Chapter 19: Reance

3.1K 154 60
                                    

A/N: Wag na mag overthink HAHAHAHA wag oi.

----

Chance

"Chance... help me." Her voice. Damn, I miss her voice too damn much.

"H-ha?" was all I can respond. Hindi ko alam ang gagawin. Hindi ko alam ang sasabihin. Teka lang kasi. Bigla bigla siyang nawala tapos bigla bigla lang din na babalik? Worst may bata pang buhat buhat.

Is that her kid? Good for her then.

"C-can I come in?" Ako lang ba o talagang tunog maiiyak na si Reed? She look so drained and damn tired. Para siyang nakipaghabulan sa sampung kabayo bago makarating dito.

Luminga linga muna ako sa harap ng gate ko at nagtatakang nagbalik ako ng tingin kay Reed nang wala akong makitang kotse sa harap.

"Where's your car?" I blankly asked. I didn't mean to sound rude but I can't help it.

Hinahanap ko siya, oo, pero ngayong nandito na siya sa harap ko biglang gusto kong maging cold sa kanya. Sorry ah, bitter ako.

"Wala akong dalang... sasakyan." Saad niya sabay yuko ng ulo. Kita ko ang masuyong paghaplos niya sa pisnge ng batang natutulog sa bisig niya.

Sandaling napatitig ako sa sanggol na hawak niya. Napakagandang bata. Hindi ko alam kung anong kasarian pero angkop naman ang salitang maganda sa parehong babae o lalaki. Kahit na sanggol pa lang ay kitang kita na ang matangos nitong ilong, hugis puso ang labi, mahaba na rin ang pilik mata, at napaka puti.

"Ah ganun ba. Pasok.." Nananatiling nakatutok sa mukha ng sanggol ang aking paningin nang luwagan ko ang pagkakabukas ng pinto ng aking bahay para papasukin sila.

Tila nahihiya naman na pumasok si Reed bitbit ang isang hindi kalakihang bag habang buhat ang bata. Tahimik at maingat kong inagaw ang dala nito dahil nangingimi ako sa pagkakahawak niya sa baby. Baka malaglag yon tapos mabasag ang skull, ang cute pa naman.

"Relax and feel at home." I whispered, enough for her to hear. She looks at me and gave me a soft smile. Pero yung ngiti niya hindi umabot sa mga mata niya. Ibang iba sa natural na ngiti ni Reed.

It's been what? almost ten months. Ang tagal ko siyang hindi nakita tapos ganitong Reed pa ang kakatok sa pinto ko.

"Gabi na ah. Saan pa kayo galing?" Kaswal na pag tatanong ko. Kahit gustong gusto ko na siyang yakapin. Kahit gustong gusto ko siyang kuwestyunin kung bakit siya umalis nang biglaan at walang paalam. Kung kanino yung mga papel na nakita ko. Kung sino ang ama ng batang hawak niya. Kung bakit niya kami iniwan. Kung bakit niya ako iniwan. Pero parang naduduwag akong magtanong.

Gusto kong malaman lahat ng kasagutan pero naduduwag ako sa hindi ko malamang dahilan. Bakit nga ba? Karapatan ko naman sigurong bigyan ng paliwanag at dahilan diba?

For months, I spent my days thinking about her. Trying to find where she is. If she's fine, if she's in a safe place. Ilang buwan na walang paramdam pero siya pa rin eh. Totoo pala yung absence makes the heart grow fonder.

Siya pa rin. Si Reed pa rin. Pero kung may pamilya na nga siya, edi congrats. Basta mahal ko pa rin. Hindi mawawala. Para bang naka tatak na sa pagkatao ko na si Reed lang ang mamahalin ko. She's my first love and will stay as my last. Kahit hindi ako ang para sa kanya.

"Sorry, hindi ko kasi alam kung saan pupunta.." Mahinang sambit niya matapos muling iyuko ang ulo.

I silently watch her caress the child's face for few minutes until I hear her, stiffling her sobs.

Take a Chance (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon