Chapter 2: Chance

4K 175 104
                                    

A/N: Good morning!

---

Chance

"Chance para kang tanga. Kagabi ka pa nakasimangot." Sita ni Cyane sa akin.

Nandito ako sa office nila ni Amaya. May klase ang asawa niya pati na din ang asawa ko. Soon-to-be misis pala. Pero syempre paladesisyon ako kaya asawa na agad. Doon din naman ang punta.

Itong sched lang na ito ang pinagkaiba namin kaya sad ako. Char!

"That France! Do you know who she is in Reed's life?" Kuno't noong tanong ko. Kung hindi niya kilala yon, ako kilala ko.

"Nope. Sino nga ba yon? Infairness ang ganda niya. Bagay sila ni Reed."

Oh my God! I feel so betrayed by my own bestfriend!

"Hoy, Cyane! Ako ang bestfriend mo, dapat sa akin ang boto mo!" Pero sa halip na sumang ayon ay tinawanan lang ako ng baliw na 'to. Porket masaya ang married life nila ng irog niya.

"So, sino nga ba si France sa buhay ni Reed? Bakit apektadong apektado ka?" Isang buntong hininga ang pinakawalan ko bago pagsalikupin nag mga kamay.

"Noong panahon na palagi mong kasama si Amaya, third year tayo non, nakilala ni Reed si France sa isang online dating app na napagtripan niya itry. Torpe pa ako non kaya hindi ko pa naitatayo ang bakod ko," Rinig ko ang mahinang tawa ni Cyane pero hindi ko na pinansin at pinagpatuloy nalang ang pagkukwento.

"Naka match niya si France tapos nakausap niya for a month. Noong nag meet sila, kasama niya ako. Imagine? Sinama talaga ako ni Reed! Ang sakit non sa heart ko!" Madramang saad ko pero ang babaeng ito, tinatawanan lang ako.

"Bata palang tayo alam ko nang may gusto ka kay Reed, Chance." Magsasalita na sana ako para umangal pero naitaas niya agad ang kamay niya para pigilan ako sumabat.

"Wag mo nang itanggi dahil nakikita ko ang masasama mong tingin sa akin dati kapag laging nakadikit si Reed sa akin." Agad kong naitikom ang bibig ko dahil sa sinabi niya.

Tama naman.

Kasi naman gays and indenial gays, palaging gusto ni Reed na katabi si Cyane noon dahil malaki tong baliw na ito at para daw safe siya. Hindi niya ba alam na mas safe siya sa akin? Pati puso niya, yiehh!

Ang kaso napakamanhid namna ni Reed at hindi niya naramdaman na may gusto ako sa kanya. Nagpapalit palit ako ng babae para pagselosin siya pero wala!

Alam niyo bang binabayaran ko yung mga girls para magpanggap na sweet kami sa bars kapag kasama ko sina Reed? Pero walang nangyayari samin, duh. Loyal ako sa bebe ko kahit manhid yon.

Pero dahil sa pinagagagawa ko, player nag tingin niya sakin. Sakit lang naman ng slight, parang kagat ng dinosaur.

Hindi totoong may ka-one night stand ako everynight dahil hindi ko kayang ibigay ang aking watawat sa iba, kay Reed my sinta lamang.

Kaya sobrang nabroken ako noong malaman ko na may naka one night stand siya. Pero okay lang, mahal ko yon sobra at hindi naman kakulangan sa pagmamahal kung ikaw ba ang mauuna o hindi sa kanya.

But they're thinking that I'm a playgirl and bedding girls after girls every freaking night. Pero ko na din binago pa ang iniisip nila. Hoping that Reed would somehow feel jealous but she's a freaking anesthesia, herself. A walking numbing cream!

So secret natin na hindi talaga ako walking sex addict okay? Sumagot kayo!

"Oo na. Bata palang tayo crush ko na si Reed. Ang cute niya kasi noon kahit bungi ang ngipin niya." Natatawang saad ko habang inaalala ang itsura niya noong bata pa kami.

Take a Chance (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon