Chapter 20: Her POV

3K 124 21
                                    

A/N: Hindi si Cheongsan si France para buhayin HAHAHA char.

----

Reed

"Reagan France's daughter." Tila nabato habang nakaawang ang bibig na nakatingin si Chance sa batang mahimbing ang pagkakatulog sa ibabaw ng kama.

Bahagya pa akong napangiti nang makita na nakasubo ang kaliwang hintuturo nito.

"Y-your daughter with France?" Muling napabaling ang atensyon ko kay Chance matapos marinig ang mahinang bulong niya.

I automatically raised a brow after realizing what she said. Yung mukha niya pa, para siyang iiyak na ewan. She's bitting her lips as her fingers fidgets. Naglilikot na din ang mata niya.

Ang ganda niya. Mas gumanda siya lalo sa loob ng mga buwan na hindi ko siya nakita. Mukha naman ring hindi niya napabayaan ang sarili niya. Which is good.

Gusto kong matawa dahil doon pero sobrang pagod na ang buong pagkatao ko ngayong araw na ito. Ramdam kong malapit nang sumuko ang katawan ko dahil kagabi pa ako walang tulog.

"Her biological daughter..." I whispered.

"And my daughter at heart." Kung kanina mukha siyang maiiyak, ngayon naman litong lito na siya.

"Huh?" Huhtdog. Muntanga.

"Reance is her daughter with her fiancé." I started, plastering a small, sad smile.

Where did everything started to get complicated? Ahh, when I first received her message asking me for help.

Flashback

"Reed, I need you." Pagbasa ko sa mensaheng natanggap mula kay France.

Kunot noong napatingin ako sa oras. Gabi na, anong need need ba ang kailangan niya?

Dahil sa kuryosidad ay agad akong nagtipa ng mensahe.

To: France
Why? What happened?

Naalala ko pa kung paano kiligin si Chance at hindi ko na rin tuloy mapigilan ang mapangiti ng malawak. Parang abnormal kasi ang isang iyon.

Kapag kinikilig siya, mahahawa ka nalang din. Ramdam mo kasi ang saya sa kanya. She's too transparent. Kapag masaya, malungkot, galit, nasasaktan, or kahit anong emosyon na galing kay Chance, mabilis mong mararamdaman.

Abala ako sa pag alaala ng kaboangan ni Sy nang magvibrate ang cellphone ko.

From: France
Pwede mo ba akong puntahan? Please..

Bakit? Saan na naman ba nagsusuot ang babaeng ito? Naalala ko dati na palagi siyang laman ng kung ano anong bar. May pagka sutil kasi ang puwet ng babaeng yan.

From: France
I'm hear at ***** Hotel. Room 69.
Please be quick.

O... kay? Anong meron?

Out of curiosity and dahil na rin sa kabang unti unting bumabalot sa akin ngayon ay natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakatayo sa harap ng closet para kumuha ng jacket.

Take a Chance (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon