko kapag pinilit ko ang sarili ko sa iba, makakalimutan ko siya. Pero hindi, sobrang mahal ko si Winter noon pa mang bata ako!"

Possessive ObsessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon