Chapter 3: France

3.2K 180 85
                                    

A/N: Light lang 'to. Alamin niyo nalang kung sarcasm o hindi HAHAHA TH naman kayo!

---

Reed

"Hindi ka na mapipigilan, Reed?" I ignored what Chance's said and continue applying my make up.

She's here inside my room and busy bugging and asking me about my meet up with France.

Sabado ngayon at noong isang araw pa ako niyaya ni France para mag catch up.

Don't get me wrong, friends lang kami okay? Friends naman kami bago ighost ang isa't isa.

"Iiwan mo na kami ng mga anak mo?" I mentally rolled my eyes dahil sa sinabi niya at sa paraan ng pagkakasabi noon. Akala mo nasa isang teleserye 'tong baliw na 'to.

"Leighton! Sumagot ka! Akala ko ba mahal mo ako? Pano naman ako," Paghinga ng malalim nalang ang kaya kong gawin para pagpasensyahan ang kadramahan ni Chance.

"Nahulog na sayo. Char, Leighton sinta. Makikipag date ka talaga kay France?" Nakangusong saad niya.

Kita ko kasi siya mula dito sa salamin. Nakaupo siya sa kama ko at nakahalukipkip habang nakanguso at masama ang pagkakatingin sa akin.

Cute si Chance pero hindi ko sasabihin yon sa kanya. Lalaki ulo niyan eh.

"Hindi nga date yon, Chance. How many times do I have to repeat it to you? It's not a date, date. Just a friendly catch up. Sinabi ko naman sayo na sumama ka pero ayaw mo." Parang baliw, isinasama ko naman siya pero sabi niya hindi daw niya kayang makitang may kasama akong iba.

Baliw amp. Chance niyo naalog ata utak at nasobrahan sa paghithit ng mikmik kaya nagka ganyan. Baliw amp.

"Eh kasi nga, Reed naman eh!" Parang batang pagmamaktol niya pa.

Jusko, mauubusan ako ng dugo kay Chance.

"Ano?" Kaswal na tanong ko matapos sipatin ang itsura ko sa salamin.

Ay pak! Ganda ko talaga.

"Bakamagingthirdwheelniyolangakokatuladnoong unangmeetupniyo." Nakaawang ang bibig na tiningnan ko siya matapos niya magrap.

Wala akong naintindihan.

"Ano? Rapper ka ba? Dahan dahan lang, Chance." Huminga muna siya ng malalim bago nag iwas ng tingin na parang nahihiya.

"B-baka maging third wheel lang ulit ako. Katulad noong u-una niyong meet up." Baliw ba siya? Magkaiba yung noon sa ngayon.

"Nagseselos ka ba?" Naniningkit ang matang tanong ko.

Mas lalo lang niya iniiwas ang paningin at sa kisame niya napagtripan ibaling ang mga mata. Nag aabang yan nang dadaan na butiki.

"D-dati pa," I mentally flinched from the tone of her. voice. Parang ang laki ng hinanakit na dala dala niya sa buhay sa tono nang pagkakasabi niya.

"Hindi ka naman nangungulit sa akin dati,"

"A-alam ko. Torpe pa ako noon eh. Pero masama ba magselos? Eh sa mahal na kita noon pa." Turn ko naman na mag iwas ng tingin dahil sa diretsuhang pag amin niya.

Kahit ilang beses niya nang sinasabi yan hindi pa din ako nasasanay. Hindi pa rin ako nasasanay sa reaksyon ng puso ko sa tuwing walang preno niyang sinasabi na gusto niya ako o m-mahal niya ako.

"Tss. Sumama ka na ngayon, iintayin kita magbihis kana." Tanging nasambit ko para iwaksi ang kabang nararamdaman.

Paniguradong kukulitin niya din ako sa text mamaya kapag umalis na ako kaya isasama ko nalang siya. Para na din maniwala siyang hindi nga date ang pupuntahan ko. Parang baliw.

Take a Chance (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon