Special Chapter

911 34 2
                                    

Special Chapter

I didn't get enough sleep last night. I was aware I have duty early this morning. Pero kasi minsan na lang kami magka-time ng mga kapatid ko. Madalas kasing hindi magtugma ang mga oras namin dahil sa trabaho at ibang bagay.

Love went to Tokyo for a vacation at kakauwi niya lang. Ang akala naming one week na stay niya doon ay naging isang buwan kaya matagal talaga kaming hindi nagkita. Si Faith naman ay masyadong busy kasi may tinatapos lang siyang mga trabaho. Aalis na rin kasi siya sa firm niya ngayon. She and her friends from Law School decided to establish a firm of their own. Samantalang ako naman ay nasa pangalawang taon ko as a resident.

All of us are so busy with our own lives that we only get to bond once in a blue moon. Kaya nang parehong nagka-time ang dalawa kahapon at kahit may duty ako kinabukasan, we had a sleep over.

Puro kwentuhan lang naman kami. Puro updates tungkol sa mga ganap namin sa buhay. Mostly are about our jobs. Ewan ko ba. Wala atang ibang buhay itong mga kapatid ko.

The two of them didn't tell me if there's anything going on in their love lives. Wala silang nakukwento. Nagtatanong naman ako pero laging "Okay na ako maging single forever" si Love, while Faith just shrugs everytime. Although hindi naman ako naniniwalang walang ganap sa buhay pag-ibig nila. I know there's something. Hindi ko na lang sila pinipilit. I'll just let them surprise me.

I woke up early today to prepare for work. Both Faith and Love are still sleeping in my room- Faith on the bed, and Love on the separate airbed. Hindi kasi kami kasyang tatlo sa kama ko kaya sa airbed na natulog si Love.

Katatapos ko lang magbihis when my phone started ringing.

I smiled upon reading Troy's name.

"Good morning, beautiful," he greeted. I can picture him smiling.

"Good morning," I replied.

"Are you ready? I'm a few minutes away," he said. Sa tuwing pareho kami ng oras ng duty, sinusundo niya ako sa condo kahit na malapit lang naman ako. "I'm guessing you didn't have breakfast?"

"Late na 'ko nagising eh," I answered. Naipasok ko na sa bag lahat ng gamit na kailangan ko. Now I'm just sitting pretty on the sofa, waiting for him.

"Yeah, I figured," he mumbled. "I bought breakfast," he added. Mas lalo akong napangiti. With him, hindi talaga ako nagugutom. Kapag on duty, nabibigla na lang ako na may kape na at pagkain na naghihintay sa akin. I feel like it's his goal to make me fat. Ang payat ko na daw kasi.

"Thank you," I replied. "Baba na ako. Hintayin na lang kita sa lobby?"

"Alright. I love you."

"I love you too. Text me when you're near."

"Yes, Doc," he replied.

I ended the call as I stood up. Tulog na tulog pa ang dalawa kaya nag-iwan na lang ako ng note na aalis na ako and magluto na lang sila ng pagkain nila. I'm sure they'll understand.

•●•

Pagkatapos ng rounds ko sa surgery ward ay bumalik muna ako sa Doctor's lounge since wala pa naman akong pasyente. When I got there, naabutan ko sina Addie at Celeste na kumakain ng pizza.

"Wow. You guys don't have something to do?" I asked. Lumapit ako sa kanila saka tumabi kay Addie sa sofa. Kumuha na rin ako ng isang slice kasi natakam ako.

"Break, sis," Addie replied. "Buti na lang talaga may biyayang dumating. Magse-7 eleven na sana ako. Alam niyo na, tagsalat," she added. Natawa na lang ako kasi same. Hindi pa kasi ganoon kalaki ang sweldo namin pero hindi naman tagsalat talaga. Mahilig lang talagang mag-exaggerate itong si Addison.

Forbidden (Completed)Where stories live. Discover now