Possessive Obsessed

4.7K 93 4
                                    


PROLOGUE

Hapong-hapo akong tumigil sa isang sulok ng kwartong ito matapos akong tumakbo ng pagkabilis-bilis, wala na akong pakialam kung marami akong nabangga. Ang akin lang ay gusto ko siyang takasan.

I just want to be free! Why can't he understand me, for pete's sake!

Napatalon ako sa gulat ng padabog na bumukas ang pinto ng kwarto kaya, dali-dali akong nagtago sa ilalim ng teachers desk.

"Where are you baby? Sabi ko naman sa'yo 'di ba. Playing hide and seek is my forte"

Nagtayuan lahat ng balahibo ko dahil sa boses niyang garalgal, napahawak na lang ako sa dibdib ko sa sobrang kaba ng aking nadarama. Pakiramdam ko ay sasabog na ang puso ko. Sana lang ay hindi niya rinig ang tibok ng puso ko

Nang maramdaman ko na papalapit na ang kaniyang mga yapak ay napapikit na lang ako. Ayokong makita ang mukha niya, natatakot ako...

Ilang sandali lang ay nanatili akong nakapikit ng mariin. Nakaramdam ako na parang may presensya sa aking harapan at titig na titig ito sa akin

"There you are..." malambing niyang sabi

Bigla akong napadilat ng haplusin niya ang aking pisngi. Wala akong ibang maramdaman kundi panlalamig ng aking sistema. Ngumiti siya sa akin ng pagkalawak-lawak at ang ipin niya wala itong kasing puti. Kung titingnan, siya ang tipo ng lalaki na kaya kang paibigin dahil sa taglay niyang kakisigan. Pero hangga't maaari ay huwag kang magpapalinlang sa maamo niyang mata na kakulay ng abo.

"Tama na, a-ano pa bang k-kailangan kong gawin p-para tigilan mo na ako!" Nauutal kong tanong sa kaniya. Nangilid ang aking luha pero hindi ko hinayaan na tumulo iyon.

"You don't have to do anything, baby. Just love me..." binulong niya sa aking tainga ang huling salita na binigkas niya kaya nagtayuan lahat ng aking balahibo.

Sa pagkakataong ito, ay wala akong ibang maramdaman kundi poot at galit. Dahil sa akin, nawala ang mga taong importante sa buhay ko, nang dahil sa akin ang lahat ng tao ay nilalayuan ako, dahil akala nila ay malas ako. Pero hindi! Dahil ang lahat ng ito ay bunga ng lalaking nasa harapan ko. Bunga ng pag-ibig na nakakabaliw at nakakasuka

"How can I love you? If you only did is to scare me! And kill all the people I love—" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil tinakpan niya ang bibig ko

"Ssshh! Ako lang dapat ang mahalin mo, ako lang... ayoko ng may kaagaw!" Kalmado niyang sabi, but his voice gives shivers down my spine

"I DON'T LOVE YOU! HINDI PA BA SAPAT 'YON PARA LAYUAN MO NA AKO? TIGILAN MO NA AKO!. TAMA NA!" Pagsusumamo ko sa kaniya, pero wala siyang awa. Ang mga mata ay puno ng lungkot, galit at awa

Hinawakan niya ang baba ko
"I'm trying to be easy on you... but your forcing me to do this"

Sinamaan ko siya ng tingin
"I. Dont. Love. You. Period!" Matigas kong sabi

Magsasalita pa sana ako pero sa sobrang bilis ng pangyayari ay namalayan ko na lang na hawak hawak na niya ang leeg ko at tinapat niya ang balisong doon. Damang-dama ko ang lamig ng balisong at konting galaw ko lang ay babaon na ito sa aking lalamunan.

"GINAWA KO LAHAT! INAMO AT SINUYO KITA PERO ANONG GINAWA MO! PINILIT MO AKONG GAWIN 'TO SA'YO! NGAYON KUNG HINDI MO AKO MAMAHALIN...... MAS MABUTING MAMATAY KA NA LANG!









Possessive ObsessedOù les histoires vivent. Découvrez maintenant