II. Sing and Scream

14.7K 501 79
                                    

Pagbalik ko sa table ay wala na doon sina Eli at Kenny. Tinuro ni Dad ang stage at nakita ko doon 'yong dalawa na nag-aayos na ng mga equipments na gagamitin. Na-guilty naman ako kaya kumuha lang ako ng bottled water bago mabilis na naglakad papuntang stage. Thank goodness hindi na nagtanong sila Dad kung saan ako galing at bakit ang tagal ko.

Patapos na din sila mag-set up when I reached them, and they're just tuning up the instruments. Si Kenny ang unang nakapansin sa akin.

"The hell have you been? Akala namin kinain ka na ng inidoro." Halos magsalubong na naman ang makakapal na kilay ni Kenny sa pagkakakunot nito.

"You mean, si Quinn ang may kinain habang naka-upo sa inidoro?" Hirit agad ng manyak na Eli na 'to.

"Shut the hell up, Elliot. May kasalanan ka pa sa aking manyak ka." Tumawa lang ito ng malakas.

Inirapan ko ito bago ako tumalikod para kunin ang electric guitar sa gilid. I'm tuning it up when someone suddenly slapped my nape.

"Damn, girl. I knew it. Kaya ang tagal mo magbanyo. Nagpakalmot ka na naman sa pusa mo." Eli began, teasing me.

Mabilis kong inilugay ang buhok ko ng akma na naman itong lalapit tapos ay tinapunan ko ito ng masamang tingin. Nakangisi lang naman ito ng nakakaloko. Kenny was just shaking her head, giving me a disapproving look.

"Leave it to Quinn na walang pinipiling lugar just to get laid." Gatong pa nito.

"Banyo Quinn." Sabay nilang sabi bago sila naghagalpakan sa tawa. Naramdaman kong nag-init ang magkabilang pisngi ko.

Damn these two. Why am I even friends with them in the first place?

Magpo-protesta pa sana ako sa sinabi ni Kenny but Dad already got on the stage to join us. We then gave him the thumbs up ng tanungin kami kung okay na ba lahat, before introducing us shortly.

"Good evening, ladies and gentlemen. I hope you are all having fun. Thank you for coming out tonight. And, here to provide us some entertainment, I proudly present to you my daughter and her friends..

...the Slay Belles."

Nagpalakpakan naman ang mga tao, at may mga ilan ding babaeng nagtitilian. Most of them ka-edad din namin, and mostly are even schoolmates. We're fairly well known, lalo na sa mga kabataan, considering that we only started our band a little over a year ago. Nagsimula lang kami sa pag-upload ng mga cover songs sa facebook at youtube until we slowly caught people's attention. Dumami ang views tapos followers.

We started to get recognized in public, lalo na sa school. Before we knew it, we're getting offers to play some small venues. May mga producers na din ang nag-eexpress ng interest to sign us up to some major record labels.

We had to turn them down though, since binuo namin 'tong banda mostly to just have fun at dahil na din last year na namin sa college ay baka hindi namin kayang pagsabayin ang pressure. Besides, we all have our own priorities at hindi iyon ang pagba-banda. Though once in a while, tumatanggap din naman kami ng mga gigs kapag hindi tambak ang schoolworks.

I was adjusting the mic stand ng mahagip ng mga mata ko si Miss Mendez na pabalik pa lang sa table namin. Hindi ko mapigilang mapangisi ng maalala ko ang nangyari kanina. But, I was rudely snapped out of my thoughts ng bigla akong batuhin ng guitar pick ni Eli.

Bwisit talaga 'to.

Mabilis naman akong nakabawi when I heard Eli tap her drum sticks to signal the start of our first song. We began the set with an upbeat song for our first number, engaging the young people in attendance. Hindi naman kami nabigo dahil nagsimula na silang magsitayuan sa harap ng stage. I started engaging with them, hyping them up for our next song. Sa pangalawang kanta ay lalo pa silang naging wild. I can see na nadadala na rin pati ang mga matatanda. I looked over our table bago matapos ang last stanza ng second song namin.

Professor's Pet Series: Quinn EllisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon