Chapter 7: Visitor

2.7K 134 45
                                    

A/N: Half light, half hindi 'tong TAC. Hindi naman kayo mag ooverthink. Charot.

---

Chance

"Professor Sy," mula sa pagkakatingin sa mga papel sa table ay nag angat ako ng paningin sa pinto ng office ko kung saan may kumatok.

"Yes, come in." Saad ko.

Agad naman nag bukas ang pinto at iniluwa noon ang estudyanteng kanina ko pa inaantay dumating. She's my student na absent noong nag exam at humingi ng permit to have special test.

Inoperahan kasi ang nanay niya at may mga medical records namna siyang naipresent kaya pinayagan ko. Hindi naman ako madamot sa consideration lalo na kung deserve ng student.

"I'm here to take my exam po." Nahihiyang sambit niya.

She's a quiet kid kahit sa loob ng classroom pero maasahan mo sa mga recitations and examinations. Matalino pero hindi madalas magsalita.

"Here. You have one hour to finish the exam. You can sit on the couch, Perez." Turo ko sa bakanteng couch ng opisina.

Marahan naman siyang tumango at kinuha ang inabot kong test paper. Tahimik na tinungo niya ang couch at nagsimulang magsagot habang ako ay muling bumalik sa chinechekang mga papel.

Nakakaboring ang oras ngayon dahil pare pareho kaming busy nina Reed. Mag rerelease na kasi ng prelim grades next week kaya eto kami ngayon, busy magcompute. Mabuti nalang talaga at after prelim exams ay Foundation week ng university kaya nagiging madali lang sa amin ang magcompute ng walang inaalalang klase.

"Miss Dea," I hummed in response habang busy pa din sa ginagawa. Mag twenty minutes na simula noong magsimula siyang mag exam kaya baka may itatanong siya ngayon.

"Kapag may kulang na steps sa computation, wrong na po automatic?"

"Depends. Kung sobrang nag jump yung computation minus points. Every item na required mag compute have 5 points bearing, Perez. Why?"

"Nothing po. I'll use a shortcut method, Miss. Is that okay?" Why not? Basta hindi magic formula or washiwepwashineyney na computation okay lang.

"It's fine. I'll be the one na mag ccheck niyan." Nakangiting sagot ko. Tinanguan niya lang ako at nagpasalamat bago muling bumaling sa sinasagutan.

Ako naman ay bumalik sa ginagawa at nanaig ulit ang katahimikan sa buong opisina.

Makalipas ang trenta minuto ay naramdaman ko ang paglapit niya sa table ko.

"Here, Miss. I'm done na po." Inabot ko ito at nang hilahin ay bigla siyang umaray.

"Hey," Tarantang ginagap ko nag kamay niya at nakitang dumudugo ang hintuturo nito.

"Paper cut. Okay lang po, Miss." Hihilahin niya na sana paalis sa pag kaka hawak ko pero hinigpitan ko ang kapit at may inabot sa drawer ng table ko.

Band aids. Buti nalang mahilig ako mangolekta ng may design na band aids simula bata pa dahil laging nagkakasugat si Reed.

"There. I'm sorry." Anas ko dahil kung hindi ko naman hinila ang papel ay hindi siya masusugatan.

"T-thank you po, Miss. U-una na po ako. Salamat sa band aid." Nagmamadaling saad niya at parang namumula pa ang pisnge at hindi makatingin sa akin.

Takang taka na tiningnan ko siya hanggang makalabas siya ng opisina ko.

Anong nangyari don? Takot ata sa dugo.

Take a Chance (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon