Chapter 8: Red Car

3K 135 69
                                    

A/N: Good morning.

---

Chance

Ang sarap kumalbo ng unggoy.

Apat na linggo na laging sumusulpot si France sa office ni Reed sa mga hindi inaasahang pagkakataon.

Bakit ba pinapapasok ng guard to? Bawal dito animals.

"Ano na namang ginagawa mo dito?" Nakataas nag kilay na tanong ko sa kanya. Prenteng nakahalumbaba pa siya sa couch at nakangiti lang sa akin.

"Nanliligaw," Nakangising sambit niya.

Lumabas kasi si Reed, nakasalubong ko siya kanina noong papunta ako dito. May ibibigay lang siyang papeles kay Dean at babalik din. Hindi ko naman inaasahan na makikita ko dito ang unggoy na si France.

"Intsik ka ba? Tanghali nanliligaw?" Tanong ko matapos umupo sa couch na kaharap niya.

"Bakit ikaw? Nandito ka din naman para manligaw ah." Sumasagot sagot pa 'tong bansang to ah.

"Every second of every day ako nanliligaw sa kanya, France. Hindi lang tuwing tanghali." Hindi ko alam kung anong nakakatawa sa sinabi ko pero bigla nalang tumawa si France. Boang.

"Chance, Chance, Chance, you're funny." Unli naman nito sa pagsasabi ng name ko.

"And you're not." basag ko sa kanya.

"Bakit ba ang init ng ulo mo sa akin lagi?" Tanong niya pa na alam na naman niya ang obvious na sagot.

"Ewan ko din. Para kang gas stove. Nakikita pa lang kita kumukulo na dugo ko." Walang prenong saad ko na mas kinatawa niya lang.

Edi siya na ang happy!

"You're my happy pill," Biglang sabi niya na ikinalaki ng mata ko.

"Hoy! Pasensya na basted ka agad. Kunyari ka pang si Reed ang gusto tapos ngayon sasabihan mo ako niyan!" Pero dahil ata sa sinabi ko ay mas lalong lumakas ang tawa niya.

"I mean HAHAHAHA your words not you as in you. Oh my God!" Para na siyang baliw na naluluha na at pinapaypayan pa ang sarili gamit ang kamay.

"Linawin mo kasi, Bansa." Nakataas ang kilay na saad ko.

"Napaka advance kasi ng isip mo, Tyansa." Parang nadejavu ako sa itinawag niya sa akin dahil ganun ang tawag ni Reed sa akin noon.

"Panget mo kasi," Angil ko nalang.

"Ikaw din naman," Ganti niya.

"Mukha kang unggoy," Para siguro kaming tanga dahil sabay pa kaming nag cross arms.

"Mukha ka ngang tuko," Taena, para lang kaming batang nag aasaran sa loob ng apat na linggong pabalik balik niya dito.

Pero may napapansin ako kay France, parang may nagbabago sa itsura niya eh. Hindi ko lang ma distinguish ng ayos kasi hindi ko naman siya palaging tinitingnan. Nakay bebe ko Reed lang lagi nakatutok ang precious eyes ko na nag ttwinkle like little star kapag nasa harap ko na si Reed.

"Para tayong tanga," Sabay na sambit namin na ikinatawa naming dalawa.

Hindi naman talaga nakakaasar si France bukod lang sa mga timing niya na kasing panget niya talaga. Ewan ko ba parang normal nalang sa amin na mag asaran na parang bata kapag nakikita ang isa't isa.

Parang hindi nga yan nanliligaw kay Reed. Tambay lang ata ginagawa niyan dito. Wala atang aircon sa bahay niya kaya dito nagpapalamig.

"Wala ka bang trabaho, France?" Curious na tanong ko dahil ang dami niyang free time.

Take a Chance (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon