Labing-anim

893 29 0
                                    

Kabanata 16

Kelly and Eros

[Friday evening at Stanford university]

CW // Kidnapping, cursing, gunshots

Kim's POV

Nakakaloka talaga ang Jenny na iyon, malandi na nga, mang-aagaw pa. Hindi na nakuntento. Una, yung pwesto ko sa council ang inagaw niya, ngayon naman ang boyfriend kong si Robert. Actually, he's my ex-boyfriend. Pero kahit na mang-aagaw pa rin siya.

Tapos ngayon nakikisali pa yung bago niyang kaibigan na akala mo kung sinong maganda. At aba ang ganda rin ng taste niya dahil ang pinili niyang landiin ay si Eros lang naman. Si Eros na bad boy at campus crush.

"Oh Kim! What happened to you? You looked so haggard" salubong sa akin ni Natasha pagpasok ko sa classroom.

"Don't talk to me, mainit ang ulo ko baka gusto mong sa'yo ko ibuhos ang galit ko" pagtataray ko sa kaniya pero tinawanan niya lang ako.

"Oh... don't me Kim, I know you can't do that to me. I'm your precious friend right?" At nag beautiful eyes pa ang gaga.

Inirapan ko siya. Kung hindi ko lang kaibigan ang isang to malamang nasampal ko na siya.

Sinabi ko kay Natasha ang buong detalye ng mga nangyari kanina at puro tawa lang ang sinagot niya sa akin. Kahit kailan talaga wala siyang naging dulot sa akin.

Pagkatapos ng klase namin ay agaran na akong lumabas ng classroom at tumungo sa restroom. Pagpasok ko doon ay nakita ko si Mitch, kaya inirapan ko siya. Tss. Ang kaibigan ng kaaway ay kaaway ko na rin.

"Kim!" Tawag sa akin ni Melody na isa ko pang kaibigan

"Oh?" Tipid kong sagot

"Mamaya ah! Don't forget our night out"

"Of course, ako pa ba? Kailan pa ba ako nawala sa night outs natin" confident kong sagot sa kaniya

That's true, kung hindi man ako ang mag-set ng night out ay lagi akong present.

Nagpaalam na sa akin si Melody dahil dumating na raw ang sundo niya, samantalang ako? Nakatayo pa rin dito sa may gate. Ang tagal naman ng driver namin kahit kailan talaga pagong kung magmaneho.

Tumingin ako sa wrist watch ko at pasado ala-sais na pala. Nilalamok na rin ako dito, kaya naghanap ako ng place na medyo maliwanag. Pero ng mapansin ko na wala ng masyadong estudyante ay nanatili na lang ako sa pwesto ko.

Maya-maya lang ay biglang nagtindigan ang mga balahibo ko, shit why do I have a feeling that there is someone who's watching me. Hinamas-himas ko na lang ang mga braso ko.

"Arrggh!" Frustrated na sigaw ko dahil sa tagal ng driver namin. Hindi na ko makatiis maglalakad na ako!

Pero hindi pa man ako nakakalayo ay may nakita akong lalaking naka-black hoodie. Nang una, napahinto ako dahil sa kaba pero napailing na lang ako sa mga iniisip ko. Ano ba Kim baka naman may hinaantay lang din siya.

Nagpatuloy ako sa paglalakad, at napag-pasyahan kong mag-suot ng earphone para maaliw ko ang sarili ko. Pero bago ko pa man masuot ito ay may kumalabit sa likod ko.

Na-estatwa ako sa kinatatayuan ko at hindi ko alam kung lilingon ba ako sa likuran ko. Shit, naalala ko yung movie na huwag kang lilingon!

Anong gagawin ko! Sino ba 'to. Muli na naman akong kinalabit ng sino man sa likod ko.

Huminga muna ako ng malalim at dahan-dahan kong inilingon ang ulo ko sa likuran ko. Pero bago ko pa man makita kung sino siya ay may kung anong matigas na bagay siyang hinampas sa ulo ko.

Possessive ObsessedWhere stories live. Discover now