•VIII•

3 2 0
                                    

THE MISCHIEVOUS PRINCESS

Chapter Eight: Princess Zephaniah

Pagka-lock ko ng pinto ay inalis ko na ang contact lense at inayos ang mga gamit ko, nagpalit na rin ako ng damit pantulog. Bukas, kapag nakahanap na ako ng matitirahan ay bibili na rin ako ng mga bagong damit at sapatos.

Sinabi rin pala sa akin ni Lily na ang uniform ko sa school ay manggagaling mismo sa university, pero kailangan ko itong bayaran pati ang mga libro na gagamitin ko.

Pagtapos ko maayos ang mga gamit ay natulog na ako, para maaga rin akong magising bukas.

*Kinabukasan*

"You broke my will, but what a thrill
Goodness gracious, great balls of fire~~"

Nagising ako dahil sa napakalakas na tunog nanggagaling sa mesa na nasa gilid ng kama,

Ano raw? FIRE?! SUNOG!!

Agad kong kinuha ang pinanggagalingan ng tunog at ibinato ito bago pa ito sumabog at magkasunog, pagkabato ko nun ay biglang may kumatok kaya dali dali kong sinuot ang contact lense ko bago buksan ang pinto,

"What's that sou—Oh shit! what did you do with my phone?!" galit na sigaw nya tsaka nilapitan ang bagay na ibinato ko,

"Ang bagay na iyan ay sumisigaw ng 'Fire' kaya akala ko ay magkakaroon ng sunog kung hindi ko ito sisirain" pagpapaliwanag ko,

"What?! that's my alarm, anong sunog ang pinagsasasabi mo?"

"A-alarm? ang bagay na 'yan ay alarm clock?" tanong ko,

napakamot naman sya sa kanyang tainga at tila sinusuri ang alarm daw,

"You don't know this thing?" he asked, nakakunot ang noo nya at tila galit talaga,

"Ang sabi mo ay a-alarm ang isang 'yan?" nagtataka ring tanong ko,

"Really? Are there no cellphones in the palace?"

"C-cellphone? ano ang bagay na 'yun?" pagbabalik ko ng tanong sa kanya,

"This thing is what you called cellphone, Cellphones are used for communication, entertainment, games, and information gathering"

Cellphone? alam kaya ni Xavier ang tungkol sa bagay na 'to? wala kasi syang nakukwento sa akin, sa palasyo kasi ay puro libro lamang ang libangan ko, doon din ako kumukuha ng mga impormasyon na nais kong malaman, kapag naman nakikipag-communicate kami sa taong malalayo sa amin ay nagpapadala kami ng liham o 'di kaya ay tumatawag sa telepono, ngunit wala kaming cellphone. Mukhang makapangyarihan ang cellphone dahil narito na ang lahat ng bagay na kinakailangan, para na itong libro, telepono, at dyaryo,

"Saan nakukuha ang bagay na 'yan? nais ko rin magkaroon ng cellphone" tanong ko, nagtaka naman ako nang bigla nya akong tawanan,

I pouted, ito ang unang beses na tumawa sya,

"Nakukuha? Really? You're that ignorant? sa bagay, sabi mo nga ay palagi ka lang nasa palasyo. Pero nakapagtataka na wala kayong cellphone sa palasyo?"

Hindi ko rin batid kung bakit, lahat ng mga mamahaling bagay ay nabibili namin ngunit nakapagtataka nga na wala kami nitong cellphone,

"Ngunit, ano ang isinigaw ng iyong cellphone? 'Goodness gracious, great balls of fire' " ginaya ko ang pagkakasabi ng nasa cellphone, at nagtaka naman ako nang bigla ay tumawa ulit sya, a loud laugh this time,

"I-It's a song" sabi nya nung tumigil sya sa pagtawa,

"Anong kanta iyon? mukhang maganda pakinggan dahil masaya ang tono" tanong ko at bigla naman syang namula,

"W-wala, don't mind it. Our breakfast is ready, kumain ka muna bago ka maghanap ng apartment" he said at tinalikuran na ako, nagkibit-balikat ako at sumunod na lamang sa kusina,

"Saan pala ako maghahanap ng bahay? Anong sasabihin ko?" tanong ko habang kumakain kami,

"Tsk, sige sasamahan kita"

"Talaga? salamat!"

Matapos kumain, kinuha ko ang mga gamit ko sa kanyang silid. Nakaligo na rin ako at ready nang umalis,

"Dito ka muna, I'll just talk to the landlady. Ang alam ko kasi ay bakanteng apartment dito sa baba" pagkasabi ay lumabas na sya,

Landlady? ano yun?

I just shrugged my thoughts off at hinintay na lang si Nix, in a just a few minutes ay dumating din naman sya,

"You're lucky woman, bakante ang masa babang apartment. 5,000 ang upa doon every month. One month deposit one month advance, bale 10K lahat lahat ang babayaran mo"

10K? hinalungkat ko ang bag ko at kinuha ang dalawang supot ng puro dyamante.

Hindi salapi ang dinala ko dahil wala ako nun sa palasyo, sila Ama lamang ang nakakahawak nun. Pero marami akong dyamante sa kwarto ko. Dalawang supot nito ang dinala ko dahil hindi ko alam kung magkano ang mga ito kapag pinalit sa salapi,

"What the freaking earth! Saan mo nakuha 'yan?" gulat na gulat na wika nya,

"Sa palasyo?"

"Ninakaw mo?"

I waved my hands habang umiiling,

"No, no ofcourse. Sa akin ang mga ito"

umupo sya sa tabi ko at sinuri ang mga dyamante na inaabot ko sa kanya,

"Damn, this is real" bulong nya,

"So, pwede ba na 'yan ang ipambayad ko sa apartment?" tanong ko sa kanya,

"No! I mean, masyadong malaking halaga ito" bumuntong-hininga sya,

"Maswerte ka at ako ang nakakita sayo sa gubat, kung hindi ay baka kung ano na ang nangyari sayo. You're causing me too much headache woman"  sabi nya habang hinihilot ang sentido,

"I'm going to pay your one month advance and deposit, sa ngayon ay itabi mo muna ang mga diamonds na 'yan. I'm going to find a place where you can exchange that para maging pera at magamit mo" dagdag nya pa,

"S-salamat" I said,

"Come on, niready na ng landlady ang apartment mo. Okay, let me carry your bag" sabi nya bago dalhin ang bag ko,

Tatlong damit at tatlong pants, dalawang pantulog, a bottle of water, contact lense, at yung dalawang supot ng dyamante lang naman ang laman ng bag ko, isama mo na yung pana. Malaking back pack na itim ang dala ko, maluwag pa nga sa loob nito.

"Hi, you must be the new tenant. Ako nga pala si Ms.Alany, ang landlady. Hindi naman ako mahigpit pag dating dito sa apartment ko, all I want you to do is to keep your surroundings clean and quiet. Ayoko ng makalat at lalo ang maingay" sabi ng matabang babae na medyo may edad na, may sumisilip na na mga puting buhok sa kulot ngunit nakatali nitong buhok,

"Ako po si Xyrelle, huwag po kayong mag-alala hindi naman po ako maingay at mas lalong hindi po ako makalat" I said with a huge smile,

"One month deposit one month advance" saad nya habang nakasahod ang mga palad,

Si Nix ang naglagay ng salapi sa mga palad nito,

"Good, 5k kada buwan ang upa rito. I won't accept late payments, once na hindi ka makapag-bayad on time, automatic layas!" yun lamang at tinalikuran na kami nito matapos iabot sakin ang mga susi.

Pumasok na kami ni Nix sa apartment, nilapag nya lamang ang bag ko at umalis na para raw makapag-ayos na ako...

The Mischievous PrincessWhere stories live. Discover now