XIX. Moving On and Reconciliation

7.1K 292 12
                                    

It took me a while to compose myself after she left. Paglabas niya ng study ay narinig ko din agad ang tunog ng sasakyan nila paalis. Hindi ko alam kung anong sinabi niya kina Mom dahil hindi pa naman siya nagtatagal dito ay lumabas na agad. I'm even expecting Mom to come barging in, at sesermonan na naman ako, but,.no one came. Which I'm greatful for, dahil hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ang hitsura ko ngayon.

I think back to what happened earlier. About how I tempted her, and, how I practically forced my way with her. Kahit na ginusto niya, I know the blame's all on me. I shouldn't have pushed my luck. Iyong katiting na pag-asa tuloy na mag-babago pa ang isip niya at pipiliin niya ako sa huli ay nawala na parang bula.

Now, I'm left with no other choice, but to move on with my life and let her do the same.

Bumuntong hininga ako saka hinilamos ang mga palad sa mukha, accidentally catching a whiff of her scent on my fingers. I can still smell her addicting perfume all over me, at kung pipikit ako ay ramdam ko pa rin ang mga maiinit na halik nito. Biglang nag-init ang pisngi ko sa mga naiisip. I can't be seriously thinking about that right now.

Pilit na akong tumayo mula sa pagkaka- salampak ko sa carpet at tinignan ang oras. Thirty minutes before our set. I'm tempted to call the two to cancel, but that would be so unfair to them, and inconsiderate of me.

Tahimik akong lumabas ng study room ni Dad. Wala na akong naririnig na ingay sa buong bahay kaya marahil ay natutulog na sila. Dumiretso muna ako sandali sa kwarto ko to take a quick shower and freshen up a bit. Nang makapag-bihis ay naglagay din ako ng kaunting eye make up para itago ang pamamaga nito at kaunting blush on para sa pisngi kong medyo namumula pa dahil sa sampal niya.

I still have five minutes to spare ng makarating sa The Podium, mabuti na lang hindi na gaanong traffic. Agad akong sinalubong nina Eli at Kenny ng makarating ako sa VIP room kung nasaan sila.

"Oh, thank goodness, you're finally here. I'm tempted to call you, pero ayaw ko maka-istorbo sa tutorial mo." Sabi ni Eli ng makaupo ako sa tabi nila.

"Iniisip na rin namin na mag-cancel na lang kasi nga baka hindi ka makahabol." Segunda naman ni Kenny.

Geez, if they only knew kung anong klaseng tutorial ang naganap.

"S-sorry, um, may nangyari lang." Isinandal ko ang ulo sa backrest ng couch saka ipinikit ang mga mata ko habang pilit kong pinipigilan ang nagbabadyang pagtulo ulit ng mga luha ko.

"Hey, you okay? What happened?" Nag- aalalang tanong ni Eli. Naramdaman ko din ang kamay nito na marahang humihimas sa balikat ko. Mas lalo lang tuloy nati-trigger ang luha ko.

"I'll go talk to Violet, let's cancel tonight." Rinig kong sabi ni Kenny at akmang tatayo na pero pinigilan ko ito.

"No, please, don't do it in my behalf. I'm good to perform, guys. I just need a couple of minutes to regroup." Sabi ko sa kanila na mukha namang hindi kunbinsido sa sinabi ko.

"I swear, I'm fine. Kaya ko." Ain't that the biggest lie ever?

Eventually wala na rin silang nagawa at tumango na lang. Ilang sandali pa ay narinig na naming ipinapakilala na kami, kaya naman after putting on a happy mask, I confidently walked on the stage. Kahit na ang gusto ko lang gawin ngayon is to curl up in a ball and cry all the pain away.

Nairaos naman namin 'yong unang kanta without much fuss. Nakakadala din ang energy ng mga tao sa bar. I'm even surprised to see Kelsey with Miss Andrews and Miss Gomez, they're seated just to the left of the small stage, cheering us.

Pagtapos ng pangalawang kanta ay nakaramdam ako ng uhaw. I asked the crowd for a quick water break. Bababa sana ako ng stage para kumuha ng maiinom sa bar counter pero bigla naman sumulpot sa harap ko si Kelsey na nakangiti ng matamis. In her hands were bottle of water and a botte of beer. I did not hesitate, kinuha ko 'yong bote ng beer saka mabilis ko itong tinungga.

Professor's Pet Series: Quinn EllisOnde histórias criam vida. Descubra agora