Chapter 5: Sleepless

3.1K 150 77
                                    

A/N: Good morning!

---

Chance

The sky is awake! So I'm awake!

Isang napakagandang umaga ang sumalubong sa akin nang imulat ko ang napakaganda at maririkit kong mga mata.

Tila ba nagsisikantahan ang mga ibon nang bahagya kong buksan ang bintana sa aking silid.

Ang paghampas ng mga dahon at sanga ng puno na animo'y sumasayaw sa saliw ng ihip ng hangin ay napakaganda ding pagmasdan at pakinggan.

Ang pagpapalit ng dilim at liwanag sa kalangitang kasing liwanag ng aking kagandahan ay tila isang senaryo na hinugot mula sa isang pelikula.

Ganito pala ang pakiramdam kapag crush ka na ng crush mo! Ay shet, kinikilig pa din ako!

Mula sa bintana ng kwarto ko ay tinanaw ko ang kabilang bahay kung saan nakatira ang aking iniibig!

Nais kong ipabatid sa buong mundo, at sa inyo mga kapatid, na malapit na akong ikasal! HAHAHAHAHA.

At sa mga anak nina Mommy Reed at Mommy Chance, malapit na kayong lumabas sa ovaries namin! Mag intay lang kayo aking mga supling, on the way na kayo dahil na promote na si Mommy! Kalma lang kayo diyan!

Tulog pa ata si Reed dahil nakapatay pa ang ilaw sa bahay niya.

Nanatili muna akong nakatanaw sa bintana ng ilang minuto bago napagdesisyunang maghanda na para pumasok.

Sa sobrang saya ko ngayon baka magbigay ako ng surprise quiz at recitation sa mga estudyante! Tupang ina! Kinikilig pa din ako.

Kahit sa pagkakape tuloy ay nakangiti ako. Hanggang sa pagpiprito ng ham at bacon, pati sa pagsasandok ng kanin, at hanggang sa pagligo pati na sa pagsusuot ng panty.

Shit! Ang lakas ng epekto ni Reed sa buong pag katao ko. Maaga akong hihimlay dahil sa kilig sa kanya!

~

"Para kang clown sa lawak ng pagkakangiti mo Chance." Bungad ni Cyane sa akin nang makasalubong ko siya sa hallway dito sa university.

Kaka galing ko lang sa first class ko at hindi pa din maawat ang saya sa buong sistema ko.

Imagine after one trillion years na pagkakagusto ko sa kanya, may crush na din siya sa akin ngayon. HAHAHAHA iba talaga ang charms ko!

"Masaya ako ngayon, Cy. Wag mo akong bubwisitin please lang." Nakangising saad ko at sabay na kaming naglakad papunta sa aming mga opisina.

Hindi ko pa nakikita ang aking iniibig dahil may klase din siya kanina. Pero sa office niya ako didiretso ngayon dahil kailangan ko ng daily dose of silay kay Bebe ko Reed.

"Hindi ka na bestfriend zoned?" Taas kilay na tanong niya.

"Crush zoned na. Na promote na ang ranking ko! HAHAHAHA oh my God! Kinikilig ako." Impit na saad ko at nahampas ko pa si Cyane sa balikat dahil sa sobrang pagpipigil na mapatili.

Ewan ko din ba, ang bilis kong kiligin basta si Reed ang dahilan. Mabilis akong masaktan, matuwa, malungkot, at kung ano ano pa basta si Reed ang usapan.

Baliw na baliw ang puso ko sa kanya.

Kasalanan niya din naman kung bakit dahil kinagat niya ako noong bata kami dahil inagaw ko daw ang bote ng gatas niya. Baka may rabbies nang pagmamahal ang kagat na yon kaya nabaliw ako ng ganito sa kanya.

"Para kang tanga, Chance. Para ka pang kiti-kiti pag kinikilig. Jusko ka! Kumalma ka nga, nasa hallway tayo shuta." Angil ni Cyane matapos hulihin ang kamay ko na kanina pa humahampas sa kanya.

Take a Chance (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon