•XIV•

2 2 0
                                    

THE MISCHIEVOUS PRINCESS

Chapter Fourteen: Princess Zephaniah

Uwian,

Patungo kami sa parking lot. Kasama ko sila Trev at Nix.

Sila Vien, Khylie, at Stefan ay pinatawag sa Dean's office dahil may sasabihin daw ang Dean sa kanila.

Habang sila Blake, Kai at Seb ay nasa Student's Council Room dahil may inutos si Nix sa mga ito. Miyembro kasi sila ng students council, at si Nix nga ang President nito.

"Maaga pa, uuwi na kaagad tayo?" tanong ni Trev,

lumingon naman ako kay Nix at hinintay ang sagot nya,

"I'm tired" sagot nito,

"Ikaw Xy? baling ni Trev sakin, malawak ang ngiti nito,

"Hmm, wala naman din akong gagawin sa bahay. Ah! alam ko na! samahan mo na lang ako na bumili ng cellphone Trev, saan nga ba nakakabili nun?" sabi ko dito, nakatingala ako dahil ang tangkad nya masyado,

Gusto ko na rin kasi na magkaroon ng cellphone para naman mapag-aralan ko na kung paano ito gamitin, kapag okay na ang lahat at babalik ako sa palasyo ay bibilhan ko rin si Lily ng cellphone,

"Sa mall meron nun, I'll go with you. Ako na rin ang pipili ng magandang brand para sayo" Trev said then winked at me,

"Sasama ako" napalingon naman kami kay Nix, ngunit pagkakita namin sa kanya ay naglalakad na sya patungo sa sasakyan ni Trev,

tsk, akala ko ba ay pagod sya? ang gulo talaga ng isip nya.

"Tara na" inalalayan ako ni Trev papasok ng sasakyan nya at pinagbuksan ako nito ng pinto.

Habang umaandar ang sasakyan ay bigla kong naalala sa palasyo,

Kamusta na kaya si Xavier?

si Ina?

Hinahanap kaya nila ako?

ano kayang ginagawa ni Lily ngayon?

tiyak kong nalulungkot ngayon si Lily at si Xavier lalong lalo na si Ina,

how about my father? pinahahanap na nya kaya ako ngayon? o wala syang pakialam kung ano man ang mangyari sakin?

I missed everyone in the palace except my Father who had been the puppeteer of my life,

kinakabahan ako dahil tila tahimik ang aking Ama, dapat ngayon ay nagpapadala na sya ng mga kawal upang hanapin ako,

Knowing him, ayaw na ayaw nya na nasasalungat ang mga desisyon nya.

Sigurado ako na galit na galit na sa akin 'yun dahil hindi ko sinunod ang gusto nya na magpakasal sa isang Prinsipe.

Ano kaya ang iniisip ni Ama? Ano ang mga plano nya?

"Xyrelle? are you still there?" nabalik ako sa reyalidad nang marinig ang boses ni Trev,

"Y-yes, ano nga ang iyong sinasabi?" tanong ko,

"Are you alright?" si Nix, seryoso syang nakatingin sa akin,

Batid kong nais din lumingon sa akin ni Trev ngunit mas tinuon nya ang atensyon sa pagmamaneho,

"Yes I'm alright, ano nga ulit ang iyong sinasabi Trev?"

Napakamot sa ulo si Trev,

"Akala ko nakikinig ka, sabi ko may mga masasarap na kainan sa mall. Libre ko ulit, dahil kuripot 'tong si Nix.. Pero bago tayo pumunta sa mall, may dadaanan lang ako saglit sa may public market" pag-uulit nya sa sinabi nya kanina,

The Mischievous PrincessWhere stories live. Discover now