IX. Jealousy and Confessions

7.6K 320 23
                                    

After the school's event, nagyaya si Kelsey na kumain sa Freddy's, treat na rin daw niya sa amin for agreeing to perform sa event kanina in such a short notice. Isa kasi siya sa mga nag-organized ng open day today, being the student council president and all.

We picked the corner booth to accomodate us, sabi kasi ni Eli susunod din daw sina Miss Andrews at Miss Gomez, and Kelsey brought her two friends, Amber and Chloe, too.

Napili kong maupo sa gilid, malapit sa aisle at sa kaliwa ko naman naupo si Kelsey. Kasabay ng pagdating ng mga in-order naming pagkain ay ang pagdating din nina Miss Andrews, Miss Gomez, and surprisingly, Miss Mendez.

Agad namang pinaupo ni Kenny at Eli sina Miss Gomez at Miss Andrews sa bakanteng spaces sa tabi nila. That left Miss Mendez awkwardly standing on my right side.

We briefly made eye contact, at tatayo na sana ako para paupuin siya ng hapitin ako bigla sa beywang ni Kelsey palapit sa kanya.

"Scoot over, Quinn, para makaupo si Professor Mendez. Don't worry, I don't bite naman eh. Unless ofcourse, you asked." She teased before winking at me playfully.

Nagkantyawan naman 'yong mga kasama namin kaya naramdaman kong uminit ang mukha ko sa hiya. Tahimik naman na umupo lang sa nabakanteng espasyo sa kanan ko si Miss Mendez. The atmosphere became thick all of a sudden.

"But seriously, Quinn, I truely wanted to thank you for agreeing to play kanina. Biglaan kasi lahat kaya wala ng oras para kumuha pa ng ibang live entertainment." Sabi pa ulit ni Kelsey sabay hawak sa isang kamay kong nakapatong sa mesa.

"It's all good, Kels." Sagot ko sa kanya ng nakingiti bago pasimpleng binawi 'yong kamay ko.

"Hey, Miss President. Kasama din kami sa banda, ha? In case you haven't noticed." Eli jokingly said, habang kumakagat sa pizza niya.

"Of course, I'm grateful for you guys, too. Pero, syempre alam niyo naman na si Quinn ang crush ko, 'di ba? Kaya sa kanya ako sumi-simp." Nasamid ako bigla sa milkshake na iniinom pagkarinig ko sa sagot ni Kelsey. Lalo naman nagkantyawan 'yong mga kasama namin.

Damn, girl. Buckle down a little, will ya?

I was tapping my chest, trying to relieve my coughing fit ng sabay mag-abot ng bottled water ang dalawang katabi ko. I picked the one from Miss Mendez just because naka-uncap na 'to kaya ininom ko na lang diretso.

"Oh, gosh, babe. Are you alright?" Tanong ni Kelsey habang hinihimas ang likod ko.

Tumango lang ako bilang tugon saka binalingan si Miss Mendez na salubong ang mga kilay habang pinag-didiskitahan 'yong pasta sa harap niya.

"Thanks, Miss." Hindi ito umimik at ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin. I shrugged. Kung ayaw, e 'di huwag.

Bumalik na lang ulit ako sa pagkain at nakinig sa mga kwento nila, trying my damnest to ignore her. If she's sulking, then, so am I. But, I watched in my peripheral as she continues to play with her food.

Anong bang problema niya? Siya nga itong nagsabi kanina na busy siya pero may time makipag lunch sa iba, tapos siya pa ang hindi mamamansin ngayon?

Pero, hindi ko pa rin naman siya matiis kaya kahit ako ang nagtatampo ay ako na lang din ang susuyo. Kumuha ako ng slice ng pizza at binigay sa kanya.

"Here. Kanina mo pa hindi ginagalaw 'yang pagkain mo. Do you want to order something else?" I asked her quietly, leaning over a little para marinig niya ako. Ang lakas kasi ng bunganga ni Eli habang nagku-kwento.

She sighed, shaking her head before taking a bite of the pizza slice na hawak ko pa rin. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko tapos ay pasimpleng tumingin sa mga kasama namin sa mesa. Thank goodness, they seemed to be engrossed listening to Eli's tales kaya walang nakapansin sa ginawa ni Miss Mendez.

Professor's Pet Series: Quinn EllisWhere stories live. Discover now