•II•

5 3 0
                                    

THE MISCHIEVOUS PRINCESS

Chapter Two: Princess Zephaniah

Nagising ako nang lumapat ang sikat ng araw sa aking balat, nakita ko na ang aking personal servant ang naghawi ng kurtina sa aking silid upang gisingin ako.

"Good morning Lily! " masayang bati ko sa kanya na tila ikinagulat nya,

"Magandang umaga mahal na prinsesa, handa na po ang inyong agahan" pagkasabi nun ay inayos nya ang agahan ko sa maliit na mesa sa aking silid, tumayo ako at tumungo sa comfort room para maghilamos at mag-toothbrush.

Pagkalabas ko ay wala na si Lily sa aking silid,

Si Lily ay mas matanda lamang sa akin ng tatlong taon, kaedad nya si Xavier. Simula pagkabata ay nagsisilbi na sya sakin kaya naman sobra ang pagtitiwala ko sa kanya, gusto ko nga syang maging kaibigan ngunit palagi nya akong tinatanggihan. Hindi raw sakop ng trabaho nya ang pakikipag-kaibigan sa akin.

Pero kahit ganoon ay kaibigan pa rin ang turing ko sa kanya, mabait sya at sobra ang pag-aalaga nya sakin kaya naman gustong-gusto ko talaga sya.

"Lily! come here! join me, hindi ko mauubos ang lahat ng ito" sigaw ko nang pumasok si Lily sa aking silid,

"Pasensya na po mahal na prinsesa, ngunit hindi ko po maaring gawin iyon. Nandito po ako upang sabihin na pagtapos nyo pong mag-agahan ay may darating po dito upang kayo ay ayusan at bihisan. May magaganap pong pagdiriwang mamaya"  nakayukong wika nya,

"No need to be too formal Lily, just call me Zeph"

"Pero mahal na prinsesa, hindi ko po iyon maaaring gawin sap—"

"Okay okay fine, sige na bibilisan ko na ang pagkain" kunwari ay nalulungkot na wika ko,

"Huwag ka nang malungkot mahal na prinsesa, alam nyo naman po na ginagawa ko lamang ang aking tungkulin"

"Of course I understand, sige na. After five minutes ay maaari mo nang papasukin ang mga mag-aayos sa akin"

Yumuko sya at lumabas na, ako naman ay pinagpatuloy na ang pagkain. After five minutes ay dumating na nga ang mag-aayos sa akin.

Naligo muna ako at lumabas para hayaan sila na ayusan ako, sila rin ang namili ng aking susuotin.

Light make up lang palagi ang inaayos nila sa aking mukha, kahit naman kasi walang make up ay maganda na talaga ako HAHA!

"There you go! You look fabulous your highness" the make-up artist said habang nakatingin sa salamin at pinagmamasdan ang aking mukha,

Nginitian ko naman sya at pinagmasdan din ang aking sarili. Halos wala namang nagbago sa mukha ko, nalagyan lang ng konting make up kaya mas lalong umangat ang ganda ko.

"Natitiyak kong ikaw ang pinaka-magandang babae sa pagdiriwang mamaya, mahal na prinsesa" komento ni Lily,

"Thank you Lily"

Tumayo ako upang isuot naman ang Purple Ball Gown ko, tinulungan ako ng aking mga tiga-silbi pati na rin sa pagsusuot ng aking Purple Stilettos.

"You never failed to amaze me by your natural beauty Your Highness"

"Thank you Jerome"

Jerome is my personal make-up artist, he's gay, a handsome one. Kung naging lalaki marahil ito ay pagkakaguluhan ito ng mga kababaihan.

"Mapagbiro ka talagang tunay, Your Highness. It's Jessy not Jerome" natawa naman ako dahil sa sinabi nya, ayaw na ayaw nya kasing tinatawag na Jerome.

"What time is the royal celebration? " I asked,

"Bandang alas tres po ng hapon mahal na prinsesa"

" 3 PM?! Tapos ganito kaaga ako pinag-ayos?! "

It's only 10 in the morning my goodness! Para hindi na mawala ang good vibes ko ay nagtungo na muna ako sa terrace ng aking silid.

Tinanaw ko ang napakalayong bayan.

Our palace is on the hilltop, literal na sa pinakatuktok ng bundok. Kaya tanaw na tanaw ko ang bayan mula rito. Ang bayan na kahit kailan ay hindi ko pa napupuntahan.

Ano kayang ginagawa ng mga tao riyan? Maayos kaya ang pagpapatakbo ng aking Ama at hindi sila napababayaan?

Habang tumatanaw sa bayan ay hindi ko maiwasan na mapatingin sa kagubatan, tila may naaninag akong isang tao ngunit hindi ko malaman kung sino. Siningkitan ko pa ang mga mata ko upang matanaw ang tao, ngunit napakalayo nya mula sa palasyo kaya naman hindi ko sya masyadong matanaw,

Anong ginagawa nya sa kakahuyan?

"Wait? nakatingin ba sya sakin? Am I seeing things right?"

pakiramdam ko ay nakatingala ang taong iyon at tinatanaw ako mula sa malayo,

"Weird but I can feel his eyes on me"

"Sinong kausap mo?"

Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa biglang nagsalita,

"Xavier! you almost killed me!" sigaw ko dahil sa gulat,

"Pfft, hindi ka mamamatay sa gulat little sister. Maliban na lang kung may sakit ka sa puso. Anyway, you look really good today. Well lagi ka namang maganda but these gown suits you well"

dahil sinabihan nya akong maganda ay bawi na kaagad sya,

"Bakit sobrang aga akong pinaayusan gayong mamaya pa pala ang pagdiriwang?" tanong ko sa kanya,

"May family photo shoot tayo bago ang pagdiriwang"

"Tapos ihihiwalay na naman yung mga photos na kasama ako para hindi makarating sa bayan na may isang prinsesa palang nakatira dito? "

Lahat ng family pictures namin na kasama ako ay dito lamang sa palasyo inilalagay samantalang ang pictures kasama si Ama, Ina, at Xavier ay naipapakalat sa bayan. Ayaw kasi ni Ama na malaman ng taong bayan na may isang prinsesa syang anak. Hindi ko rin alam kung bakit ganon sya sakin.

Hindi kaya, ampon lang ako? o hindi ako tunay na anak ni Ama?

"Stop over thinking Zeph, isipin mo na lang na this is for your own good"

Tss, for my own good? ang itago? ikulong at pagkaitan ng kalayaan?

Kasalanan bang magkaroon ng napakagandang anak na tulad ko?

Dahil bored sa palasyo ay hindi ko talaga maiwasan gumawa ng mga kalokohan, tulad nung 10 years old ako HAHAHA! Nilagyan ko ng palaka ang mini fountain na nasa loob ng palasyo, dahil sa galit ni Ama ay ikinulong nya ako sa aking silid ng dalawang linggo.

Minsan ko na ring itinago ang korona ni Ama, dahil sa sobrang galit sa akin ay muntik pa syang atakihin noon.

Kaya bakit ba ako nagtataka na ayaw sa akin ni Ama? But they can't really blame me, gusto kong makapunta sa bayan at tumulong din sa mga tao. Gusto kong magkaroon ng mga kaibigan, dahil puro tiga-silbi at mga kawal lamang ang nakakasalamuha ko rito.

Wala rin akong kaibigan na anak ng mga Hari at Reyna sa ibang bayan dahil hindi nila pinapayagan ang mga ito na lumapit sa akin. Well it's because they believe that I'm the unlucky blacksheep in the Royal Society. Ha! As if I care.

The Mischievous PrincessWhere stories live. Discover now