Chapter 12: I miss you

2.6K 130 31
                                    

A/N: Welcome back to me and to GS! Anyway, CREDITS TO THE ENGLISH AND FILIPINO ALPHABET for the letters that I'll be using for this Chapter! Ooppss, #safe.

---

Chance

Di mo alam dahil sa iyo, ako'y 'di makakain. Di rin makatulog buhat ng iyong lokohin.

Tahimik na nagbibihis ako habang pumapainlanlang ang kantang Pusong Bato sa loob ng hotel room ko. Ngayong araw magsisimula ang seminar na aming ipinunta dito sa Singapore at aaminin kong nawalan ako bigla nang gana matapos mabasa ang mensahe mula kay Reed kahapon.

Ni hindi niya manlang napansin na wrong send siya. Wala manlang 'Omg, wrong send. Sorry.'

Naiinis ako. Naiinis na ako. Mukhang nasasagad na ang pasensiya ko dahil nagngingitngit ang kalooban ko.

If she already have someone she loves, she can just fucking tell it to my face. Hindi naman ako tanga na hindi kayang tumanggap ng pagkatalo.

I courted her with the thought of a possible rejection. Hindi ako katulad ng iba na nanliligaw pero takot mareject.

Tamaan sapul at wag nang iilag pa.

Ano ba ang dapat kong maramdaman? Disappointment? Hurt? Betrayal? Ewan, halo halo na kasi.

Pinipilit ko lang wag mag overthink dahil may importanteng bagay akong gagawin dito. Ang hirap talaga kapag nasa malayo ka. Pero para sa pamilya na naiwan sa pinas, kakayanin. Charot.

Kapag nasasaktan ka, idaan mo sa biro at tawa. Let them see you that you are happy and hide your pains away. Coward move? Yes, but who cares. Ganito ako.

Masasanay ka nalang kasi na palaging malakas at masaya ang tingin sa iyo ng mga tao. Dahil doon, no one will even try to ask if you're really fine or not. Maybe may magtatanong pero kapag sinabi mo nang ayos ka lang, maniniwala na sila.

What I want to find is someone who will see my pains behind my smiles. But I guess mahirap yon.

Reed? She knows when I'm okay and when I'm not. Isa yon sa quality niya na naging dahilan para mafall din ako. That's why I'm too attached to her.

Pero ngayon, nagbabago na siya. Unti unti ko na siyang hindi nakikilala.

Matapos ang halos kalahating oras ng pagtitig sa salamin at pagsusuot ng damit, sa wakas natapos din ako maghanda.

Kahit naman broken ang peg ko ngayon, dapat yummy pa din. Don't let negativity eat you. Siya lang dapat kakain sa'yo, char ang kalat.

"Good morning, Miss Sy." Bungad sa akin ng isang professor pagka labas ko ng room ko. Mukhang napaaga pa din naman pala ako dahil sunod sunod na din naglabasan ang iba pa naming kasama mula sa kanilang mga silid.

"Good morning po. Diretso na ba tayo sa hall?" Tanong ko.

"Yes, may breakfast na din daw doon. Tara." Sagot ni Miss Collins na siyang tumatayong team leader namin dito. Kumbaga, siya ang leader ng mga bibe.

Sabay sabay na ulit kaming sumakay ng elevator para pumunta sa hall.

Hays, sana naman walang kakaibang mangyari ngayong araw.

~

"Finally." Mahinang bulong ko matapos mag goodbye at magthank you ang last speaker nitong seminar na inaanttendan namin. Mga eight speakers ata ang nagsalita simula 6 am hanggang 6 pm, 12 hours kaming naka upo at nakikinig habang nag tatake down ng mga important notes. Mahaba? pero nakaka enjoy naman.

Take a Chance (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon