Chapter 16: Huh?!

2.6K 131 35
                                    

A/N: LT sa mga comments na gustong saktan si Reed 😂

---

Chance

Wag niyo akong hawakan, nanggigigil ako. Baka hindi ko kayo matansya, maibalibag ko kayo. Charot.

Balik University na ulit ako matapos ang isang linggong pagkawala dahil sa seminar na pinuntahan ko.

Normal lang naman ang lahat. Normal na ulit ako. Yung nangyari noong nakaraan? Wala na 'yon, malayo sa bituka.

Hindi ko naman kailangang kimkimin, ayokong maubos.

Abala ako sa pagsasalansan ng mga papeles sa aking table nang may dalawang sunod na katok akong narinig sa pinto.

Kunot noo akong tumitig at bahagya pang napaisip kung sinong herodes ang mang aabala sa akin sa ganitong oras.

Alas sais na kasi ng gabi, nakauwi na halos lahat ng mga tao dito sa University. Ayoko lang umuwi ngayon agad nang maaga kaya nag overtime ako. Papagurin ko lang ang aking sarili para pag uwi ko, diretso tulog na agad. Dadaanan nalang ako sa fast food or restaurant para mag dinner.

Umiiwas ako? Oo. Iniiwasan ko muna si Reed. Pero parang wala lang din naman kasi hindi naman niya yata ako hinahanap. Hindi ko naman siya binlock, pero ni hi or ho wala akong natatanggap.

"Come in." anas ko matapos ang ilang segundong pagtitig sa nakasaradong pinto.

Agad naman itong binuksan ng kung sino mang kumakatok at agad nawala ang pagkakunot ng noo ko nang makita si Cyane na nakatayo doon, katabi si Amaya na busy sumimsim sa chuckie na hawak hawak niya.

Favorite niya pa din yon.

"Hindi ka pa uuwi?" Tanong ni Cyane matapos gagapin ang kamay ng asawa at maglakad papasok ng office ko.

"Mamaya pa ng konti. Kayo ba bakit nandito pa kayo?" Tanong ko pero parang gusto ko din agad bawiin yon dahil nahagip ng mata ko ang bahagyang namumulang parte sa may leeg ni Amaya.

Tupang ina. Sabi ko nga minsan dapat nag sshut up nalang ako eh.

"Pauwi na kami. Kumatok lang kami kasi nakita namin na bukas pa ang ilaw dito." Sagot niya matapos nilang tumigil sa harapan mismo ng table ko.

Fresh from adventure pa itong dalawang 'to. Hanggang ngayon nasa honeymoon stage pa din sila.

"Mauna na kayo, may dadaanan pa rin ako after ko dito." Malumanay kong turan.

Sa halip na sumagot ay tinaasan lang ako ni Cyane ng kilay at tinitigan na para bang nagpapahiwatig na hindi ko siya maloloko.

Ayan, ayan ang hirap kapag kilalang kilala ka ng kaibigan mo. Alam niya ang ibig sabihin ng lahat ng galaw ko. She knows everything kahit hindi niya madalas sabihin na alam niya.

"You sure? we'll grab dinner in a nearby restaurant, baka gusto mong sumama." Mula sa pag inom ng choco drink niya ay bumaling sa akin si Amaya para sabihin iyon.

"I'm sure. Thanks for the invite, tho." nakangiting turan ko.

Sadgirl ako. Kapag sadgirl dapat palaging mag isa para makapag drama ng bongga. May mga napanood na akong movies kagabi and nilista ko yung mga makabagbag damdamin na lines nila in case lang na maghaharap kami ni Reed at magkaka sagutan.

Diba? I'm a well prepared individual kasi.

"Alright. Just message me kapag may kailangan ka o kahit wala kang kailangan, okay?" malalim na buntong hiningang saad ni Cyane.

Take a Chance (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon