Chapter 32

886 33 2
                                    

Chapter 32

The first semester ended and another one started. Medyo kabado ako 'nong naglabasan ang grades kasi akala ko may mababang grades ako. Surprisingly, I was still on the Dean's list. Nakahinga rin ako nang maluwag.

Alam na rin ni Clarisse iyong tungkol sa amin ni Troy. I thought she'd get mad at me kasi siya ang huling nakaalam. But the moment I told her about it, she even hugged me and said, "I'm happy for you! I knew there's something going on!"

So far, Troy and I's relationship is going smoothly. Wala pa naman kaming nagiging problema. We're still very careful. Nakakalabas na kami just around the City but it's always with the group para walang maghinala. It kinda sucks, but I know this will be over soon. I just have to make sure I'll graduate on time so the waiting won't be that long.

"Hala, wala tayong class under Sir Troy. Sad 'no?" Clarisse murmured while looking at our schedule. Nasa bench lang kami near our department, waiting for our first class. Napaaga kasi kami kaya may oras pang tumambay.

"Not really. Lagi naman kaming nagkikita," I replied while strumming on my ukulele. Hindi ko narinig sumagot si Clar kaya nilingon ko siya, only to see her frowning at me.

"Alam mo, ikaw? Kainis ka. Porke't may love life ka na, gaganyan-ganyan ka na? Kaasar ka. Magjo-jowa na rin ako," she muttered. I laughed at what she said.

"Jowain mo na lang si Lio tutal pareho naman kayong gusto na ng jowa," I replied.

"Ew, Hope! No way!" Mabilis na balik niya. Mas lalo akong natawa.

"Bakit ba ayaw na ayaw mo kay Lio?" I asked. Gwapo naman si Lio, matangkad, matalino, tamad nga lang at maloko pero alam ko namang mabuting tao 'yon.

"Girl, duh? Ayaw ko sa mga lalaking hindi maka-move on sa gusto nila 'no!" Napakunot ang noo ko sa narinig. I knew Lio likes someone and it's been so long. Hindi ko lang alam na hindi pa pala siya nakaka-move on doon sa gusto niya. And I feel like Clarisse knows who it is.

"Sino 'yong gusto niya?" I asked. Nanlalaki ang mga mata ni Clarisse nang tumingin ako sa kanya.

"Wala! My God, wala! Hindi mo kilala! Kalimutan mo na 'yon! Wala kang narinig!" Sunod-sunod na sabi niya. Mas lalo akong napakunot-noo.

"So you guys are sharing secrets without me, huh?" I mumbled, arching a brow.

She rolled her eyes at me. "Tinago mo rin na kayo ni Sir Troy."

I frowned. Oo nga naman.

"Saka, it's not my story to tell. Siya na magsasabi sa 'yo," she added.

Wala na akong masagot kaya sumimangot na lang ako and just went back to strumming my ukulele.

"Hala, hi, sir!" Narinig kong masiglang bati ni Clarisse. Nag-angat ako ng tingin and saw Troy approaching. He looked at me so I mouthed "hi", and he smiled.

"Nako, 'yang mga tinginan niyong 'yan, mapaghahalataan kayo," Clarisse mumbled. "Pero sige lang, wala namang ibang tao so lubusin niyo na ang pagngingitian sa isa't-isa," she added. Nakita kong napailing na lang si Troy while smiling.

"Waiting for class?" He asked.

"Oo eh," I replied. Nakita kong napatingin siya sa hawak kong ukulele and grinned after doing so. Naalala na naman niya 'yong first meeting namin last sem! Lagi niya na lang akong tinutukso kapag nakikita niyang may hawak akong ukulele.

I frowned at him but he just chuckled. "Dinner later?"

"Okay," I quickly replied.

"Okay."

Forbidden (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon