•I•

55 3 0
                                    

THE MISCHIEVOUS PRINCESS

Chapter One: Princess Zephaniah

"BWAHAHAHAHAHAHAHAHAAHAHAHAHAHAHHAHAHAH"

Rinig na rinig ang aking napakalakas na tawa sa buong palasyo, hula ko ay maya maya lamang ay nasa aking harapan na naman si Ama.

" Zephaniah! what's going on?! Ano na naman ang kalokohang ginawa mo?! " see? Tama ang hula ko, narito si Ama na nag-aapoy sa galit ang mga mata.

Hindi pa 'man nya alam ang tunay na pangyayari ay parang ako na agad ang kanyang sinisisi.

Hmm, ano nga ba ang tunay na nangyari?

Pfft, ganito kasi 'yan. Papunta ako sa Dining Hall upang kumain, habang patungo doon ay nakasalubong ko si Queen Valerie ang reyna ng mga kaartehan at katarayan kidding! I don't know kung saang bayan sya nagmula, basta ang alam ko lang ay may gaganaping Royal Meeting dito sa palasyo. Ayun nga, patungo sya sa Conference Hall dahil doon gaganapin ang pagpupulong. Nung oras na dumapo ang mga mata nya sa akin ay tinaasan nya ako ng kilay at kung anu-ano na ang sinabi,

"Oh my beautiful face! It seems like my beauty will fade away because the blacksheep is on my way"

huh! beautiful face my ass!

Syempre hindi ko sya pinansin dahil kabilin-bilinan sa akin ni Ama na huwag na huwag daw akong gagawa ng kahit na anong kalokohan kahit sa araw lamang daw na ito dahil nga darating ang mga kagalang galang na mga Hari at Reyna ng iba't-ibang lugar. But it seems like karma is doing his job well, kamalas malasang paglagpas sa akin ng mapanlait na Reyna ay bigla ko na lamang syang nakita na nakikipag-halikan na sa sahig ng palasyo, at doon na kumawala ang napakalakas na tawa na hindi ko na napigilan.

"Look what you've done! " maarteng tugon ng Reyna habang tinutulungan ng kanyang mga alalay na makatayo,

"Zephaniah, mag-uusap tayo mamaya" may diin sa tinig ni Ama kaya naman nasisiguro kong mapaparusahan na naman ako mamaya.

Hindi ko na sila pinansin at bumalik na lamang sa aking silid. Nawala ang gutom ko kakatawa! Pfft, that was epic! pati siguro ang palasyo ay hindi sang-ayon sa "beautiful face" kuno nya. That old woman! kung hindi lamang sya nakasuot ng magarang gown ay hindi sya magmumukhang Reyna!

*knock knock*

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang may kumatok sa aking silid,

"Come in!"

Pumasok ang aking napaka-gwapong nakatatandang kapatid,

"What happened? Nakausap ko si Ama at galit na galit na naman siya"

malumanay ang pagtatanong nya at natitiyak kong alam nya na hindi ako ang may kasalanan sa nangyari, bukod kasi kay Ina ay sya lamang ang aking kakampi dito sa palasyo,

kinuwento ko kay Xavier ang nangyari, at imbes na magalit ay nakitawa na lamang sya sa akin dahil ginaya ko ang eksaktong nangyari kay Queen wannabe este Valerie pala.

"Dapat kasi ay hindi ka na lamang tumawa para hindi na nagalit pa si Ama" iiling-iling at nakangiting wika nya,

"You know me Xavier, mababaw ang kasiyahan ko at hinding-hindi ko kaya na magpigil ng tawa"

"Yeah right, kaya ka laging napapagalitan eh" he said then ruffled my hair,

totoo naman na isa ang malakas kong pag tawa ang dahilan kung bakit madalas magalit sakin si Ama, but that's just one of so many reasons why he hates me,

"Kumusta sa bayan? " tanong ko,

Dahil hindi ako nakakalabas ng palasyo at nakakababa sa bayan ay kay Xavier ko lamang naitatanong ang mga bagay na gusto kong malaman tungkol sa aming bayan, never pa kasi akong nakatapak sa bayan.

"Nothing change, mababait at masiyahin pa rin ang mga tao ro'n. Ahh! oo nga pala I brought you something" may dinukot sya sa kaniyang bulsa,

"Wow!" I said when I saw the purple bracelet, gawa ito sa mga dyamante na kulay purple at sa gitna naman nito ay may gintong pendant na nakaukit sa letrang "Z"

agad ko itong sinuot at talaga namang bagay ito sa aking palapulsuhan,

"Thank you Xavier! I love it!" niyakap ko sya dahil sa tuwa,

alam kasi nya na mahilig ako sa mga bracelets at necklace, nung isang linggo ay kwintas na kulay purple ang dala nya.

"I know you'll love it, ikaw kaagad ang naisip ko nang makita ko 'yan. Gawa iyan ng isang sikat na jewelry shop sa bayan, sinabi nung nagtitinda na espesyal daw ang isang 'yan kaya naman binili ko na"

sa tuwa ko ay muli ko syang niyakap, nasa ganoong pwesto kami nang maabutan ni Ina,

"What a lovely view! can I join?" masayang wika ni Ina kaya naman lumapit kami ni Xavier sa kanya at yumakap,

"Hmm, my babies" humiwalay si Xavier pagkasabi ni Ina,

"Mother, I'm not a baby anymore" naiiritang wika ni Xavier habang nagkakamot ng batok,

"I know, I know, kay bilis talaga ng panahon. Anyway, nagpunta ako rito para itanong ang nangyari kanina sa pagitan ninyo ni Queen Valerie, anak ko"

hindi ako nagdalawang isip na ikuwento kay Ina ang nangyari, alam ko na kakausapin nya si Ama para ipaliwanag ang totoong nangyari. Kay Ina lang kasi sumusunod at umaamo ang aming Ama kaya naman kapag kinakausap nya ito ay nababawasan ang aking parusa at minsan ay hindi na naitutuloy kung hindi naman talaga ako ang may kasalanan.

"Hayaan mo at kakausapin ko ang iyong Ama, ako na ang bahalang magpaliwanag. Sa ngayon ay bumaba na muna tayo upang kumain. Makakasama natin sa hapag ang mga Hari, Reyna, at iba pang may matataas na katungkulan na dumalo sa pagpupulong, so you must behave baby z okay?" malambing na utos ni Ina kaya naman agad akong tumango,

Inalalayan namin ni Xavier sa pagbaba si Ina patungo sa Dining Hall, naroon na ang mga dumalo sa Royal Meeting at halata sa mga mata nila ang panghuhusga sa akin.

Si Queen Valerie ay matalim ang mga titig sa akin na tila pinapatay ako sa kanyang isipan, ngunit kagaya ng nakasanayan ko nang gawin. Hindi ko sila pinansin at nagtungo na lamang sa aking upuan.

"Here comes the blacksheep again, oh I just lost my appetite" bulong ni Queen wannabe, ngunit wala namang pumansin sa kanya.

Habang kumakain ay nag-uusap sila sa mga bagay na hindi ko naman maunawaan, puro tungkol sa pagsasaayos ng bayan, pagsasanib pwersa at kung anu-ano pa. Ako lamang sa hapag ang hindi nagsasalita sapagkat paminsan-minsan ay kinakausap nila si Ina at si Xavier.

Tsk, hindi naman halata na ayaw nila sakin. I rolled my eyes at hindi na sila pinansin pa.


The Mischievous PrincessWhere stories live. Discover now