Chapter 17

1K 42 3
                                    

Chapter 17

Para akong tangang nagpagulong-gulong sa kama ko. Hindi pa rin mawala sa isip ko 'yong mga sinabi ni Sir Troy.

"You're amazing, Hope."

I covered my face with a pillow and shouted. Kulang pa nga ang pagsigaw ko to let my feelings out.

I might explode.

I remember how I looked like a fool earlier. I called for the bill a few moments after he said those words and was about to pay everything we ate but Sir was quick to get the bill from my hand. He paid for everything. Hindi na ako nakaangal. Nawala ata ako sa sarili kanina.

After paying for the bill ay nag-aya na rin akong umuwi. He didn't say anything.

Our ride going back to school was extra quiet. Sir didn't try to talk about what he said at the café. Just like me, he's trying to change the topic. Maybe he sensed I'm not ready to hear more about it.

Pero ngayong malalim na ang gabi, kung ano-ano nang pumapasok sa isip ko.

God, Sir Troy. How could you do this to me?

Iyong puso ko naman, panay sa pagkabog nang mabilis.

But I was happy.

Muli akong napasigaw sa mga naiisip ko.

"Mukhang tanga 'to," I heard Love said. Nang mapatingin ako sa may pinto ay nakita kong nakatayo na ang dalawa doon at nakatingin sa akin. Agad akong napabangon mula sa pagkakahiga. Nahilo pa ako saglit.

"Anong drama mo?" Tanong ni Love. Sabay silang naglakad palapit sa akin. They sat on the bed, facing me.

"In love ka, Hope?" Faith asked.

"What?"

"Eh ikaw, Faith?" Baling naman sa kanya ni Love. Napailing na lang ako at nahiga na ulit sa kama ko.

"Lumabas na kayo. Matutulog na ako," I said. Nagtalukbong na ako para maramdaman nilang kailangan na nilang umalis kasi matutulog na talaga ako.

Nanatili pa silang nakaupo doon nang ilang segundo but they both stood up and went out of my room after.

•●•

Ma'am Gel was lecturing in front but all I did was stare. Hindi kayang i-process ng utak ko ang mga sinasabi niya. I think I'm not well today. Inaantok ako. Hindi kasi ako masyadong nakatulog kagabi eh. Tapos masakit rin ulo ko.

Hanggang sa matapos ang klase niya ay wala talaga akong naintindihan. Buti nga hindi siya nag-surprise quiz. Because if she did, I might get zero.

"Okay ka lang?" Clarisse asked. Nagliligpit na kami ng mga gamit. Ito lang kasi ang klase namin for today. May conference somewhere daw 'yong instructors namin for later eh. So maybe I'll just go home after having lunch with Clarisse and Lio.

Nauna nang lumabas si Lio. Medyo nahuli kami ni Clarisse kaya kami ang magkasabay.

"I'm fine," sabi ko. "Kulang lang talaga ako sa tulog."

"Ay, bakit naman? Kakaisip kay-"

"Don't mention names please," putol ko sa sasabihin niya sana. Natawa lang siya and gestured zipping her lips.

Nang tuluyang makalabas ay napa-eyeroll na lang ako when I felt Lio's arms around my shoulders. Ang bigat eh! Pero wala akong energy sawayin siya. Pagod talaga ang utak ko sa kakaisip.

Daldal lang nang daldal si Clarisse and Lio while we were walking on the hallway. Nakinig lang ako. Hindi ko talaga kayang pantayan ang energy ng dalawa.

Forbidden (Completed)Where stories live. Discover now