Chapter 25: Stay

3.1K 159 38
                                    

Reed

Katahimikan ang bumalot sa amin matapos kong ilahad ang lahat ng nangyari kay Chance.

She's just staring at the floor the whole time I'm telling her everything. Wala akong mabasang kahit anong emosyon sa mukha niya at hindi ko din naman makita ang mata niya kaya hindi ko alam kung ano bang nararamdaman niya ngayon.

I'm just looking at her silently, waiting for her reaction.

"Ganoon pala ang nangyari." Pag kuwa'y bulong niya.

What? Ayon na yon?

"Y-yes." Ganun lang reaksyon niya? Final na? Wala manlang free hug and I miss you? Sakit niya prii.

Matapos mong iwan, umaasa ka sa hug? Umasa ka na lang habang buhay Reed.

I internally flinched at what my conscience said pero siyempre hindi ko yun pinahalata. Kahit masakit talaga ang sinabi niyang katotohanan.

"Okay. Eat this then rest after, Reed. Bukas na lang tayo ulit mag usap." Gusto ko pa sana umangal matapos sabihin yon ni Chance pero hindi ko na nagawa.

Mukhang wala lang naman sa kanya lahat ng nalaman niya. Mukhang wala na talaga.

"S-sige.. Salamat." Was all I can mumble, bowing my head slightly from disappointment.

Kapal ng face madisappoint, Reed. Heads up, ginusto mo yung ginawa mong desisyon kaya panindigan mo.

Tama naman ang konsensya ko kaya wala dapat akong karapatang magmukmok dito na parang ako pa talaga ang agrabyado.

"Sige. Good night." Ayon lang ang narinig ko mula kay Chance at ang kasunod na noon ay ang tunog ng paglapat ng pinto sa hamba nito.

Nagpakawala na lang ako ng malalim na buntong hininga at bumaling sa pagkain na dinala ni Chance dito sa kwarto.

Bahagya naman akong nakaramdam ng saya matapos makita ang pagkain.

Atleast pinagluto niya pa din ako.

Tila bumalik ang enerhiyang kinuha ko ang tray at nagsimulang kainin ang niluto ni Chance. Nakakatatlong subo pa lamang ako nang maramdaman ko na lang ang pag ragasa ng luha mula sa mga mata ko.

Doon lang bumuhos lahat ng frustrations na naipon ko sa loob ng ilang buwan. Hindi naman ako ang nanganak pero para akong may post partum na nararanasan.

Para tuloy akong tanga na sumisinghot singhot hababg ngumunguya at lumulunok ng pagkain. Piste, ganito yata kapag nailabas mo lahat ng nais mong sabihin. O dahil na din sa naging reaksyon ni Chance.

Ano nga ba kasi ang inaasahan ko? Ang yakapin ako ni Chance at sabihing okay lang ang ginawa ko. Na naiintindihan niya ang dahilan ko. Na mahal niya pa din ako.

Dream on, Reed. Ikain at itulog mo na lang yang mga naiisip mo.

Tupang inang konsensya, sarap saksakin ng kutsara sa mata!

~

Mainit na dampi ng liwanag mula sa siwang ng kurtina ng bintana ang gumising sa akin kinabukasan.

Marahang kinusot kusot ko ang mga mata bago bumaling sa kaliwang parte ng kama, ngunit ganoon na lang ang kabang bumalot sa akin matapos makita ang bakanten higaan ni Reance na nasa tabi ko.

Panic started to rush all over my system as I jumped out of bed to search for Reance.

Halos iangat ko na ang kama dahil sa pag iisip na baka nahulog ang anak ko pero imposible yon dahil sa limang unan na nakapalibot sa kanya.

Take a Chance (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon