•XIII•

2 2 2
                                    

THE MISCHIEVOUS PRINCESS

Chapter Thirteen:Princess Zephaniah

Matapos ang apat na subject, lunchbreak na raw kaya niyayaya ako ngayon nila Vien na kumain sa cafeteria,

"Come on come on, dun tayo sa cafeteria kakain. May table doon na para lang sa mga Royal Class students" hyper na naman si Vien at Khylie,

"Hoy hoy! kayong dalawa, sakin sasama 'yan si Xy. Kanina pa kayo ah" singit ni Trev, na inalmahan naman nung dalawa,

"Anong sayo? Walang sayo Trevy boy! Sakin 'to si Xyrelle babes" sabi naman ni Khylie at umakbay pa sakin, ayaw naman patalo ni Trev dahil hinila nya ang kamay ko, at nakihila na rin si Vien sa kabilang kamay ko naman,

"Samin sasama si Xyrelle, back off Trevor" si Vien,

palipat-lipat lang ang tingin ko sa kanila at hindi alam kung anong gagawin nang biglang pumunta si Nix sa pwesto namin at hinila ang kamay ko kaya napunta ako sa tabi nya,

"Stupid, sa iisang lugar lang ang punta nyo mag-aagawan pa kayo? Tsk" naiinis na wika ni Nix sabay hila sakin palabas ng room,

"Teka, saan tayo patungo?" tanong ko sa kanya habang hila parin nya ang  kamay ko,

"Tss, ofcourse to the cafeteria"

Nakakainis talaga kausap 'to, hindi na ulit ako nagsalita dahil baka sungitan nya lang ako.

Nakarating kami sa cafeteria at umupo sa pinaka-gitnang table na naiiba ang kulay sa ibang table. Lahat kasi ng table dito ay kulay puti at may apat na upuan lamang, pero itong inupuan namin ay kulay light blue na long table at may sampung upuan, bawat upuan ay may mga pangalan na nakalagay. Magkatabi ang upuan namin ni Nix, sa kabilang upuan na katabi ko ay pangalan ni Blake ang nakalagay dito,

Maya-maya ay sabay na nagdatingan sila Vien, Trev, Khylie, Seb, at Stefan,

"Wala pa tayong pagkain?" tanong ni Seb pagkaupo nya,

"May nakikita ka Sebastien?" masungit na tanong din ni Vien sa kanya,

"Oh-oh! pati ba naman kayo ay mag-aaway din?" singit ni Khylie sa kanila,

"Nasan si Blake at Kai?" tanong ko sa kanila,

"Susunod na 'yun, nag-aaway pa sila eh HAHAHAHA paano si Kai ay kinukulit na naman si Brielle—Ayun! nasuntok tuloy sya sa sikmura" kwento ni Khylie at nagtawanan naman sila maliban kay Stefan at Nix, magkatapat ito at parehas na blangko ang ekspresyon. Mga walang pakialam sa paligid nila.

After one or two minutes ay dumating na rin sila Blake at Kai, may nakalagay pa rin sa tainga ni Blake at seryoso itong naglalakad papasok sa cafeteria na tila hindi pansin ang pagsasalita at pagkalabit sa kanya ni Kai,

Dire-diretso lang si Blake hanggang sa marating ang upuan namin at naupo sa tabi ko,

"Where's the food?" Blake asked, naka- poker face ito,

"Wala pa bang sineserve? gutom na ang isang 'to kaya nagsusungit na naman" wika ni Kai na agad din tumahimik nang tignan sya ng masama ni Blake,

"Bigyan mo ulit ng isa 'yan Brielle" Trev said at natawa naman sila,

Nag-aasaran at nagkukwentuhan sila habang wala pa yung pagkain namin, sabi kasi nila ay may nakalaan na na pagkain para samin at iseserve yun dito sa table namin,

"Please keep your voice low, hindi lang kayo ang narito sa cafeteria" sabay na sabi ni Stefan at Blake na dahilan ng malakas na pagtawa nila Vien, Khylie, Seb, Trev at Kai, maliban kay Nix na may kung anong kinakalikot sa cellphone nya.

Blake rolled her eyes while Stefan slightly smiled.

Habang nagtatawanan sila ay isa-isa nang sinerve ang pagkain namin, karamihan dito ay puro gulay at prutas.

Nang mai-serve lahat ng pagkain ay nag-umpisa na kaming kumain nang tahimik.

"Nakaka-inggit sila, sana naipasa ko rin ang special exam para isa din ako sa kanila"

"Yeah right, sana sineryoso ko ang exam at hindi lang nanghula"

"Girl, isang taon ka nag review noh! hindi ka nanghula, bagsak ka talaga"

"What about that new girl? sino sya at paano sya napabilang sa Royal Class?"

"My ghash, malamang ay may hatak 'yan at kamag-anak sa schools admin kaya nasama jan"

"Yes, wala sa mukha nya na matalino rin sya"

"Yeah right, she look stupid for me"

Malakas ang usapan ng mga babae sa kalapit na table namin kaya naman hindi namin maiwasan na marinig ito,

Hindi ko naman ito pinapansin ngunit napalingon ako sa tabi ko nang marinig ko ang pag-usog ng upuan,

Tumayo si Blake at pinuntahan ang mga babaeng nagkukwentuhan,

"I really hate bees who buzz so loud specially when I'm around..Get out of this cafeteria before I stitch your loud mouth" Blake said calmly, nanatili ang poker face nyang ekspresyon,

Napatungo naman ang mga babae at napapahiyang tumakbo palabas ng cafeteria, si Blake ay bumalik na sa upuan nya na parang walang nangyari,

"Woo! Savage!" sigaw ni Kai,

"Malupit ka talaga Brielle HAHAHAHA tiklop ang mga bubuyog" dagdag ni Khylie,

"Hindi kasi nila alam na na-perfect ni Xyrelle ang special exam kaya ganon magsalita HAHAHA stupid bees" natatawang wika naman ni Seb,

"Well deserved, apir tayo Brielle!" Vien said at itinaas ang kamay para makipag-apir ngunit tiningnan lamang ito ni Blake kaya si Seb na lang ang umapir para hindi ito mapahiya,

"Konti na lang talaga at iisipin ko na na triplets ang mga 'to" saad ni Khylie habang tinuturo sina Stefan, Nix at Blake na pare-parehas na walang kibo,

"The Quiet Trio"

"Trio de walang kibo"

"Trio Silencer"

"Trio umusap ay 'di uso"

nagpatuloy pa ang pang-aasar nila sa tatlo,

"Ha, 'wag nyo akong idamay jan. Nagsasalita rin naman ako tinatamad lang" wika ni Stefan,

"Susss, wala ka lang maisip na sasabihin. Corny ka kasi mag-joke at walang sense mag-kwento" sabat ni Khylie at nagsilingunan naman sila dito, mapang-asar ang mga tingin nila kay Khylie,

"Corny nga, gusto mo naman" Stefan said at nagsimula na naman ang tuksuhan nila,

"Tumigil na nga kayo, maiba naman tayo. Xyrelle saan ka pala nakatira?" pag-iiba ni Khylie ng usapan kaya sakin naman sila nakatingin ngayon,

"Sa Amethyst Apartment"

"Woah! 'diba dun ka rin nakatira Nix?" tanong ni Seb,

"Yes" tipid na sagot ni Nix,

"Alam nyo kung anong tawag dun?" tanong naman ni Kai,

"Ano?" sabay-sabay na pagbabalik tanong nila,

"Edi ApartMate BWAHAHAHAH" sagot ni Kai, binato sya ng tissue ni Stefan, binatukan ni Seb at sinamaan ng tingin nila Vien at Khylie,

"Tss" si Blake,

"Oo nga pala, hindi nyo magegets yun. Slow kasi kayo HAHAHAHA"

Nagpatuloy pa ang asaran nila, natigil lang nang tumunog ang bell hudyat na magsisimula na ang susunod na klase. Kaya naman bumalik na kami sa room.

The Mischievous PrincessWhere stories live. Discover now