Chapter 11: Chat

2.6K 116 69
                                    

Chance

"You'll be included sa mga professor na sasama sa seminar sa Singapore. One week, all expenses  will be paid by the University." Kasalukuyan kong kausap si President Ferrer ngayon kasama ang siyam pang ibang Professor ng iba't ibang department.

Bigla bigla nalang kasing naglabas ng memorandum na ipinapatawag kami. Akala ko nga may violation na ako.

Ang bait bait ko kaya. Wala na akong kalokohan simula noong makuha ko ang lisensya ko. New life, new wife--- char wala pa nga akong asawa.

"Bukas ang alis niyo. Kaya ibibigay ko na itong araw na ito para makapag pahinga at makapag handa kayo. I'm sorry for the short notice. The memo just came down just few hours ago." Kanya kanyang bulong ng pagsang ayon at iba pang reaksyon ng mga kasama ko.

Ako? Okay lang naman sa akin. Dagdag experience at knowledge sa part ko.

At saka, kailangan ko din siguro ng oras.

"Do you have any questions? Kung wala na, you're dismissed. Our private plane will be the one the mag hahatid sa inyo. That's all, thank you for your time." Nakangiting sambit ni Lolo President.

Close din namin siya dahil nga halos magkakapatid na kami nina Cyane. Pero dahil nasa University, we're always acting professionals around him. Kahit na nakikipag batuhan yan ng plato sa amin minsan.

"Thank you, President." Anas ko. Ako nalang ang natira dito dahil ang mga kasama ko ay kakalabas lang matapos magpasalamat kay President.

"Chance, apo." Nakangiting saad niya bago ako bigyan ng masuyong tapik sa balikat.

Pabagets talaga 'to eh. May patapik tapik pa eh kiss gusto ko. Charot lang.

"Pwede na po umuwi, hindi ba?" Kailangan ko iconfirm ang narinig ko dahil aminin ko man o hindi, lutang ako ngayong araw.

Wala talagang pumapasok sa isip ko. Parang nakikinig lang ako pero lumalabas lahat sa tenga ko. Naintindihan ko naman na pupunta ako ng Singapore pero yung ibang details hindi ko na matandaan.

"Yes, hindi ka ba nakinig na bata ka?" Tila naninitang tanong niya na bahagya kong ikinatawa.

"Hala, nakinig ako lolo. Hindi nga lang lahat pero nakinig ako." Depensa ko. Aba, kailangan ko linisin agad ang pangalan ko dahil baka madumihan.

Diba? Kaya madumi kasi hindi malinis. Sabi ko nga shut up na ako.

"Babae mo na naman siguro ang iniisip mong bata ka. Tsk." Pataltak na saad niya habang umiiling iling pa.

Awts, pain, pork chop. Babaera pa din ang tingin niya sakin. Lolo! Aym in peyn! Aym Chance, aym nat payn!

Matapos kasi ang nangyari kagabi sa harap ng bahay ni Reed ay hindi na ako nakatulog. Ang tagal ko pa ngang nakatulala sa harap ng bahay niya bago ko nagawang makauwi.

Magdamag lang akong gising at iniisip kung bakit ganoon ang inasta ni Reed. Siguro pagod o kaya may problema na hindi niya masabi.

Masakit? Medyo, si Reed yon eh. Pero iintindihin ko. If she needs time and space, I'll bring her to NASA. Charot. If she needs time and space, I'll give it to her. Kung may problema siyang hindi masabi sa akin, sa amin. Hahayaan ko siyang maging ready.

Siguro sobrang bigat nong problema niya kaya ganoon ang inasta niya kagabi. I know Reed, that was not normal for her. Kaya alam kong may mali.

Hindi ko na din siya muna kinukulit. She'll come around when she's ready to talk. That's my Reed, I know her.

Really? What if she's changing?

Alam niyo? Hahampasin ko na si Cyane kasi mukhang binigay niya sa akin ang konsensya niyang laging kontra sa mga bagay bagay. Nakakainis. Hindi naman ako pessimistic na tao pero nitong mga nagdaang araw ay puro negative na din ang naiisip ko. Bwiset.

Take a Chance (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon