Chapter 33

945 42 3
                                    

Chapter 33

Like what Faith told me last time, hindi nga kami masyadong lumalabas ni Troy. Nagbabatian pa rin naman kami just like how a student and a teacher greet each other. Pero hanggang doon na lang muna. I feel like someone's eyeing us kaya lumayo-layo na muna kami sa isa't-isa. It sucks, but we chose this.

Days passed by so quick that we didn't notice it was midterms again. Napuno ang schedule namin ng exams and research papers. Puro review iyong ginawa ko at ng mga kapatid at kaibigan ko. It somehow helped with our situation. At least hindi namin masyadong nama-mind iyong nangyayari sa amin.

When midterms ended, drained kaming lahat. Patong-patong kasi iyong mga papers and lab reports namin. That when the midterms finally ended, I just had the urge to drink. Parang gusto kong maglasing.

"Walwal ba?" Tanong ni Lio nang makapasok sa sasakyan ko.

"Yes, please lang!" dagdag naman ni Clarisse na kakapasok lang din sa backseat.

"Sa bahay na lang ha? Gusto ko ring maglasing tonight," I said. Napatingin sa akin si Lio.

"Himala. Stressed na stressed ka talaga?" He mumbled. I nodded.

"Tapos buong araw akong matutulog bukas," I said.

"Edi di kayo magkikita ni Sir?" Clarisse queried. "Almost two months na rin since 'yong last time na labas niyo," she added.

Madalas pa rin naman kaming mag-usap online, madalas naka-video call. Hindi nga lang talaga kami nakakalabas. Nag-iingat kami. Miss ko na ngang kasama siya eh. I know he does too. But we have to do it.

"Baka papuntahin ko na lang siguro sa bahay mamaya? Tayo lang naman doon. Mukhang uuwi rin diretso sina Faith and Love saka wala si Manang," I said.

"So walang date sina Love and Lay?" Clarisse asked.

"Ata. Sabi niya uwi siya diretso eh," I answered.

"Baka LQ," Clarisse grumbled. I just shrugged.

Dumaan lang kami saglit sa dorm ni Clarisse para makakuha siya ng mga gamit saka kina Lio rin. Pagkatapos ay sa bahay na kami dumiretso. Napagkasunduan na lang naming mag-order ng pagkain dahil wala na kaming gana at lakas para magluto. Dumaan lang kami saglit sa Convenience store para bumili ng mga inumin.

It was past 4 pm when we reached home. We readily took a nap. Nagising kami around 6. Pagkalabas sa sala ay may mga pagkain na. Si Love iyong nag-order because I told her so. Siya lang kasi iyong medyo maagang natapos lahat ng exams kaya nakabawi na siya ng tulog yesterday. Buti pa siya.

"Nakauwi na si Faith?" Tanong ko.

"Andito na," narinig kong sagot ni Faith. Kakalabas niya lang ng kwarto niya. "Tumawag nga pala si Sir sa 'kin. 'Di ka daw matawagan," she added. My eyes widened when I remembered how drained my phone is. Hindi ko pala na-charge kanina.

Mabilis akong tumakbo papunta sa kwarto para icharge ang phone. I hurriedly turned it on and called Troy.

"Hi," bungad niya sa kabilang linya.

"Hi. Sorry, lowbatt pala ako. Hindi ko na-charge phone ko," I said.

"It's fine. Are you home?"

"Ah, oo. Kung may time ka, punta ka di-"

"I'm going," mabilis na sabi niya. Napangiti na lang ako.

"Sige. Ingat sa pagdrive."

"I will. I love you. I'll see you in a few minutes," he murmured.

"Hoy, 'wag mo namang paliparin sasakyan mo," I replied. I heard him chuckled.

"I might. I missed you," he said. I could sense he's smiling from the other line.

Forbidden (Completed)Where stories live. Discover now