Chapter 18

1K 44 5
                                    

Chapter 18

Second week of October came and we became very busy. Panahon na naman kasi ng hell week because of the midterm exams and projects. Halos wala na naman kaming tulugan.

It was Tuesday. It's our scheduled exam under Sir Troy. Buong weekend ko atang inaral ang subject niya. Nakakahiya kasing makakuha ng mababa na score sa kanya. Baka isipin niya ang bobo ko.

"Ang daming dapat i-memorize," reklamo ni Clarisse. Maaga siyang dumating dito sa classroom kasi nga exam na. Nagpapatulong siya sa akin sa ilang parts ng lessons naming di niya na-gets. "Sana pala nagmakaawa ako kay Sir na pwedeng magdala ng cheat sheet," she added.

"Cheat sheet ka diyan. Mas lalong tatamarin ang ilan mag-aral kung ganoon," I murmured.

"Sorry naman sa 'yong madali lang nakaka-memorize," she mumbled sarcastically. Napailing na lang ako and continued reading the reviewers I made.

Sa tuwing nag-eexam ay ginagaya ko ang ginagawa ng kapatid kong si Faith. Siya mismo nagsusulat ng reviewers niya para mas madali daw maalala. Naging effective naman sa akin kaya kahit nakakapagod magsulat ay ginagawa ko na lang. At saka maaga ko namang sinisimulan lahat para maiwasan ang procrastination. Natuto na ako. Mas nami-mental block kasi ako kapag nagka-cram.

Nang dumating ang 10 am ay sakto namang pumasok si Sir Troy sa classroom. My classmates groaned upon seeing him.

He stood in front of us, holding a bunch of papers which I assumed contains the questions for our exam. He instructed us to hide all our things aside from pens. My classmates groaned again, nagre-reklamo ang ilan, ang ilan humihingi pa ng ilang minutes for final review daw.

"Was the whole weekend not enough?" Sir Troy asked. Gusto ko isiping naiinis siya sa mga reklamo ng classmates ko but looks like he's the kind who doesn't know how to get pissed. Nakangiti pa nga siya habang sinasabi 'yon eh.

Why is he like that?

Wala nang nagawa ang classmates ko kundi sumunod sa sinabi ni Sir. He immediately proceeded to distributing the test papers.

"Madali lang 'yan. We've discussed everything in class and during the lab. Kaya niyo 'yan," he murmured while distributing.

By row siyang nagdi-distribute and I happened to sit near the aisle. Nang inaabot na niya sa akin ang test papers for my row, tipid siyang ngumiti sa akin, na ginantihan ko rin ng tipid na ngiti.

He even mouthed 'good luck' to me. Agad akong napayuko at palihim na napangiti.

And our exam began.

Sa tuwing nag-eexam, ang una kong ginagawa ay chini-check lahat ng items. Nang masiguro kong na-cover ko naman lahat ng topic sa review ay saka lang ako nagsimula sa pagsagot.

The exam was not that hard. Most of the answers to the questions ay nasa reviewers ko. Thank God for Faith's studying tips.

When I was done answering ay hinintay ko pang may maunang magpasa sa akin. I just reviewed my answers at 'nong may nagpasa na ay saka lang ako tumayo para magpasa.

Nang tumayo ako ay napa-angat ng tingin sa akin si Clarisse. Saglit ko siyang binalingan and I saw her pouting. She does that whenever she still has blanks on the paper. Medyo natawa ako.

"Sir," I murmured nang makalapit sa harap. Nag-angat ng tingin sa akin si Sir mula sa pagche-check ng dala niyang papers. Probably our previous lab reports. Saka ko inabot sa kanya ang test paper ko.

"Thanks." He took my paper. "Was the exam okay?" He asked and I just shrugged. I heard him chuckled. "I'm sure you find it easy," he added.

"Okay lang," I replied. Umiiling siyang ngumiti.

Forbidden (Completed)Where stories live. Discover now